CHAPTER 7: TUNAY NA MUKHA

1465 Words
Nakaupo ako sa sahig ng CR, nakasandal sa malamig na tiles. Sa harap ko, yung basag na salamin. Hindi salamin ng CR — yung salamin ko. Yung luma na binasag ni Knox kanina sa cafeteria. Hawak ko yung isang piraso ng lense. Ito lang yung naiwan kay Nanay. Tapos binasag lang ni Knox. Parang wala lang. Parang basura lang. Pinunasan ko yung dugo sa gilid ng bibig ko gamit yung manggas ng uniform ko. Namamaga yung panga ko kung saan ako sinuntok ni Jessica bago ako gumanti. Kumikirot yung mga kamao ko. Pero masakit yung dibdib ko. Kasi pagod na ako. 7 years. 7 years akong nagtatago. Tinitirintas ko yung buhok ko nang mahigpit hanggang sumakit yung anit ko. Nagsuot ako ng salamin kahit hindi naman malabo yung mga mata ko. Nag-drawing ako ng makapal na kilay para magmukhang masungit. Naglagay ako ng peklat-peklatan gamit yung eyeliner sa gilid ng kilay ko. Yumuko ako palagi. Bumulong ako pag nagsasalita. Nagpanggap akong pangit. Nagpanggap akong basahan. Nagpanggap akong walang kwenta. Para ano? Para sa Blackwood pa rin ako mapunta? Para tapunan pa rin ako ng kanin? Para basagin pa rin yung salamin ni Nanay? Tama na. Tumayo ako. Dahan-dahan kong kinalas yung tirintas ko. Isa-isa. Laglag yung buhok ko. Mahaba. Hanggang bewang. Itim na itim, makapal, bagsak na bagsak. Hindi ko pa ‘to pinuputol mula nung naipanganak ako. Tapos yung peklat-peklatan sa kilay. Pinunasan ko gamit yung basang tissue. Wala naman talaga akong peklat. Yung makapal na kilay. Binura ko rin. Manipis lang talaga yung kilay ko. Natural na arko. Humarap ako sa salamin ng CR. Buong katawan. Matangos yung ilong ko. Hindi peke. Hindi retoke. Maliit yung mukha ko. Hugis puso. Yung pisngi ko, may natural na pula kahit hindi ako nagba-blush on. Yung labi ko, manipis sa taas, medyo makapal sa baba. Mapula. Parang kagat-kagat kahit hindi. Yung balat ko, puti. Hindi yung puting maputla. Yung puting gatas. Makinis. Walang kahit isang tigyawat kahit tatlong araw na akong hindi natutulog nang maayos. Walang pekas. Walang melasma. Kahit araw-araw akong bilad sa araw papunta sa school dati. Yung katawan ko, payat pero hindi buto’t balat. May korte. Kahit luma at maluwag yung uniform ko, kita pa rin. Yan yung tinago ko. Kasi ang ganda, sumpa pag mahirap ka. Pero ano napala ko sa pagtatago? Sinaktan pa rin ako. Binaboy pa rin yung pagkatao ko. Kahit san ako mag punta sinasaktan parin ako. Kaya tama na. Isa lang ang hindi ko tatanggalin. Dumukot ako sa bag ko. Kinuha ko yung contact lens case. Binuksan ko. Brown. Isinuot ko yung kanan. Tapos yung kaliwa. Kumurap ako dalawang beses. Pagtingin ko sa salamin, brown na yung mata ko. Mapusyaw na brown. Ordinaryo. Pero hindi ‘yan yung totoo. Ang totoo kong mata, berde. Hindi yung berde na maputla. Hindi yung berde na hazel. Kasing berde ng lason na sinasabi nila. Kasing berde ng emeralds sa kwintas ng mga mayayaman. "Yung mata mo, Ixcey," naalala kung sabi ni Mama "Itago mo. Wag mong ipakita kahit kanino. Kasi pag nakita nila... hahanapin ka nila." Hindi ko naintindihan nun. Pero sinunod ko. 7 years akong nag-brown contacts. 7 years akong nagpanggap. At hindi ko tatanggalin ‘yan ngayon. Kahit ilabas ko na yung mukha ko, kahit ipakita ko na yung ganda ko, yung mata ko, hindi pwede. Yun yung huling sikreto ko. Paglabas ko ng CR, nandun pa rin si Vance. Nakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto ko. Nakatalikod. Naka-leather jacket pa rin kahit gabi na. Nagbabantay. Hindi siya pumapasok sa kwarto ng babae. "Respect," sabi niya kahapon. Kahit siya yung Pres. Kahit siya yung hari ng Blackwood. "Pres," tawag ko. Mahina. Hindi siya lumingon. "Nasan yung panyo ko, Ixcey? Bakit wala sa pulso mo kanina?" Hindi ko sinagot yung tanong niya. Lumapit ako nang tatlong hakbang. "Vance." Napatigas yung balikat niya. Ngayon ko lang siya tinawag sa pangalan niya. Hindi "Pres". Hindi "Sir". Hindi "Reiden". Vance. Dahan-dahan siyang lumingon. At napatigil yung mundo niya. Nakita ko. Kitang-kita ko sa mata niya. Yung paglaki ng pupils niya. Yung paghigpit ng panga niya. Yung pagdaan ng kung ano mang emosyon — gulat, galit, takot, gutom — sa mukha niya sa loob ng isang segundo. Nalaglag yung baril sa kamay niya. Clag. Tumama sa sahig. Hindi niya pinulot. "Ikaw..." Paos yung boses niya. Parang may nakabara sa lalamunan niya. "Ixcey?" Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya. Diretso sa mata. Walang yuko. Walang salamin na harang. Walang takot. Lumapit siya. Isang hakbang. Dalawang hakbang. Tatlong hakbang. Hanggang isang dangkal na lang yung layo namin. Tapos itinaas niya yung kamay niya. Nanginginig. Dahan-dahan niyang hinawakan yung pisngi ko. Yung hinlalaki niya, dumampi sa baba ng mata ko. Sa balat ko. Mainit yung kamay niya. Magaspang. May kalyo. Kamay ng mamamatay-tao. Pero sa akin, parang unang beses akong hinawakan nang ganun ka-ingat. Parang babasagin ako. "Anong ginawa mo sa sarili mo?" Bulong niya. Hindi sya makapaniwala. "Hindi na ako magtatago," sabi ko. Matigas yung boses ko, pero nanginginig din. "Pagod na akong maging basahan, Vance. Pagod na akong maging pangit para lang hindi ako saktan. Pero sinasaktan pa rin ako. Kahit nagtatago ako, sinasaktan pa rin ako. Bumaba yung kamay niya sa buhok ko. Hinawi niya yung hibla na nakaharang sa mukha ko. Inipit niya sa likod ng tainga ko. "Alam mo ba..." Hinawakan niya yung baba ko para magtama yung mata namin. "Alam mo ba kung bakit kita napansin kita agad?" Umiling ako. Hindi ko alam. Akala ko napansin niya lang ako kasi sinaksak ako ni Jessica. "Kasi ikaw lang yung hindi tumingin sa akin." Tumawa siya. Walang tunog. Mapait. "Lahat ng babae sa Blackwood, pag nakikita ako, nag-aayos. Nagpapapansin. Nagpapa-cute. Nagpapa-sexy. Ikaw..." Hinaplos niya yung pisngi ko. "Ikaw, nakayuko. Nakasalamin. Nakapusod. Nakajacket kahit mainit. Parang... parang ayaw mong makita kita." "Pwede bang ibalik mo nalang yung salamin mo?" "Bakit?." Bumaba yung tingin niya sa labi ko. Tapos bumalik sa mata ko. "Alam kong pag nakita ka nila... pag nakita nila kung gaano ka kaganda... maka maraming umagaw sayo" "Wag kang ganyan Vance kailan lang tayo nag kakilala" sabi ko Namumula yung mukha ko. Hindi sa hiya. Sa kung ano mang nararamdaman ko na hindi ko mapangalanan. 8:00 AM. Kinabukasan. Blackwood Main Hall. Pagpasok ko sa main hall, parang tumigil yung pag-ikot ng mundo. Tatlong daang estudyante. Lahat naka-itim. Lahat may baril o kutsilyo sa tago. Lahat mamamatay-tao. At lahat, napalingon sa akin. Walang salamin. Nakalugay yung buhok hanggang bewang. Malinis yung lumang uniform ko — nilabhan ko kagabi. Si Jessica Morales, nasa hagdan. May hawak na lipstick. Nabitawan niya. Crack. Basag sa sahig. Hindi niya pinulot. Nakatingin lang siya sa akin. Namumutla. Si Trina naman may hawak na kape. Nabulunan siya. Inubo nang malakas. Yung kape, natapon sa uniform niya. Hindi niya napansin. Bulungan. Lahat. "Si Ixcey yan?!" "Hindi. Kamukha lang. Mas maganda ‘to! Mas sexy!" "Imposible. Yung basahan? Yung pangit?" "Tangina, scholar yan? Model yan eh! Artista!" "Mas maganda pa siya kay Jessica ah!" Katahimikan. Kahit yung bentilador sa kisame, parang tumigil. Tapos may pumalakpak. Clap. Clap. Clap. Mabagal. Malakas. Nang-gagaling sa entrance. Lahat napalingon. Si Knox Valtherion. Mag-isa lang siya. Walang Obsidian. Naka-white na long sleeves pa rin sa ilalim ng itim na leather jacket — bawal sa Blackwood, pero wala namang pumipigil sa kanya. May band-aid yung panga niya kung saan ko siya sinuntok kahapon. May pasa yung leeg niya kung saan ko siya kinagat. May gasgas yung balikat niya kung saan ko siya kinuko. Pero nakangiti pa rin siya. Yung ngiting patay. Naglakad siya papasok. Walang may pumigil. Walang may humarang. Kasi Reaper siya. Kasi anak siya ng Valtherion Syndicate. Huminto siya sampung hakbang ang layo sa amin ni Vance. Tumingin siya sa akin. Diretso. Mula ulo hanggang paa. Sa buhok ko. Sa mukha ko. Sa katawan ko. Tapos sa mata ko. Huminto yung tingin niya dun. Matagal. Kumunot yung noo niya. Parang nag-iisip. Parang naghahanap ng kung ano. "Kaya pala," bulong ni Knox sa sarili nya. Lumapit siya ng dalawang hakbang. Akmang bubunot na si Vance ng baril, pero tinaas ni Knox yung dalawang kamay niya. "Easy, Pres. Wala akong dalang baril. Wala akong dalang kutsilyo." Ngumisi siya. " May dala lang akong sorry." Dumukot siya sa bulsa ng jacket niya. Inilabas niya yung isang piraso ng bubog. Yung lense ng salamin ko. Yung may tape pa sa gitna. Yung binasag niya kahapon sa mukha ko. Inabot niya sa akin. Hindi siya lumapit. Inihagis niya nang marahan. Sinalo ko. "Sorry sa salamin mo, Scholar," sabi niya. Seryoso yung boses niya. Walang halong pang-aasar. "Nabuwisit lang ako kahapon. Nainis ako kasi..." Tumawa siya. Maikli. Mapait. Hindi na tinapos yung sasabihin nya. Lumapit siya ng isang hakbang pa. Ngayon, lima na lang ang layo namin. Tumingin siya sa lahat ng estudyante. Tapos sa akin at umalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD