MULA sa pag-scroll sa laptop, umangat ang tingin ko nang bumukas ang pintuan at kunot noong pumasok si Jade. “Oh, anong ginagawa mo rito?” Nagtatakang tanong niya. “Wala naman tayong usapan na may meeting, ah.” Nandito ako ngayon sa botique/main branch ng The Vintage Apparels. Balak kong dito na muna mag-opisina for atleast a few days habang hindi pa kami nakakapag-usap ni Mommy. Alam ko kasing tatawag at mangungulit na naman siya kapag nandoon ako sa De Vera Office. Last night, plano ko talagang tawagan at kausapin si Mommy. Kaso hindi nga natuloy dahil sa nangyari kagabing panic attack sa akin. Na-trigger ng mga sinabi ni Lara ang PTSD ko, that I thought I already overcome, pero hindi pa pala. Nag-usap na kami ni Gunter na babalik ako sa therapist ko sa weekends. He’ll be the

