“Yes? Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?” Diretsang tanong ko sa kaniya. I didn’t even smile. I made her feel na, hindi ko gusto ang vibe niya. Oh, well may limit lang ang pakikipag-plastikan ko sa isang tao. At naabot na ni Lara ang limit na ‘yon. “Oh… so, that’s the real you, huh?” Parang kontrabida sa mga Kdrama na pinapanood ni Violet na sabi niya. Tumaas ang sulok ng labi. “The real me?” Tumawa si Lara bago naglakad palapit. Huminto siya sa harapan ko at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Kanina lang ang friendly at ang polite mo. Pakitang tao lang pala.” Wow! Galing talaga sa kaniya ‘yon? Ginagaya ko lang naman ang kaplastikan niya sa akin kanina. “You know, ang attitude ko kasi depende sa vibe ng taong kaharap ko.” Peke akong ngumiti. “In short, mabait ako at friendly s

