Simula nung itinali ni Vance Reiden yung panyo niya sa pulso ko, akala ko tapos na yung pagiging "Basahan" ko.
Mali.
Dahil kay Vance, mas gumulo pa lalo ang buhay ko.
Kaya kaninang umaga, hinubad ko yung panyo. Tinupi ko nang maayos. Nilagay ko sa ilalim ng unan ko sa dorm.
Nakakagulo lang.
Yan yung sabi ko kay Kira. Lahat ng babae sa Blackwood, gusto akong patayin dahil dyan. Kung wala yan, baka patahimikin nila ako.
Tumawa lang si Kira. "Bobo. Lalo ka lang pag-iinitan ni Pres pag nalaman niyang tinanggal mo."
Pero wala si Vance. Nasa meeting kasama yung Board.
At pagod na ako. Pagod na akong maging dahilan ng gulo. Pagod na akong maging "teritoryo".
12:45 PM. Cafeteria.
Gutom na gutom na ako.
Mag-isa akong pumasok. Walang panyo sa pulso. Walang marka. Scholar lang ulit. Basahan lang ulit.
Akala ko okay na. Akala ko babalik sa dati.
Pagpasok ko pa lang, tumahimik yung buong cafeteria.
200+ na estudyante. Lahat nakatingin. Sa pulso ko.
"Uy, wala na yung panyo," bulong nung isa.
"Itinapon na siguro ni Pres," tawa nung kabila.
"Sabi na, pinagsawaan din," tawa pa nung isa.
Mas masakit pa pala. Kasi ngayon, hindi lang ako "teritoryo". "Basura" na ako. Basurang tinapon ni Vance.
Dire-diretso lang ako. Kumuha ng tray. Kumuha ng kanin. Adobong manok. Tubig.
Umupo ako sa pinakadulo. Sulok. Mag-isa.
Tahimik akong kumakain. Nakayuko. Suot ko yung salamin ko — luma na, may tape na yung gitna kasi nabali nung. Galing ito kay Nanay.
"Uy."
May tumayo sa harap ng lamesa ko. Si Jessica Morales. Yung sinaksak ako kahapon. May benda pa yung leeg niya. May dalawa siyang kasama.
"Wala si Pres mo ngayon, no?" Ngumisi si Jessica. Tumingin siya sa pulso ko. "At wala ka na ring panyo. Anong nangyari? Nagsawa na siya sayo agad?"
Hindi ako sumagot. Sumubo lang ako ng kanin.
Wala si Kira. Wala si Vance. Ako lang.
"Ang kapal din ng mukha mo," sabi ni Trina, isa sa kasama ni Jessica "Feeling teritoryo ka pa kahapon. Ngayon, basahan ka na ulit."
"Basahan naman talaga," singit ni Selene . "Tinanggalan lang ng panyo, balik na sa pagiging basura."
PLAK!
Tinabig ni Jessica yung tray ko. Tapon lahat. Kanin sa lap ko. Sabaw ng adobo sa uniform ko. Basa. Mainit.
Tawanan yung buong cafeteria.
Yumuko ako. Pinipigilan ko yung luha. Wag ka iiyak, Ixcey. Pag umiyak ka, talo ka.
"Pulutin mo," utos ni Jessica. Tinuturo yung kanin sa sahig. "Tapos kainin mo. Para kang baboy naman talaga. Bagay sayo. Yan ka naman nung wala pang panyo ni Pres."
Nanginginig na yung kamay ko.
Dati, ginagawa ko yun. Pinupulot ko. Kinakain ko. Kasi basahan ako. Kasi mahina ako. Kasi scholar lang ako.
Tumingin ako sa pulso ko. Wala na yung panyo. Wala na yung proteksyon. Wala na yung dahilan para matakot sila.
Pero biglang may naputol sa loob ko.
Hindi pisi ng takot. Pisi ng pasensya.
7 years akong basahan. Kahit walang panyo ni Vance, basahan pa rin ako. Kahit may panyo, basahan pa rin.
Ano pa bang mawawala sa akin?
Dahan-dahan akong tumayo.
"Ano? Kakainin mo na?" Tawa si Selene "Good girl—"
CRACK.
Sinapak ko si Jessica sa mukha. Buong lakas. Walang panyo. Kamao ko lang. Galit ko lang.
Hindi niya in-expect. Natumba siya sa sahig. Duguan yung ilong.
Nanlaki yung mata ng lahat. Pati ako, nagulat sa ginawa ko.
"Putangina mo," bulong ko. Nanginginig ako. Hindi sa takot. Sa galit. Pagod nakong mabully simula nuon hanggang ngayun.
Lumapit si Jessica para suntukin ako. Umiwas ako. Malas niya, basag na yung baso ng tubig ko sa gilid. Nabasag kanina nung tinabig yung tray.
Dinampot ko yung pinakamalaking bubog.
"SAWA NA AKO!" Sigaw ko. "SAWA NA AKONG API-APPIHAN! MAY PANYO O WALA, TAO PA RIN AKO!"
Tinutok ko yung bubog kay Jessica. "Lumapit ka pa. Tingnan natin kung sino una mauubusan ng dugo."
Napaatras siya. Lahat sila napaatras.
"Psycho!" Sigaw ni Selene. "Baliw ka!"
"BALIW?!" Tumawa ako. Hindi ko na kilala yung boses ko. "Kayong nagtuturok ng kutsilyo sa braso ko, kayo yung matino?!"
Katahimikan.
Tapos may pumalakpak.
Clap. Clap. Clap.
Mabagal. Pabalang.
Lahat napalingon sa entrance ng cafeteria.
Si Knox.
Nakasandal siya sa hamba ng pinto. Naka-white na long sleeves pa rin. Nakangiti. Pero patay yung mata. Yung apat niya — si Jett, Uno, Mika, Cale — nasa likod niya.
"Wow," sabi ni Knox. Naglakad siya papasok. Lahat ng estudyante, kusang tumabi. "Ang tapang naman ng teritoryo ni Vance."
Huminto siya sa harap ko. Tatlong metro lang. Tumingin siya sa pulso ko.
Gusto kong umatras. Pero hindi na. Pagod na akong umatras.
"Bakit mo ba ako pinag-iinitan?! Hindi nga kita kilala!"
Lumapit pa siya. Isang metro na lang.
"Kaya nga kita pinag-iinitan, Ixcey." Ngumisi siya. "Kasi tinanggal mo yung panyo niya. Ibig sabihin..." Tinuro niya yung dibdib ko. "Hindi ka na sa kanya. Pwede na kitang kunin."
Nanlamig ako. "A-Anong sinasabi mo?"
"Sa Blackwood, pag walang marka, walang may-ari." Hinawakan niya yung baba ko. "At pag walang may-ari... free for all."
Bigla niyang kinuha yung bubog sa kamay ko.
SLASH.
Ginilit niya yung palad niya mismo. Sa harap ko.
Tumulo yung dugo niya sa sahig. Pula. Sariwa.
Tapos bigla niyang hinawakan yung salamin ko. Yung luma. Yung kay Nanay.
"Hindi bagay sayo 'to, Scholar." Bulong niya. "Mas bagay sayo yung dugo."
CRACK.
Binasag niya yung salamin ko gamit yung kamay niya. Sa mukha ko mismo.
Nagkapira-piraso yung lense. Yung tape, napigtas. Yung frame, bumaluktot.
Yung bigay na salamin ni Nanay.
Wasak
Natulala ako.
Hindi sa sakit. Wala akong naramdaman.
Sa galit.
RUMAGASA yung galit. Lahat ng naranasan kung pang-aapi. Lahat ng "basahan". Lahat ng "pangit". Lahat ng kanin sa sahig. Lahat ng dugong tinapon ko.
Lahat, sumabog.
Tumalon ako kay Knox. Wala na akong bubog. Kamao na lang. Kuko. Ngipin.
Sinuntok ko yung mukha niya. Kinamot ko yung leeg niya. Kinagat ko yung balikat niya.
Nagulat siya. Hindi niya in-expect na lalaban ako. Na ganito ako kalakas pag galit. Na kahit wala yung panyo ni Vance, lalaban pa rin ako.
"PUTANGINA MO! IBALIK MO YUNG SALAMIN KO!'"
Natumba kami pareho. Ako nasa ibabaw. Sinuntok ko siya nang sinuntok. Kahit dumudugo na yung kamao ko. Kahit sumasakit na yung braso ko.
"IXCEY!"
Boses ni Vance.
Hinihila na ako palayo. Galit na galit yung mukha niya. Pero hindi sa akin. Sa pulso ko. Sa walang panyo sa pulso ko.
"NASAAN YUNG PANYO KO?!" Sigaw niya habang yakap-yakap niya ako para awatin. "BAKIT WALA SAYO?!"
"INIWAN KO SA DORM!" Sigaw ko pabalik, humahagulgol na. "KASI LAHAT NAGKAKAGULO DAHIL DUN! LAHAT GUSTO AKONG PATAYIN DAHIL DUN!"
Napatigil si Vance. Tumingin siya sa akin. Sa duguan kong mukha. Sa basag kong salamin sa sahig.
At sa unang beses, nakita ko yung totoong galit niya. Hindi malamig. Hindi kalkulado.
Kumukulo.
Dahan-dahan niya akong binitawan. Humarap siya kay Knox na nakatayo na, pinupunasan yung dugo sa labi.
Lumapit siya kay Knox. Isang hakbang lang ang layo.
" Akin pa rin siya. At ang gumalaw sa pag-aari ko..."
BLAG.
Sinuntok niya si Knox sa sikmura. Walang babala. Bumagsak si Knox sa tuhod.
"...ako ang papatay."
Binuhat ni Vance yung basag kong salamin sa sahig. Tapos ako.
"Uuwi tayo," bulong niya sa akin lang.
Tumingin siya sa mata ko. Seryoso. Galit. Pero... takot?
Lahat ng estudyante, nakayuko na. Takot.
Dahil kay Vance, gumulo pa lalo ang buhay ko.
Pero ngayon ko lang narealize...
Kahit walang panyo, ginugulo pa rin niya.
Kasi hindi yung tela yung problema.
Siya.
Ako.
Tayo.