Kakapasok ko pa lang sa main building ng Blackwood Academy at hawak-hawak ko yung maliit na mapa na may nakasulat na..
“East Wing. 4th Floor. End of Hall. Do not ask for directions. Walk.”
Habang hinahanap ko yung Room 1-A, at naka-salamin pa rin ako na makapal at naka-brown contact lens para itago yung tunay kong green eyes kasi sa dating school ko ay binully ako nang sobra-sobra nung nakita nila yung mata ko at tinawag nila akong demonyo.
Tahimik akong naglalakad sa 4th Floor at bitbit ko yung luma kong bag na may lamang dalawang damit, isang tsinelas, at suot ko yung kwintas na may pendant na rosas na nasusunog na binigay sa akin ni Mama Rosa kagabi bago ako sunduin ng itim na SUV, at wala akong kilala kahit isa dito dahil bago pa lang ako at hindi ko kilala yung driver na naghatid sa akin at hindi ko rin kilala yung mga lalaking sumundo sa akin kaninang 6:00 AM sa harap ng barong-barong namin.
Ang laki ng Blackwood Academy at parang hotel yung hallway dahil marmol lahat ng sahig, may mga chandelier na ginto, at may mga painting ng matatandang lalaki na naka-suit at may hawak na baril habang may rosas na nasusunog sa bulsa nila, at lahat ng estudyanteng nadadaanan ko ay naka-designer uniform at may mga alahas at may kanya-kanyang alalay, kaya lalo akong yumuyuko kasi yung uniporme ko ay luma at yung sapatos ko ay pudpod na.
Nanginginig yung kamay ko habang tinitignan ko yung mapa kasi naliligaw na ako at lahat ng hallway ay pare-pareho lang ng itsura, at sinunod ko yung nakasulat na “Do not ask for directions” kaya hindi ako nagtatanong kahit gusto ko nang magtanong kasi natatakot ako na baka pagalitan ako nung hindi ko kilalang “V” na nag-iwan sa akin ng susi at sulat na nagsasabing “Punasan mo muna mukha mo, Flame. Bago ka pumasok. Ayaw kong makita ka nilang umiiyak.”
Habang nakayuko ako at nakatingin sa mapa ay hindi ko napansin na may paparating na grupo ng mga babae kaya pagliko ko ay nabangga ko nang malakas yung babaeng nasa unahan at pareho kaming natumba sa sahig na marmol pati yung mga gamit niya na dala-dala niya.
“ARAY KO! BULAG KA BA?! TINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO!” sigaw nung babaeng nabangga ko habang hawak-hawak niya yung balakang niya na tumama sa sahig, at blonde siya, maputi, matangos ang ilong, at naka-designer uniform na masikip yung palda at crop top yung polo, at may korona siyang headband na may diyamante kaya halatang mayaman at sikat siya dito.
Agad akong napatayo at nanginginig yung buong katawan ko sa takot kasi sanay na akong ganito yung eksena sa tuwing binubully ako, kaya yumuko agad ako at pinulot ko yung mga gamit nung babae na nalaglag kasi ayaw kong mapagalitan o masaktan, at nakita ko sa likod niya yung tatlong babae na nakapamaywang at masama yung tingin sa akin.
Ako, nanginginig yung boses at hindi makatingin nang diretso “S-Sorry po... hindi ko po sinasadya... hindi ko po kayo nakita... sorry po talaga...”
Pero imbes na tanggapin nung blonde yung sorry ko ay sinipa niya yung kamay ko kaya nabitawan ko ulit yung mga gamit niya, at tumawa nang malakas yung tatlong alipores niya sa likod habang pinagtitinginan kami ng ibang estudyante na dumadaan.
Blonde, sumigaw sa akin habang nakaturo yung daliri niya sa mukha ko at galit na galit siya “Sorry?! Akala mo maayos ng sorry mo ‘to?! Alam mo ba kung magkano tong bag ko na natapunan ng laway mo?! Mas mahal pa to sa pagkatao mo, Scholar!” Tapos tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at nandidiri siya sa itsura ko. “At anong suot mo?! Unipormeng galing basurahan?! Ang kapal ng salamin mo! Ang pangit mo! Sino ka ba?! Bakit ka nandito sa Blackwood?!”
Kaya pala alam niyang scholar ako kasi siguro nakita niya yung lumang uniporme ko na may tatak na “West Aurelion Public School” at halatang-halatang hindi ako kabilang dito, at ngayon ay pinapahiya niya ako sa harap ng maraming tao dahil nabangga ko siya kahit hindi ko naman sinasadya at ako pa yung mas nasaktan kasi tumama yung tuhod ko sa sahig.
Isang alipores niya na maikli yung buhok at may hikaw sa ilong ay lumapit sa akin at tinulak ako nang malakas kaya napasandal ako sa pader, at yung isa naman na kulot at mataba ay dinampot yung luma kong bag at tinapon sa sahig tapos tinapakan niya.
Kulot, tawa nang malakas habang tinatapakan niya yung bag ko “Uy Jessica, tignan mo oh! Basahan yung bag! May tagpi pa! Baka pinulot lang ‘to sa basurahan sa kanto! Bagay na bagay sa kanya!”
So Jessica pala pangalan nung blonde at mukhang siya yung lider ng grupo nila, at kilalang-kilala siya dito kasi lahat ng estudyante ay lumilihis ng daan at hindi nakikialam nung sinigawan niya ako.
Lumapit sya sakin at hinawakan niya yung baba ko para pilitin akong tumingin sa kanya, at naamoy ko yung mamahaling pabango niya na amoy pera at amoy kayabangan, at kitang-kita ko yung galit sa mata niya na parang gusto niya akong saktan.
Ngumisi sya akin habang nakatingin siya sa salamin ko at sa buhok kong magulo “Ikaw yung bagong scholar na pinag-uusapan ng lahat, no? Yung Top 1 daw sa public school pero mukhang pulubi. Alam mo ba kung nasaan ka? Blackwood Academy ‘to. Hindi ‘to para sa mga katulad mong mahirap, pangit!' Tapos binitawan niya yung baba ko at tinulak niya yung noo ko kaya tumama yung ulo ko sa pader. “Kung ako sayo, aalis na lang ako dito bago pa kita ipahiya nang tuluyan.”
Hindi ako sumagot at yumuko lang ako kasi natatakot ako na baka pag sumagot ako ay lalo lang lumala yung gulo at baka saktan nila ako katulad ng ginagawa sakin dati, at iniisip ko na lang na sana mahanap ko na yung Room 1-A para makatago ako at makapagpahinga dahil nanghihina na yung tuhod ko sa takot at pagod.
Pero hindi pa sila tapos kasi kinuha ni Jessica yung phone niya at pinicturan ako habang nakayuko at nanginginig, at narinig kong sinabi niya sa mga alipores niya na “I-post natin ‘to sa Blackwood Confessions. Caption natin: ‘Bagong Scholar. Bagong Laruan.’”
Tapos yung alipores niyang may tattoo sa braso ay dinuraan yung harap ng sapatos ko at sinabi niyang “Dilian mo yan kung gusto mong tantanan ka namin, Basahan”, at yung buong hallway ay tahimik at walang kahit isang estudyante na tumulong sa akin kasi takot sila kay Jessica o kaya natutuwa lang sila sa panonood.
Nanginginig na yung buong katawan ko hindi dahil sa ginaw kundi dahil sa galit at hiya, at gusto kong sumigaw at lumaban pero naalala ko yung sinabi ni Mama Rosa kagabi na “Wag mo tanggalin yang salamin mo. Wag mo tanggalin yang contact lens mo. Hangga’t hindi ka pa handa”, kaya pinipigilan ko yung sarili ko kahit sobrang sakit na ng loob ko at gusto kong umiyak.
Tumawa sila ulit at siniko niya ako sa balikat palayo habang tinitignan niya ako na parang basura “Sige na, umalis ka na. Ang malas mo. Nakakahawa yung kahirapan mo. Dun ka sa East Wing, diba? Yun yung tambakan ng mga basurang tulad mo. Hanapin mo na yung kulungan mo, Scholar.”
Pagkasabi niya nun ay naglakad na silang apat palayo habang tumatawa at nag-uusap tungkol sa akin na parang hindi ako tao, at iniwan nila akong nakatayo sa gitna ng hallway na may dura sa sapatos, may pasa na yata sa ulo, at nanginginig sa takot at galit, pero wala akong magawa kundi pulutin yung bag kong napunit lalo at ipagpatuloy yung paglalakad papunta sa East Wing.
Ilang minuto pa ang lumipas at narating ko rin yung pinakadulo ng 4th Floor kung saan may isang lumang pintuan na gawa sa kahoy at walang handle, at sa taas nito ay may nakaukit na “EAST WING – ROOM 1-A” at sa ilalim ay may mas maliit na ukit na “For the Last Rose Only”, at nung pinasok ko yung gintong susi ay bumukas mag-isa yung pinto at bumungad sa akin yung kwartong sobrang laki, ang pangit tingnan sa labas ng pinto pero pag pumasok ka grabe ang ganda at ang laki pala.