CHAPTER 8: OBSERVATION

1351 Words
Dalawang linggo na ako sa Blackwood. At sa loob ng dalawang linggong ‘yon, isang bagay lang ang ginawa ko: tumahimik at nag-obserba. Matalino ako top 1 sa West Aurelion Public. Hindi ako nag-top dahil nagmememorize lang ako ng libro. Nag-top ako kasi marunong akong mag-analyze. Marunong akong magbasa ng tao. Marunong akong maghintay. Natutunan kong manood sa mga tao kung paano gumalaw ang Blackwood. Unang obserbasyon: Walang teacher na pumapasok dito nang walang baril. Yung Math teacher namin, may 9mm sa likod ng bewang. Yung English teacher, may kutsilyo sa medyas. Yung janitor, may shotgun sa loob ng mop. Ibig sabihin, kahit yung mga “ordinaryong tao” dito, mamamatay-tao rin. Pangalawang obserbasyon: May mga lugar na hindi pinupuntahan ng estudyante. Yung basement ng Science Building — laging naka-lock. Yung rooftop ng East Wing — may dalawang bantay 24/7. Yung likod ng Gym — amoy bleach palagi, kahit walang naglilinis. Ibig sabihin, may mga bagay na tinatago. May mga dugo na nililinis. Pangatlong obserbasyon: Pag 12:00 PM na, lahat ng estudyante tumitigil sa ginagawa nila. Kahit nagkaklase. Kahit kumakain. Titingin sila sa orasan. Tapos sa pinto. Parang may hinihintay. O may kinakatakutan. Pag 12:01 PM na at walang nangyari, babalik sila sa ginagawa nila. Pero yung kaba, nandun pa rin sa mata nila. Ibig sabihin, may nangyari dati tuwing 12:00 PM. At natrauma pa rin sila. Pang-apat na obserbasyon: Walang estudyante dito na walang galos. Kahit yung mga tahimik. Kahit yung mga magaganda. Lahat, may peklat. Sa braso. Sa leeg. Sa likod. Yung iba, sa mukha. Ibig sabihin, normal dito ang saktan at masaktan. Kung hindi ka nasasaktan, ibig sabihin hindi ka pa tinatanggap. Pang-limang obserbasyon: Si Vance Reiden. Hindi siya nagsasalita nang madalas. Pero pag nagsalita siya, lahat tumitigil. Pag naglakad siya sa hallway, kusang tumatabi yung mga tao. Kahit hindi niya sinasabi. Parang batas na nakasulat sa hangin: Pag dumaan ang hari, yumuko ka. Hindi ko pa alam kung bakit. Pang-anim na obserbasyon: Si Knox Valtherion. Bumalik siya isang linggo na ang nakakaraan. Simula nun, magulo na ulit. Pero napansin ko — hindi siya kasing gulo ng sinasabi nila. Oo, binasag niya yung salamin ko. Oo, nagbanta siya. Pero... Bakit niya sinalo yung bato para sa akin nung isang araw? Bakit siya yung nag-sorry? Bakit siya yung nagbigay ng bagong salamin — oo, palihim niyang nilagay sa bag ko nung Lunes, alam ko. At bakit pag nakatingin siya sa akin, hindi galit yung nasa mata niya? Parang... pagod? Parang nalulungkot? May mali. At kailangan ko pang obserbahan. Pang-pitong obserbasyon: Ako. Sa dalawang linggo, natutunan ko na kung paano hindi mapansin. Kung saan yung mga blind spot ng CCTV. Kung anong oras walang tao sa cr ng 3rd floor. Natutunan ko rin na pag nakalugay yung buhok ko, mas maraming nakatingin. Pag nakasalamin ako, mas konti yung nangbubully. Pag tahimik ako, mas pinag-iinitan ako. Kaya nag-adjust ako. Pero hindi ko pa rin tinatanggal yung brown contacts ko. Yung berdeng mata ko, sa akin lang ‘yon. Dahil ang bilin ng Mama ko. 7:00 AM. Blackwood Underground Gym. Combat Training. Lahat ng estudyante, babae o lalaki, Scholar o hindi, kailangang bumaba dito. Kasi sa Blackwood, hindi ka pwedeng mahina. Kailangan marunong kang pumatay gamit yung kamay mo. Nakatayo ako sa gilid. Suot ko yung hiram na training uniform kay Kira. Maluwag. Pero ayos lang. Mas madaling gumalaw. "Pair up!" Sigaw ni Coach. May tabako sa bibig, may latay sa mukha. "Sparring! Hand-to-hand! Walang baril! Walang kutsilyo! Kamao lang!" May isang lumapit. Si Trina, yung kasama palagi ni Jessica at groupo din pala sila THE POISON IVY. Pero wala na yung yabang sa mukha niya ngayon. "Ako na lang kapareha mo, Ixcey," sabi niya. Mahina yung boses. "P-Pag praktisan mo ako." Tiningnan ko siya. Sa dalawang linggo kong obserbasyon sa kanya, nalaman ko na, takot siya kay Vance, pero mas takot siya kay Knox. At nung nakita niyang ako yung pinagtatanggol ni Knox nung binato ako ni Jessica, bigla siyang bumait. Kasi ang politika sa Blackwood, simple lang, Kumampi ka sa malakas para hindi ka maubos. "Sige," sabi ko. Pumwesto kami sa gitna ng mat. "Simulan!" Pito ni Coach. Hindi ako sumugod agad. Obserba muna. Si Trina, kanang kamay ang dominant. Pero mahina yung kaliwang tuhod — napilay siya nung PE nung nakaraang linggo, nakita ko. Pag umiikot siya pakanan, nawawalan siya ng balanse. Kaya hinintay ko siyang sumugod. At sumugod nga siya. Galit. Padalos-dalos. Umiwas ako pakaliwa. Saka ko sinipa yung kaliwang tuhod niya. Thud. Bumagsak siya. Tapos na. Hindi ako nagmayabang. Hindi ako sumigaw. Tumayo lang ako at tumingin kay Coach. "Next," sabi ko. Nagbulungan yung mga nanonood. "Putangina, yung Scholar magaling pala" "Tinuroan yata ni Pres." Napalingon ako. Nasa entrance si Knox. Naka-sandal. Nanonood. Walang expression. Pero nung nagtama yung mata namin, tumango siya. Isang beses lang. Parang sinasabi niya, Ayos yan. Hindi ko alam kung bakit, pero gumaan yung pakiramdam ko. "Hoy, Reaper!" Sigaw ni Coach. "Nandito ka na naman? Wala kang klase!" "Eh di gawin mo akong instructor," sagot ni Knox. Naglakad siya papunta sa gitna. "Tuturuan ko yung Scholar niyo. Mukhang kailangan niya ng totoong laban." "Pwesto, Valtherion," sabi ni Coach. "Kung gusto mo sumali, ikaw ang kapartner ni Montemayor. Rule ‘yan. Pinakamahina sa pinakamagaling." Bakit pag si Knox yung kaharap ko, hindi ako natatakot? Bakit pag si Knox yung nagtuturo, nakikinig ako? Bakit pag si Knox yung ngumingiti sa akin, hindi ako naiirita? At bakit pag nakikita ‘yon ni Vance, nagdidilim yung mukha niya? "Takot ka?" Tanong ni Knox sa akin. Nasa harap ko na siya. Isang metro lang. "Hindi," sagot ko. "Sinungaling." Ngumiti siya. "Pero sige. Subukan mo akong suntukin. Gaya nung ginawa mo sa cafeteria." Huminga ako. Inobserbahan ko siya. Yung tayo niya, relaxed. Pero yung paa niya, naka-posisyon para umatras. Yung mata niya, nakatingin sa balikat ko — ibig sabihin, inaabangan niya kung saan manggagaling yung suntok ko. Kaya hindi ko sinuntok yung mukha niya. Sinipa ko yung binti niya. Pak! Tumama. Napa-atras siya ng konti. Nagulat. Tapos tumawa siya. Malakas. "Magaling. Ulitin mo." At inulit ko. At inulit ko. Hanggang sa pinawisan na ako. Hanggang sa nanginginig na yung kamao ko. Pero hindi niya ako sinaktan pabalik. Salo lang siya nang salo. Umiwas lang siya nang umiwas. At bawat galaw ko, may comment siya. "Mabagal yung kaliwa mo. Ayusin mo." "Yung balakang mo, gamitin mo. Hindi lang braso." "Pag sumisipa ka, wag kang pumikit. Makikita ng kalaban." Sa gilid, nakita ko si Vance. Nakakuyom yung kamao. Galit. Nagseselos. Kasi si Knox yung nagtuturo sa akin. Si Knox yung pinapakinggan ko. Si Knox yung napapangiti ako — hindi dahil gusto ko siya. Kundi dahil... sa wakas, may nagtuturo sa akin kung paano lumaban. Hindi kung paano magtago. "Tapos na training!" Sigaw ni Coach makalipas ang isang oras. "Magsialisan na kayo!" Nagsi-alisan yung mga estudyante. Pero naiwan kaming tatlo. Ako sa gitna. Si Vance sa kaliwa. Si Knox sa kanan. Triangle. "Ihatid na kita sa dorm niyo" malamig na sabi ni Vance. Hinawakan niya yung braso ko. Hindi mahigpit, pero madiin. "Tara na, Ixcey." "Ingat, Princess," sabi ni Knox. Nakangiti. "Practice mo yung tinuro ko. Bukas, check ko ulit. Pag mali pa rin, ako magpaparusa sayo." "Walang bukas," singit ni Vance. "Ako na magtuturo sa kanya." "Tayo rin, Pres," ngumisi si Knox. "Hindi mo siya girlfriend. Teritoryo lang. At sa Blackwood, ang teritoryo... naaagaw." Umalis si Knox. Naiwan kami ni Vance. "Bakit ka pumapayag magpaturo sa kanya?" Tanong niya. Mahina pero madiin. "Si Coach yung nag-partner sa amin." Sa dalawang linggo ko dito, inobserbahan ko silang dalawa. Si Vance, Poprotektahan ka niya. Itatago ka niya. Papatay siya para sayo. Pero ikukulong ka niya sa kahon para hindi ka masaktan. Si Knox, Hahayaan ka niyang masaktan. Hahayaan ka niyang dumugo. Pero tuturuan ka niyang gumanti. Tuturuan ka niyang wag na maulit. Pareho silang delikado. Pareho silang hari. At pareho silang nakatingin sa akin ngayon na parang pag-aari nila ako. Hindi lang obserbasyon ang kailangan ko. Kailangan ko na ring pumili ng kakampihan. Kaso ang problema — hindi ko pa alam kung sino sa kanilang dalawa yung mas delikado para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD