"Congrats, Yvo! What a beautiful pieces you have here," bati ng magandang babae na lumapit sa amin ni Gunter. Nandito kami ngayon sa events place kung saan on going ang opening ng exhibit. Ayaw talaga ni Gunter na um-attend pa kami dahil nga sa nangyaring pangloloob sa bahay namin. But I insisted. Alam ko kasing siya ang inaabangan ng mga tao. Ayokong masira ang expectation nila. Sayang, baka mamaya ay 'di pa bumili ng paintings. Malaking tulong ang funds na malilikom para sa facility. "Thank you," tipid na sagot ni Gunter. He then intertwined our fingers. Sumulyap sa magkahawak naming kamay namin yung babae saka pasimpleng tumaas ang sulok ng labi. Hindi man lang niya ako binati. Oh, well... karamihan ata ng babaeng nandito ngayon, nag-t-thrist trap sa boyfriend ko. "How about

