CHAPTER 16: LASON

1280 Words
Blackwood Academy Infirmary Tulog si Shai. Naka-dextrose. Yung braso niya, may bandage. Si Danie, nasa kabilang kwarto. Sunog yung binti, pero stable na. Sabi ng nurse, suwerte pa rin daw. Suwerte? Nilingon ko yung pouch ng abo sa bulsa ko. Si Mama Rosa hindi suwerte. Ako? Ako ang malas. Kasi ako ang dahilan. "Patay na ang Mama Rosa mo, Kasalanan mo ito." Paulit-ulit yung sulat sa utak ko. Hindi. Hindi ko kasalanan. Kasalanan ng pumatay. Kasalanan ng nag-utos. Kasalanan ng Blackwood. At ngayong gabi, hahanapin ko kung sino. Tumingin ako kay Kira. Gising. Nakaupo sa tabi ni Shai. "Ako muna," bulong ko. "Tulog ka muna. Ako magbabantay." Tumango siya. Pagod. "Isang oras lang, Ixcey. Gigisingin kita." Paghiga niya, hinintay ko lang limang minuto. Saka ako tumayo. Naka-itim akong hoodie. Naka-maong. Naka-rubber shoes. Walang ilaw. Walang ingay. Lumabas ako ng infirmary. Blackwood Academy — Campus Grounds Curfew na. Dapat wala nang estudyante sa labas. Dapat patay na lahat ng ilaw. Dapat tahimik. Pero mali. Pagdaan ko sa garden, may dalawang lalaki. Nagtatawanan. May hawak na bote. Lasenggo. Paglagpas ko sa lumang gym, may tatlong babae. Naka-uniporme pa rin. Pero nagmamadali. May dalang backpack. Sa likod ng library, may van. Bukas yung pinto. May pumasok na estudyante. Lalaki. Tapos umalis yung van. Sa gabi pala, buhay ang Blackwood. Hindi lang ako ang nagtatago. May mga lihim din sila. At isa sa mga lihim na ‘yon... naglalakad ngayon sa harap ko. Si Zack. Naka-hood pa rin. Kamay sa bulsa. Mabilis maglakad. Papunta sa north gate. Hindi siya lumingon. Pero alam kong alam niyang may sumusunod. Kasi nung pagliko niya sa kanto ng science building, huminto siya. Isang segundo. Tapos diretso ulit. Sinusubukan niya ako kung susunod pa rin ako. Sinundan ko. Hanggang sa lumabas siya ng gate. Paano? May guard dapat. Pero wala. Yung guard house, walang tao. Yung CCTV sa gate, nakayuko. May tumutulong sa kanya. Sa labas ng Blackwood, unang beses kong nakita yung mundo. Madilim. Walang street light. Amoy kanal. Amoy basura. Amoy usok. Lumiko si Zack sa isang eskinita. May karatula sa taas. Kinakalawang na. Pundi yung ilaw. Pero nababasa pa: THE WOLF’S DEN — UNDERGROUND May hagdan pababa. Amoy alak. Amoy sigarilyo. Amoy dugo. Rinig ko yung bass ng music mula sa ilalim. Malakas. Galit. Bar ng mga basagulero. Yun pala ang ibig sabihin ng mga estudyante pag sinasabi nilang "sa baba". Pumasok si Zack. Hindi na lumingon. Sumunod ako. Pagkababa ko, nawala siya. Mainit. Maingay. Masikip. Puro lalaki. May tattoo. May pilat. May baril sa tagiliran. Yung iba, estudyante pa rin ng Blackwood. Nakita ko yung isa sa mga tauhan ni Knox. Yung isa, kasama ni Vance dati sa basketball team pero tinanggal. Sa gitna, may ring. Nagbubugbugan dalawang lalaki. Walang gloves. Walang referee. Puro dugo na yung sahig. Puro sigaw yung mga tao. Sa bar counter, puro alak. Walwal. Yung bartender, babae. Payat. Maputi. Pero yung mata, patay. Wala si Zack. Inikot ko yung mata ko. Sa sulok. Sa hagdan. Sa CR. Wala. Parang nawala na lang bigla. Parang multo. "Baguhan ka?" Napalingon ako. Babae. Mga 20 years old. Naka-tube na pula. Naka-short. Maganda. Mapula yung labi. Sa leeg niya, may tattoo. "Hindi," sagot ko. Pinilit kong tumapang. "May hinahanap ako." "Sino?" Ngumiti siya. "Yung lalaking naka-hoodie?" Nanlamig ako. "Oo. Nakita mo?" "Syempre." Lumapit siya. Inamoy niya yung buhok ko. "Amoy Blackwood ka." Iniabot niya yung baso. Orange. May yelo. "Juice. Mukha kang uhaw. Kakahanap mo sa kanya." Totoo. Uhaw ako. Pagod. Kinakabahan. Kinuha ko yung baso. Hindi ko inisip. Ininom ko. Matamis. Malamig. "Nasaan si—" Hindi ko natapos. Kasi biglang umiikot yung mundo. Yung ilaw, dumadami. Yung tunog, lumalayo. Yung sahig, lumulubog. Drugged. Nabitawan ko yung baso. Yung babae, tumawa. "Tanga." Bago ako matumba, may sumalo sa akin. Amoy pamilyar. Amoy pabango. Amoy... Vance. "Putangina mo," rinig kong sabi ni Vance. Galit. "Sino nag-utos sayo?" Tapos binuhat niya ako. Mainit. Yung katawan ko, mainit. Yung hininga ko, mabilis. Yung puso ko, tumatakbo. May kumot. Malambot. May ilaw. Dilaw. Nasaan ako? "Shhh," boses ni Vance. "Nandito ka na. Ligtas ka na." Dahan-dahan kong minulat yung mata ko. Kwarto. Maliit. Malinis. May kama. May lamesa. May CR. Sa pinto. Room ni Vance. Nasa dorm ako ng mga lalaki. Sa special wing. Para sa mga anak ng Founders. "Vance..." Boses ko, paos. "Anong... anong nangyari?" "Nilagyan ka ng gamot," sagot niya. Nakaupo siya sa gilid ng kama. Basang-basa yung buhok niya. Pawis o tubig, hindi ko alam. "Yung juice. May flakka at ecstasy. Sobra yung dose. Pwedeng ikamatay mo." Napahawak ako sa ulo ko. Masakit. "Si... si Zack. Sinundan ko si Zack. Nawala siya sa—" "Wala kang Zack na susundan," putol ni Vance. Galit. "Gabi na. Delikado sa labas. Lalo na sa Wolf’s Den. Alam mo ba kung sino may-ari nun?" Umiling ako. "Si Gen. Mando Javier. Head of Security. Lahat ng basagulero dun, tauhan niya. Lahat ng krimen, dun pinaplano. At pumasok ka dun... mag-isa?" Hindi ako sumagot. Kasi biglang... biglang iba yung nararamdaman ko. Mainit. Sobrang init. Yung balat ko, parang may apoy. Yung hininga ko, naghahabol. Yung tingin ko kay Vance... nag-iiba. Yung panga niya. Yung leeg niya. Yung labi niya. Halikan mo. "Vance," bulong ko. "Anong—" Hindi ko na siya pinatapos. Hinawakan ko yung kwelyo niya. Hinila ko siya palapit. At hinalikan ko siya. Madiin. Gutom. Desperado. Nanigas si Vance. Isang segundo. Dalawa. Tapos... tumugon siya. Hinalikan niya ako pabalik. Yung kamay niya, napunta sa pisngi ko. Sa baywang ko. Marahan pero mahigpit. Parang matagal na niyang gustong gawin ‘to. Parang matagal na niyang pinipigilan. Yung halik niya, lasang alak. Lasang sigarilyo. Lasang Vance. At sa isang segundo, nakalimutan ko si Mama Rosa. Nakalimutan ko yung abo. Nakalimutan ko si Zack. Nakalimutan ko yung gulo. Pero biglang... humiwalay siya. Malakas yung hininga niya. Nakatingin siya sa akin. Gulat. Galit. Sakit. "Putangina, Ixcey," bulong niya. Hinawakan niya yung noo niya. "Hindi... hindi pwede." "Vance, hindi ko—" "Drugged ka," putol niya. Tumayo siya. Lumayo sa kama. "Hindi mo alam ginagawa mo. At ako... ako hindi ko kayang samantalahin ka." Napahawak ako sa labi ko. Nanginginig. "Hindi ko sinasadya. Yung gamot—" "Alam ko." Tumingin siya sa bintana. Hindi sa akin. "Kaya nga kita pinigilan. Kasi kung hindi... hindi kita mapipigilan." Tahimik. Tanging tunog lang ng aircon. "Matulog ka," sabi ni Vance. Boses niya, basag na. "Babantayan kita. Pag-gising mo, wala na yung epekto. Tapos... tapos kakalimutan natin ‘to." "Kakalimutan?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. Humiga ako. Pumikit. Pero hindi ako makatulog. Kasi kahit drugged ako... totoo yung naramdaman ko. At sa katahimikan, narinig ko siyang bumulong "Tangina. Bakit ngayon pa? Bakit ikaw pa?" Nagising ako. Wala na si Vance sa kwarto. Pero may nakapatong na papel sa lamesa. May bottled water. May biscuit. Binasa ko yung papel. "Umuwi ka na bago sumikat ang araw. May damit sa CR. Hindi ko isusumbong sa Board na lumabas ka. Pero Ixcey... wag mo nang ulitin. Sa susunod, baka hindi na kita mailigtas. — V" Paglabas ko ng CR, nakabihis na ako. Hoodie ni Vance. Amoy siya. Pagbukas ko ng pinto, andun siya. Nakatayo sa hallway. Nakasandal sa pader. Gising pa rin. Nagbabantay. Hindi kami nag-usap. Tumango lang siya. Senyas na umalis ka na. Tumango rin ako. Tapos umalis. Habang naglalakad ako pabalik sa girls infirmary, nakita ko si Zack Tinawag ko sya agad naman syang lumingon sa pwesto ko. Lumapit sya pero may narinig kaming yabag. Yung group ni Knox. "Susunod na gabi," bulong ni Zack. "Sa lumang simbahan. Sa likod ng Blackwood. 1 AM. Dun ko sasabihin lahat." Tumakbo siya. May pangalan na. May oras na. May lugar na. 1 AM. Lumang simbahan. Pupunta ako Zack.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD