"ANONG bang nangyayari sa 'yo, Genesis!! Oh my god! Hindi mo na kami inisip ng Daddy mo! Gusto mo ba kaming patayin sa galit at sama ng loob!" Pa-histerya at sunod-sunod na talak sa akin ni Mommy. Well, expected ko na ang reaction niya. I've been avoiding her for almost a week now. Kahit sa office hindi na niya ako matawagan. Mahigpit ko kasing ibinilin kay Dessa na huwag sasagutin ang telepono kapag nakitang si Mommy ang nasa caller ID. Kaya naiintindihan ko kung magwala siya ngayon. "Mom, calm down—" "How could I!" Galit na putol niya sa sinasabi ko. "My ghad! Genesis! Sabihin mong rumors lang ang lahat! Sabihin mo!" Napapabuntong hiningang, hinilot ko ang aking noo. "Can we talk about this over dinner?" "No! Sabihin mo akin ang totoo ngayon na!" I sighed again. Ang ganitong ma

