CHAPTER 3 - FIRST DAY

1671 Words
7:30 AM pa lang pero halos hindi na ako makahinga sa kaba habang nakatayo ako sa harap ng pinto ng Section A, at hawak-hawak ko yung schedule na iniwan sa lamesa ko sa Room 1-A kagabi kasama ng bagong uniporme ng Blackwood Academy na iniwan din doon ng hindi ko kilalang “V”. Kagabi pagkapasok ko sa Room 1-A ay nalaman kong hindi pala ordinaryong dorm yun kasi parang hotel suite yung laki at ako lang mag-isa sa buong East Wing, pero wala akong oras mag-isip kung bakit kasi pagod na pagod ako kakahanap sa kwarto at kakaiwas sa mga estudyanteng pinagtitinginan ako na parang may sakit ako. Hindi ko kilala yung blonde na bumangga sa akin kahapon sa hallway at tinulak niya ako pati tinapakan niya yung bag ko, at narinig ko lang yung mga alipores niya na tinawag siyang “Jessica”, kaya sa isip ko ay Jessica yung pangalan niya. Wala akong idea na sikat pala siya dito at anak siya ng kung sino, basta ang alam ko lang ay masama yung ugali niya at mahilig siyang mamahiya ng kapwa. Suot ko na ngayon yung bagong uniporme ng Blackwood — itim na palda, puting polo, blazer na may crest na rosas na nasusunog — pero hindi ko pa rin tinanggal yung makapal kong salamin at brown contact lens kasi natatakot pa rin ako na baka pag nakita nila yung tunay kong green eyes ay tawagin na naman nila akong demonyo katulad ng ginawa sa akin sa West Aurelion Public School. Pagbukas ko ng pinto ng Section A ay biglang tumahimik yung buong klase at lahat ng estudyante ay sabay-sabay na napatingin sa akin mula ulo hanggang paa, at ramdam ko agad na hindi ako welcome dito kasi iba yung tingin nila — hindi lang panghuhusga kundi parang tinitimbang nila kung karapat-dapat ba akong huminga sa loob ng room na yun. Ang ayos ng classroom ay hindi katulad sa West Aurelion dahil imbes na magkakahiwalay na desks ay isang malaking U-shaped na itim na lamesa yung nasa gitna at doon nakaupo yung mga estudyante, at bawat isa ay may sariling laptop at tablet, at yung mga upuan ay balat at mukhang mamahalin, at sa harap ay walang teacher’s table kundi isang itim na podium na may nakaukit na rosas sa gilid. Yung teacher sa harap na naka-suit ay tumingin sa listahan niya tapos tumingin sa akin at sinabi niya “You must be Ixcey Montemayor. The new scholar from West Aurelion. Take the vacant seat at the back, by the window. That’s the only seat left.” Pagkasabi niya ng pangalan ko ay biglang nagbulungan yung buong klase at nakita ko agad yung blonde na bumangga sa akin kahapon na nakaupo sa bandang kaliwa ng U-table kasama yung tatlong babae na alipores niya, at nung nagtama yung mata namin ay bigla siyang ngumisi nang malawak na parang nakakita siya ng bagong laruan. Malakas yung boses nya para marinig ng lahat habang nakataas yung kilay niya sa akin “Ay, so ikaw pala yung bagong scholar na pinag-uusapan. Yung galing sa public. Welcome sa Blackwood, Scholar. Sana tumagal ka dito kasi mabilis maubos yung mga katulad mo.” Hindi ko siya sinagot kasi hindi ko siya kilala at ayaw kong gumawa ng gulo sa first day ko, kaya yumuko na lang ako at naglakad ako papunta sa likod para umupo, pero pagdaan ko sa gitna ng row ay bigla akong natisod kasi hinila nung blonde yung paa ko gamit yung paa niya, at bagsak ako sa sahig na marmol pati yung mga libro ko. Tumawa nang malakas si Jessica habang nakatingin siya sa akin na nakadapa sa sahig “Oops, sorry Scholar. Ang clumsy mo naman. Nakasubsob sa sahig kasi dun ka naman talaga nababagay, di ba? Sa basurahan.” Tapos tumawa silang apat at pati yung ibang kaklase nila ay nakitawa na rin para lang sumipsip sa kanya. Pinulot ko yung mga libro ko habang nanginginig yung kamay ko sa hiya at takot, at narinig kong binulong nung katabi ni Jessica na “Dapat kasi sa public ka na lang nag-aral, Basahan. Hindi ka bagay dito sa mga anak ng mayayaman” pero hindi ko na nilingon kung sino yun kasi nagmamadali akong makatayo at makalayo kay Jessica. Yung teacher ay pumalakpak lang nang isang beses at mahinahon pero matalim yung boses niya nung nagsalita siya “That’s enough, Ms. Morales. Ms. Montemayor, please take your seat now. We have a lesson to start and I don’t tolerate childish behavior in my class, regardless of who your parents are.” Kaya tumayo ako at dumiretso na ako sa upuan ko sa likod tabi ng bintana, at pagkaupo ko ay may nakadikit agad na papel sa lamesa ko na may sulat na _ “Basahan = Scholar. Bumalik ka na sa squatters. Hindi ka namin kailangan dito” pero hinayaan ko na lang at binuklat ko yung notebook ko kasi sanay na ako sa ganitong pang-bu-bully nung elementary pa ako. Nagsimula na yung lesson at Advanced Calculus yung subject, at habang nagle-lecture yung teacher ay tahimik lang akong nakikinig at nagsusulat, pero sunod-sunod yung mga maliit na papel na binabato sa akin ni Jessica at ng mga alipores niya galing sa harap. Pagbukas ko nung unang papel ay may nakasulat na “Feeling matalino ka kasi scholar ka? Nagbayad lang siguro magulang mo kaya ka nakapasok dito” sa pangalawa ay “Wala kang pera, wala kang class, wala kang mukha. Ano ambag mo sa Blackwood?” at sa pangatlo ay “Maglinis ka na lang ng CR pagkatapos ng klase. Yun lang ang bagay sayo, katulong” Hindi ako nag-react at nagpatuloy lang ako sa pagsusulat hanggang sa biglang tinawag ako nung teacher kasi may problem solving sa board tungkol sa Integration by parts at walang gustong sumagot sa mga kaklase ko kasi lahat sila ay busy sa phone o nag-uusap lang tungkol sa party mamayang gabi. Tinuro ako ng teacher habang nakatingin siya sa akin nang diretso at seryoso “Ms. Montemayor, since you came from West Aurelion Public School, can you solve this problem for us? I’m curious if your school’s curriculum can match Blackwood’s standards.” Pagkasabi nung teacher nun ay biglang tumahimik yung buong klase at lahat sila ay napatingin sa akin na parang nanonood ng teleserye, at yung blonde ay humalukipkip at ngumisi sa akin na parang sinasabi niyang “Sige nga, mapahiya ka sa harap ng lahat at patunayan mong bobo ka” at yung mga alipores niya ay inilabas na yung phone nila para i-video ako. Tumayo ako at nanginginig yung tuhod ko habang naglalakad ako papunta sa harap, at pagtapat ko sa board ay binasa ko yung problem at bigla akong nakahinga nang maluwag kasi yung problem na yun ay katulad nung sinasagutan ko nung Grade 11. Kinuha ko yung marker at nagsimula akong magsulat ng solution step-by-step, at habang nagsusulat ako ay rinig na rinig ko yung bulungan sa likod "Naku, nanghuhula lang yan.” “Mali-mali naman yung sinusulat.” “Pabibo talaga yung scholar na yan para mapansin.” At yung blonde, malakas yung boses “Ma'am sure ka bang dapat siya yung sumasagot? Baka kasi mamaya mapahiya lang tayong lahat sa kabobohan niya!” Pero pagkasulat ko ng final answer at pagka-explain ko kung paano ko nakuha yung sagot ay biglang tumahimik yung buong room, at yung teacher ay tumango at pumalakpak nang tatlong beses habang nakangiti sa akin sa unang pagkakataon. Tumingin si teacher sa buong klase bago siya nagsalita at seryoso yung boses niya “Perfect, Ms. Montemayor. That problem is actually from our third-year college material, and you solved it in less than two minutes with no errors. It seems West Aurelion really did produce someone exceptional despite their lack of resources.” Tapos tumingin siya kay Jessica nang matalim. “I suggest everyone stop underestimating people based on where they came from. In this class, intelligence is the only currency I respect, not your family name.” Pagkasabi nung teacher nun ay nakita kong namutla si Jessica at nawala yung ngisi niya, at yung mga alipores niya ay biglang yumuko at hindi makatingin sa akin, at yung ibang kaklase ko ay napatingin sa akin na parang hindi makapaniwala na yung “basahan” na tinatawag nila ay nakasagot ng problem na kahit sila ay hindi masagutan. Bumalik ako sa upuan ko nang tahimik habang pinipigilan ko yung ngiti ko kasi first time sa buong buhay ko na may teacher na pinagtanggol ako sa harap ng mga nangbu-bully, at first time na napatunayan ko na hindi ako bobo kahit galing ako sa public school, at pagkaupo ko ay may papel ulit na lumipad sa lamesa ko galing sa blonde. Pagbukas ko nung papel ay iba na yung nakasulat at mas galit na “Yabang mo, Scholar. Akala mo tapos na? Nag-uumpisa pa lang tayo. Alamin mo muna kung sino binabangga mo sa Blackwood.” Hindi pa ako nakakasagot sa isip ko nung biglang bumukas yung pinto ng Section A nang malakas, at pumasok yung apat na lalaki na naka-Blackwood uniform din pero iba yung aura nila kasi lahat ng estudyante ay biglang tumahimik at napayuko, pati si Jessica ay nawala yung yabang niya sa mukha at namutla siya. Yung lalaking nasa unahan ay matangkad, maputi, at malamig yung mata, at pagpasok nila ay dumiretso siya sa bakanteng upuan sa unahan na parang reserved talaga para sa kanya, at nung tumingin siya sa direksyon ko ay bigla akong kinilabutan kasi parang may kilala ako sa mata niya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. “Putangina, dumating na si Vance. Lagot na yung scholar na yan.” rinig kong sabi ng nasa unahan. Hindi ko alam kung sino si Vance at hindi ko alam kung bakit natakot bigla yung Jessica, at hindi ko rin alam na yung pagpasok nung grupo nila ay simula pa lang ng mas malaking gulo sa buhay ko sa Blackwood Academy na hindi ko pa maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD