Akala ko normal na school ang Blackwood Academy. Kaya nung tinanggap ko yung scholarship, ang akala ko makakatakas na ako sa West Aurelion. Makakapag-aral na ako nang tahimik. Makakakain na ako ng tatlong beses sa isang araw.
Hindi ko alam na pumasok pala ako sa impyerno.
At mas lalong hindi ko alam na hindi ako nababagay dito.
7:15 AM. Second day.
Kagabi, natulog ako sa Room 1-A mag-isa. Sabi nung guard nung hinatid niya ako, “Sealed for 17 years yung East Wing. Ikaw pa lang ulit yung pinatira simula nung binuksan last Friday by order ng SCP.”
SCP. Akala ko “School Committee President”. Hindi ko alam na “Student Council President”pala sa Blackwood ay hindi nagrerepresent ng estudyante. Nagrerepresent siya ng teritoryo.
Kaninang 6:50 AM paglabas ko may narinig akong kalansing ng baril sa kabilang dulo ng hallway. Tatlong babae. Naka-pajama. May kape sa isang kamay, 9mm sa kabila.
Yung pink yung buhok, tumingin sa akin habang kinakasa yung baril “Uy. Ikaw yung bago, no? Sa Room 1-A?”
" O-opo.." Napaatras ako. Bakit sila may baril sa dorm?
Yung naka-salamin, hindi ngumiti
“Kira."
Yung blonde, humikab
“Shai.”
“Dani.”
Tapos pumasok na sila sa kanya kanya nilang Room, Room 1-B, Romm 1-C at Room 1-D. Walang “hi”. Walang “welcome”. Pangalan lang. Kira. Shai. Dani. Yun lang alam ko. Pero pareho kaming nasa East Wing.
Normal lang ba ‘to? Saang school may baril sa dorm? Pero hindi ako nagtanong. Baka isipin nila bobo ako.
8:00 AM, Training Grounds. “Orientation”.
Pagpasok ko sa Grand Hall, wala akong nakitang upuan. Walang blackboard. Walang teacher.
Ang meron? Armory sa kaliwa. Sparring mats sa gitna na may tuyong dugo. At LED screen sa harap na may “Territory Rankings – Week 1”
Top 1: Vance Reiden – SCP – East District
Top 2: Zein Ashford – SC Officer – North District
Top 3: Jessica Morales – Poison Ivy – South District
Ako? Unranked. Scholar. Walang teritoryo.
Tumingin ako sa paligid. Lahat ng estudyante, may baril sa bewang. May kutsilyo sa binti. May brass knuckles. Yung iba, may peklat na sa mukha kahit 17-18 years old pa lang.
Anong klase ‘tong school na ‘to?
Ako, nanginginig na yung kamay ko. Ang alam ko lang, nag-enroll ako para mag-aral ng Business Ad. Hindi para makipagbarilan.
9:00 AM, bumukas yung bakal na pinto. Lahat tumahimik.
Naglakad papasok yung apat na lalaki. Lahat naka-itim na combat uniform. May SC na armband. May baril sa thigh holster. May dugo sa knuckles — bagong galing sa away.
Yung nasa unahan, matangkad, magulo yung itim na buhok, may peklat sa kilay, at yung mata niya — kulay abo, patay.
" Sya si Vance Reiden ang Student Council President ng Blackwood Academy." bulong ni Kira, diko namalayan nasa tabi ko pala sya.
Pag-akyat niya sa stage, wala siyang sinabing “Good morning”. Tumayo lang siya sa gitna at tumingin sa 2,000 na estudyante.
At nagsalita, malamig ang boses “Welcome to Blackwood. Two rules. One: This territory is mine. Two: Fight or Die” Huminto siya. Tapos tumingin siya diretso sa gawi ko sa dulo. “Training starts now.”
Bumaba na siya. 7 seconds lang.
Pero ako, hindi ako makahinga. Territory? Closed? Training?
Pagbaba niya, dumaan siya sa aisle malapit sa kinatatayuan ko. Hindi siya lumingon sa kahit kanino. Pero pagtapat niya sa akin, huminto siya ng isang segundo.
Tumingin siya sa ID ko. “Ixcey Montemayor.” Binasa niya. Mahina.
Tapos tumango siya. Isang beses. Saka lang siya naglakad ulit palabas.
Pagkaalis ni Vance, nagsimula na yung bulungan.
“Tiningnan niya yung basahan.”
“Bakit siya tiningnan ni Pres?”
“Tangina. 3 years na akong nasa Top 10. ng Combat Training. Kahit tingin wala.”
"Anong meron sa public na yan? Bakit siya lang yung pinansin ni Vance?”
Gusto ko nang umuwi. Hindi ako nababagay dito. Hindi ako marunong bumaril. Hindi ako marunong pumatay. Nagkamali ako ng pinasok.
10:00 AM, Combat Training – Knife Defense.
Sumigaw ang instructor ng combat training. Diko alam bat nasali pa ako dito. “Pair up! Live blades! First blood wins! Kung sino matalo, tanggalan ng territory points!”
Live blades? First blood?
Napatingin ako sa kamay ko. Nanginginig. Hindi ko ‘to kaya. Hindi ako pinalaki sa ganito.
Malas ko, kagrupo ko si Jessica at yung tatlong alipores niya.
Ngumisi sya akin habang hinahasa yung combat knife niya “Uy, Scholar. Sabay tayo. Turuan kita kung paano magdugo nang tama sa Blackwood.”
Napaatras ako “A-Ayoko po... hindi ako marunong...”
Tumawa lang sya “Hindi marunong? Eh ‘di mamatay ka. Rule dito sa Blackwood: Kill or be killed.” Sinugod niya ako.
Hindi “training” yung ginawa niya. Killing intent. Sinadya niya akong patayin.
Sinangga ko yung unang saksak gamit yung braso ko. Humiwa yung talim. Malalim. Dumugo.Tumalsik yung dugo ko sa mats.
Sinipa niya ako sa tiyan “Yan yung mangyayari sa mga hindi nababagay dito. Sa mga akala nila normal school ang Blackwood.” Dinuraan niya ako. “Umuwi ka na sa squatters. Hindi ka bagay dito, Basahan.”
Tama siya. Hindi ako nababagay dito. Hindi ko alam na ganito pala ang Blackwood. Kung alam ko lang, hindi ako pumayag.
Iniwan niya akong duguan sa gitna ng Training Grounds. Yung instructor, hindi umawat. “Weaklings don’t survive,” sabi lang niya.
11:45 AM, hallway.
Hawak ko yung braso ko para pigilan yung dugo.
Pagliko ko, bumunggo ako kay Vance. Mag-isa siya. Galing sa SC Office. May hawak na folder na may tatak ng “Territory Breach – Kill Order”
Tumigil siya. Tumingin siya sa mukha ko. Tapos sa braso ko na umaagos yung dugo sa sahig.
Hindi siya nagsalita ng 5 segundo. Yung mata niya, mula malamig, naging itim. _Galit.
“Sino gumawa niyan?" tanong nya.
Hindi tanong. Utos na magsabi ng pangalan para ipapatay niya ngayon din.
Umiiyak na ako sa takot at sakit “Ayoko na po... hindi ko po alam na ganito dito... akala ko po normal na school... hindi po ako nababagay dito...”
Dinukot niya yung panyo sa bulsa ng combat pants niya. Itim. May naka-burda na “VR".
Lumuhod siya. Lumuhod si Vance Reiden, Presidente ng buong teritoryo, sa harap ko sa gitna ng hallway.
At binalot niya yung panyo niya sa braso ko para pigilan yung dugo. Mahigpit. Pero maingat. Parang sanay siya mag-gamot ng sugat sa gyera.
Habang tinatali yung panyo sa braso ko, mahina pero klaro “Hindi mo kailangan bumagay dito.” Tumayo siya. “Kasi simula ngayon, teritoryo na kita. At walang pwedeng gumalaw sa teritoryo ko.”
Tapos umalis na siya.
Pero narinig ko yung bulungan ng mga estudyanteng nakakita. Lahat killer. Pero lahat nanginginig.
“Putangina. Binigyan niya ng panyo.”
"Yung panyo ni Pres. Reiden...”
“Tangina, totoo yung code. Pag binigyan ka ng panyo ni Pres sa gitna ng Training, pag-aari ka na niya. Teritoryo ka na niya. Walang pwedeng gumalaw sayo kundi siya. Or else, gyera.”
“Lagot si Jessica Morales. Pinadugo niya yung teritoryo ni Pres.”
Pagbalik ko sa Training Grounds, lahat nakatingin sa braso ko. Sa itim na panyo.
Si Kira, Dani, at Shai, nasa stage kasi SC officers sila. Pagkakita nila sa panyo, tumango si Kira sa akin. Parang sinasabi niyang “Welcome to Blackwood. Sa wakas.”
Si Jessica, namutla. Nanginginig yung kamay niya sa hawak niyang kutsilyo. Kasi alam niya yung code. Matagal na syang may gusto kay Vance. 3 years na siyang nagpapadala ng custom na baril kay Vance. Kahit panyo, hindi siya binigyan.
Nakuha ko to dahil lang duguan ako. Dahil lang hindi ko alam na impyerno pala ‘tong pinasok ko.
At ngayon, buong Blackwood Academy, iisa lang yung batas na mas malakas pa sa baril.
“Yung scholar na akala niya normal school ‘to. Teritoryo na ni Pres. Reiden. Galawin mo, gyera.”
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng “teritoryo” sa mundo nila.
Ang alam ko lang, hindi ako nababagay dito. Hindi ko ginusto ‘to.
Pero simula nung itinali ni Vance yung panyo niya sa braso ko, wala na akong choice.
Nasa impyerno na ako. At pag-aari na ako ng demonyong naghahari dito.