Blackwood Academy — Main Auditorium — 8:00 AM, Kinabukasan
Wala pang tulog.
Pag-alis namin sa The Sovereign Lounge kagabi, sumunod na yung pulis, yung ambulance, yung dugo sa semento. At yung spray paint
Kanya ka na, Reiden. Ingatan mo.
Si Jared, nawawala.
Pag-uwi ko sa dorm, tahimik. Walang news. Walang post sa labas. Bawal. Blackwood rule ‘yan simula pa noon. Lahat ng gulo, sa loob lang. Walang lalabas. Walang media. Walang police report na makakalabas ng gate. Kaya sa loob lang ng Blackwood GC kumalat yung picture ng crime scene. Mga estudyante lang nakakaalam. Mga pamilya nila, oo. Pero sa labas? Walang nakakaalam na may barilan sa likod ng school.
Pinatay ah ang lahat ng studyante sa Auditorium, utos daw ng Chairman.
Before kami lumabas ng dorm nag tanong muna ako tungkol sa Board of Counsil kila Kira sumagot naman sila pero pangalan lang daw ang alam nila.
Don Sebastian Reiden – Chairman of the Board
Ernesto Dominguez – Vice Chairman
Atty. Victor Montenegro – Head of Finance
Madam Celeste Valerian – Head of External Affairs
Gen. Armando “Mando” Javier (Ret.) – Head of Security
6. Dr. Helena Voss – Head of Internal Affairs
Ngayon, puno yung auditorium. Lahat ng estudyante tahimik. Kasi nasa stage na yung mga nakakataas.
Anim sila. Naka-suit. Lahat matatanda. Lahat may hawak na itim na folder.
Sa gitna, si Don Sebastian.
Matangkad. Malapad yung balikat kahit may edad na. Puti na yung buhok pero gupit militar. Yung mata niya, kulay gray din. Katulad kay Vance. Pero mas malamig. Mas mabigat. Pag tumingin siya sayo, parang hinuhubaran ka ng kaluluwa.
Sa tabi niya, si Mr. Dominguez. ang Vice Chairman. Tapos yung apat pa, hindi ko na alam kung sino sa kanila yung binigay sakin na pangalan nila Kira.
"Good morning, Blackwood," sabi ni Don Sebastian. Hindi siya gumamit ng mic. Pero rinig hanggang dulo. Buo yung boses.
Lalong tumahimik yung auditorium.
"Dalawang insidente," sabi niya. "Una. Ang pagsabog sa parking lot noong nakaraang linggo. Isang estudyante ang muntik mamatay. Pangalawa. Ang pamamaril kagabi sa labas ng isang pribadong establisyimento malapit sa north gate. Isang patay. Isang nawawala."
Tumigil siya. Inilibot niya yung tingin. Huminto yung mata niya sa akin. Isang segundo lang. Pero ramdam ko. Alam niya kung sino ako.
"Pareho, may kinalaman sa Blackwood," dagdag niya. "At dahil hindi niyo kayang protektahan ang mga sarili niyo, kami ang gagawa."
Binuksan niya yung folder.
"By order of the Board, effective today, lahat ng estudyante ay hahatiin sa mga grupo." Taas niya yung papel. "Five members per group. Walang labis, walang kulang. Kayo ang pipili ng kasama niyo."
Nagbulungan yung mga estudyante.
"Bakit?" Sigaw ng isang studyante sa bandang likod. "Anong konek ng pagsabog sa pag-gugrupo namin? Para saan ‘to?"
Ngumiti si Don Sebastian. Pero hindi umabot sa mata. "Security measure."
"Security para kanino?" Sigaw ulit nung isa. "Sa inyo o sa amin?"
Tumayo si Mr. Dominguez. "Wag matigas ang ulo, Mr. Legaspi. Hindi ito debate. Utos ito."
"Ang bawat grupo," tuloy ni Don Sebastian, hindi pinansin yung sigawan, "ay irerehistro sa Office of Student Affairs. Ang bawat galaw niyo, naka-monitor."
"Pwede kayong mamili ng kakampi niyo," sabi nung lalaki sa dulo. Si Atty. Montenegro daw.
"Ano bang trip ng tatay ni Vance?" Bulong ni Kira sa akin.
Umiling ako. Kasi hindi ko rin alam.
Bakit biglang pag-gugrupuhin kami? Dahil ba sa pagsabog? Dahil ba kay Jared? O dahil may hinahanap sila sa loob ng Blackwood?
"Dismissed," sabi ni Don Sebastian. Tumayo silang anim. Walang paliwanag.
"Group tayo," sabi agad ni Shai sa akin. Hinawakan niya yung braso ko. "Apat na tayo. Ako, ikaw, si Kira, si Danie. Kailangan natin ng isa pa."
Tumango si Danie. "Sama ako. Kahit saan, basta hindi ako mapupunta sa grupo ni Jessica."
"Anong name ng group natin?" Tanong ni Kira. May hawak na siyang papel at ballpen. Mukhang seryoso.
Hindi ko alam kung bakit, pero biglang may pumasok sa isip ko.
Kagabi. Habang nakahiga ako, hindi makatulog. Pumikit ako sandali. Tapos nanaginip ako.
.
"Black Roses Circle," sabi ko.
Natigilan silang tatlo.
"Angas," sabi ni Shai after 3 seconds. "Bakit ‘yon?"
"Ewan ko," sagot ko. Totoo. "Basta... parang dapat ‘yon."
Ngumisi si Kira. "Edgy. Bagay sa atin. Tinuro niya yung papel. "Black Roses Circle it is. Sino fifth natin?"
Hindi pa ako nakakasagot, may sumigaw.
"Yo, Princess!"
Si Knox.
Lumapit siya
Tiningnan niya yung tatlo sa likod ko. "Apat lang kayo. Kailangan niyo ng isa."
"At bakit naman ikaw?" Maangas na sagot ni Kira.
Tumawa si Knox. "Hindi ako, Ashford. May irerekomenda ako." Pumito siya ng malakas.
Mula sa gilid ng auditorium, may lumabas na babae.
Maikli yung buhok niya, hanggang batok lang. Kulay brown na may konting blonde sa dulo. Naka-sando na puti, cargo pants na itim, at combat boots. Sa ilong niya, may silver na nose ring. Sa kanang braso, may tattoo. Mahabang ahas na paikot mula pulso hanggang siko.
Diretso yung lakad niya papunta sa amin. Walang lingon-lingon.
"Sino ‘yan?" Bulong ni Danie.
"Aria," sagot ni Knox. "Pinsan ko sa mother side. Transfer, rank 3 sa national martial arts contest. At licensed hacker. Twelve years old pa lang, na-hack niya na yung system ng city hall nila."
Tumigil si Aria sa harap ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ikaw si Ixcey Montemayor?"
Tumango ako. Tapos tumingin siya kay Knox. "Sabi mo matapang ‘to. Totoo?"
"Subukan mo," sagot ni Knox. Ngumisi.
Humarap ulit sa akin si Aria. "Rinig ko, ikaw yung pinagbibintangan sa bomba. Lumapit siya ng isang hakbang. "Totoo ba ‘yon?"
"Oo," sagot ko.
Tumango siya. "Good. Ayaw ko sa mahina." Tapos tumingin siya kay Kira, kay Shai, kay Danie. "Sasali ako sa grupo niyo. Kung papayag kayo."
Nagkatinginan kami ni Kira. Ngumiti siya. Mukhang okay ‘to
"Bakit gusto mo sumali sa amin?" Tanong ko kay Aria.
"Kasi ayaw ko sa mga lalaki," sagot niya. Sabay turo kay Knox. "Lalo na sa kanya. Mayabang. At rinig ko, kayo yung pinakamainit na target ngayon sa Blackwood. Gusto ko ng gulo. Gusto ko ng laban."
Tumawa si Shai. "Tangina, gusto ko ‘tong babaeng ‘to. Pasok sa Black Roses Circle."
Ngumiti ako. "Sige, Aria. Welcome."
"Pumirma ka dito," sabi ni Kira. Inabot yung papel. "Black Roses Circle. Lima na tayo."
Pumirma si Aria. Walang sabi-sabi.
"Ayos," sabi ni Knox. Tinuro niya yung grupo niya. "The Obsidian" Pangalan ng grupo namin. Para malaman niyo kung sino yung babangga sa inyo."
"Wow, ang scary," sarcastic na sabi ni Danie.
Tumawa lang si Knox. Lumapit siya sa akin. Bumulong. "Maya, Princess. Mag-usap tayo. May alam ako kay Montalvo."
Bago pa ako makasagot, umalis na siya.
Blackwood Academy — East Garden — 12:30 PM
Kumakain kami ng lunch sa garden. Tahimik. Pero lahat ng dumadaan, nakatingin sa amin.
Kasi kumalat na yung balita sa loob. Walang news sa labas, pero sa Blackwood GC, trending kami. May bago raw grupo. Black Roses Circle. Puro babae. At kasama raw si Aria. Pinsan ni Knox.
"Ayun oh," turo ni Aria. Siya yung unang nakakita. "Poison Ivy."
Nilingon namin.
Sa may fountain, nakaupo si Jessica Chen. Naka-designer na dress kahit school day. Sa tabi niya, si Trina, at you mga alipores nya at si Audry.
Nakaupo siya sa tabi ni Jessica. May bandage pa yung braso niya galing sa paso nung pagsabog. Payat siya. Maputla. Pero nandun siya. Nakangiti kay Jessica.
"Anong ginagawa ni Audry dun?" Tanong ni Danie. "Di ba siya yung muntik mamatay sa bomba?"
Tumayo si Jessica. Lumakad siya papunta sa isang table sa gitna ng garden. May table dun para sa registration ng mga grupo.
"Group name?" Tanong nung staff. Halatang takot.
"Poison Ivy" sagot ni Jessica. Malakas. Para marinig ng lahat. Ngumiti siya. Tumingin siya sa direksyon namin. "And we’re here to rule Blackwood."
Tumawa yung mga kasama niya. Pati si Audry, tumawa rin.
Pagkatapos nila mag-register, dumaan sila sa harap namin.
"Nice group name," sabi ni Jessica. Tiningnan niya yung papel namin sa lamesa. "Black Roses Circle. Cute. Bagay sa mga basurera."
Tatayo na sana si Kira, pero hinawakan ko yung braso niya. Umiling ako. Wag.
Ngumisi lang si Jessica. "Mag-ingat kayo, ha? Ang daming tinik sa Blackwood. Baka masugatan kayo."
Umalis na sila.
"Gaga talaga," gigil na sabi ni Danie. "Sarap sabunutan."
"Hayahan mo," sabi ni Aria. Kalmado. "May araw din yan."
Maya-maya, dumaan yung grupo ni Vance.
Vance Reiden sa gitna. Sa likod niya, si Zein Ashford, nakapamulsa, walang pake. Si Xander Mendoza, nakatingin sa phone pero alam mong aware siya sa paligid. Si Rion Dela Vega, nakasandal yung likod, pero yung kamay nasa bulsa, malamang may hawak na patalim. Si Zion Valdez, sa dulo, nakatingin sa lahat ng estudyante. Para siyang CCTV.
The Archons.
Hindi sila pumila sa registration. Diretso sila sa table.
"Archons," sabi nung staff. Tumayo pa. Yumuko. "Kayo pa rin po?"
Tumango lang si Vance. Walang salita. Walang pirma.
"Noted po, Sir Reiden," sabi nung staff. "Same members. Same... status."
Umiling si Zein. "Boring. Wala bang kalaban?"
"Merong isa," sagot ni Zion. Tumingin siya sa direksyon namin. Kay Aria."
Ngumiti si Aria. "Zion."
Nagkatinginan sila. Parang may history.
Umalis na yung mga Archons. Pero bago tuluyang makalayo si Vance, lumingon siya.
Sa akin.
Isang segundo lang. Pero malinaw. Magkita tayo. Mamaya.
Tumango ako. Hindi niya siguro nakita. Pero tumango ako.
"Black Roses Circle," sabi ni Kira sa staff. Binigay niya yung form. "Members: Kira Ashford, Shai Delos Reyes, Danie Cortez, Aria , at Ixcey Montemayor." Tumingin siya sa akin. "Leader."
"Ha?" Gulat ako. "Bakit ako?"
"Kasi ikaw yung dahilan kung bakit kami nabuo," sagot ni Shai. "Ikaw yung target. Ikaw yung kailangan protektahan. So ikaw yung leader. Period."
Hindi na ako nakatanggi.
Tinatakan nung staff yung papel. "Registered. Black Roses Circle."
Sa bulletin board, nakapaskil na yung buong listahan. Mahaba.
Pero apat yung naka-highlight.
Group 1: THE ARCHONS
Vance Reiden, Zein Ashford, Xander Mendoza, Rion Dela Vega, Zion Valdez
GROUP 2: THE OBSIDIAN
Knox
Group 3: BLACK ROSES CIRCLE
Ixcey Montemayor, Kira Ashford, Shai Delos Reyes, Danie Cortez, Aria
Group 4: POISON IVY
Jessica, Audry, Trina
Tumingin ako sa pangalan ng grupo namin. Black Roses Circle.
Ewan ko ba. Pero pag binabasa ko, sumasakit yung dibdib ko. Parang may naalala ako. Parang narinig ko na ‘yon dati. Nung bata pa ako. Sa panaginip? Sa kwento? Ewan.
"Uy," siko ni Aria. "May bisita ka."
Lumingon ako.
Si Knox. Mag-isa. Nakatayo sa ilalim ng puno. Senyales na lumapit ako.
"Mauna na kayo," sabi ko sa mga kasama ko.
"Sure ka?" Tanong ni Kira.
Tumango ako. "Oo. Sandali lang ‘to."
Umalis sila. Lumapit ako kay Knox.
"Ano yun?" Tanong ko agad.
"Si Jared," sabi niya. Walang paligoy-ligoy. "Buhay pa."
Namilog yung mata ko. "Paano mo nalaman? Akala ko—"
"May tao ako sa loob ng infirmary ng mga Reiden," putol ni Knox. "Hindi siya dinala sa regular na ospital. Nasa safehouse siya ng mga Reiden."
"Kay Vance?"
Tumango si Knox. "Kaya hindi siya mahanap ng tatay niya. Kasi si Vance ang nagtatago sa kanya."
Bago pa ako makapag-isip, lumapit si Knox. Bumulong.
"At may message siya para sayo, Princess. Galing kay Jared."
"Ano?"
"Yung babae sa video. Kilala sya ni Jared at isa sya sa Poison Ivy, kaya apat lang sila."
Yung babae nayun kasi ayaw ng pumasok sa blackwood pero dati syang nag aaral dito kasama nya sila Jessica, siguro inutasan daw iyun ni Jessa.