Chapter 24 – Confessions for that Tough Girl
I could not eradicate the scene that me and Chaos had inside the gym last week. Hindi ko maiwaglit sa utak ko ang titig nya. The way his eyes pierced through mine; the way his body’s weight almost pressed on me fully – it was chaotic like his name. it sends me to a different kind of alternate world. Pakiramdam ko ay nastuck ang utak ko sa scene na iyon kung saan nya ako natalo. Not because I was defeated but because of what he told me. Hinawakan ko ang puso ko ngayon na mabilis na naman ang pintig. I could not believe that I am still not over that damn scene. It has this weird effect on my system.
Today is Sunday, and it’s a scheduled sports time kapag dating ng hapon. Kung kaninang umaga ay religious duties, ang hapon naman ay laan para sa mga aktibidad na pisikal. Lahat ng trainees ay pinapayagang mag laro ng sport na nais nila. Most play basketball, volleyball, at ang iba ay sepak takraw. Others choose to run in miles around the camp to further boost their stamina. Sila Chaos at ang GAICS ay mas pinili mag basketball kalaban ang koponan ng mga taong recruits. Masaya nilang hinati ang kanilang mga sarili to equalize the force on both sides. Ako naman ay narito at nag hahanda upang mag tungo sa dagat upang lumangoy. Noong nakaraan pa ako kating kati na mag swimming dahil pakiramdam ko ay ligwak na ang kakayahan ko sa pag langoy. Aside from that, I miss the sea a lot as my assignments are mostly in the land.
“Guys, I’ll go ahead. Sumunod na lang kayo.” Saad ko sa mga GAICS bago ko lumakad paalis.
“We will be there before you know it.” Saad ni Chaos at saka ako nginitian bago idribol ang bola palayo.
I grabbed my mini string bag that contain my clothes to change with later on, and started to embark on my journey towards the shore. Malayo layo ang dagat mula sa kung nasaan ako kaya naman ng makarating ako ay laking tuwa ko. Nang maramdaman pa lang ng paa ko ang buhangin, pakiramdam ko ay napawi agad ang pagal kong kaluluwa. The sea has a way to calm my anxieties and wearied soul. Tinanggal ko ang aking damit na nakapatong sa rush guard ko. Magiliw kong itinabi sa lugar na nakikita at tanaw ko ang mga gamit ko.
Nag simula akong lumangoy at tahakin ang dagat sa ilalim ng mainit na sikat ng araw. Kahit pa hapon na ay matingkad at tirik na tirik pa rin ang araw sa kalangitan. Iba na talaga ang panahon ngayon. Talaga namang mas mahapdi sa balat ang pag tama ng sinag ng araw at mas mainit ang panahon habang lumilipas ang mga taon. Pabaya kasi ang mga tao. We always take everything for granted. Akala natin ay hindi nag babago at nauubos ang mga kinukuha natin. Sabi nga ng iba, lahat daw ng nararanasan natin ay dahil raw sa global warming. Well, I say don’t blame the world for changing – blame the people for changing the world. So much for my environmental talk.
Lumisaw lisaw ako sa karagatan at masayang ibinilad ang balat ko sa araw. Dati naalala ko pang pangarap kong maging sirena. That was too stupid, but that is how much I loved the sea. Kung ang iba ay takot na takot umitim, I am the exact opposite. I love seeing my skin tanned with the golden ray of the sun. Maybe that was the reason why I had acne and bad skin texture. Pero sa totoo lang ay wala naman akong pakialam sa pisikal kong itsura. If I am not attractive to other people, problema na nila iyon. I am not here to be attractive and charming. Madalas ay pinagagalitan ako ni Nanay sa ganitong klase ng pag iisip.
“Paano ka maliligawan at magkakaroon ng asawa nyan ha?!”
I laughed as I recalled her voice in my head. Nakatutulig man ang mga pangaral nya, it all honed me to who I am today. She might not be perfect, but Nanay strived hard to raise us in the best way she canm. Mahirap maging mag-isa at walang katuwang sa buhay. I could not imagine how hard it must be for her to carry all that in her shoulders.
Masaya pa akong nagpapa ikot ikot sa dagat nang may masipa akong kung ano sa ilalim kaya napamaang ako. Maya maya pa ay umusbong ang ulo ng isang tao sa gilid ko.
“Aray ko!” Reklamo nya.
Nakapikit matang iniinda at hawak nya ang kanyang labi na dumudugo.
“R-riego?!” gulat kong tugon.
Mahapdi man idilat ang mata dahil sa alat ng tubig dagat ay pinilit nya akong silipin.
“Rilea? Anong ginagawa mo dito?” He asked.
“Ikaw, anong ginagawa mo dito?” I fired back.
“Lumalangoy, as obvious. Bago mo mapagdesisyunang sipain ako sa mukha.” He was making faces as he held his lips that are bleeding massively.
Tumikhim ako at tinignan ang dumudugo nyang labi. Napaputok ko ata iyon sa lakas ng pagkaka padyak ko. Pulang pula ang mukha nya dahil sa pagkababad sa araw. Halatang halata tuloy ang pagka mestizo nya.
“Tara, umahon muna tayo. Mahapdi yan sa tubig dagat kasi open wound yan.” Sabi ko at iginiya sya patungong pampang.
We swam and he winced in pain as the saltiness of the water touched his wound. Gusto ko sanang matawa sa reklamo nya kung hindi ko lang kasalanan. When we reached the shore, we settled down. We sat side by side as he continually protested in pain.
“Ang hapdi talaga, tangina.” He exclaimed silently.
“Ang arte mo. Ang liit liit lang nyan e, patingin nga ako.” Hinawakan ko ang pisngi nya at nilapitan sya upang tignan ang kanyang labi.
Nakita ko ang malalim na hiwa doon – probably because I had kicked him way too hard. Ayaw din tumigil sa pagdurugo noon. Nabigla na lang ako ng mapansing nakatitig sya at walang imik sa akin. He looked stupefied so I became awkward.
“Y-yan kasi! Napapala mo!” Binitiwan ko ang pisngi nya. “Sino ba kasing siraulo ang langoy ng langoy within the perimeter na may nag lalangoy rin? Tapos ieexpect mong hindi ka matatamaan? You didn’t even acknowledge your presence! Ano bang akala mo sa akin, mahuhulaan kong andon ka?”
Tumawa sya at saka pinunas ang tumulong dugo sa labi.
“Sorry ha. Kasalanan ko pa ata kung bakit ako naputukan ng labi.” He remarked sarcastically.
I swallowed and looked away.
“Edi s-sorry. Hindi ko naman talaga sadya.” Sabi ko sa kanya.
“Hindi naman ako galit, okay lang.” He chuckled at ginulo ang buhok ko.
Umihip ang malamig na simoy ng hangin at niyakap ko ang sarili ko. Palubog na ang araw at mas mataas na ang mga alon. Kitang kita sa dagat ang kulay kahel na repleksyon ng papatulog nang araw.
“Magbihis ka na kaya. Baka magkasakit ka.” Riego said. “May pamalit ka bang dala?”
“Oo nasa----"
Nang sabihin ko iyon ay nanlaki ang mata ko bigla.
“s**t!” Napamura ako at tumayo.
“Why what’s wrong?” Takang tanong ni Riego na napamaang rin sa kanyang upo.
Tumakbo sa kinaroroonan ng bag ko kanina at napapalo nalang sa noo ko sa aking nakita. Dahil malakas ang hampas ng alon, ay nabasa ito. Pinulot ko ito mula sa buhanginan na tumutulo tulo pa ang tubig dagat.
“Sino kayang matalinong tao ang mag lalagay ng gamit malapit sa dalampasigan?” Pambubuska ni Riego sa akin.
Tinignan ko sya ng masama pero lalo lang nya akong nginitian ng nakakabwisit kaya sinipa ko sya sa binti.
“Ouch! Sadista! What was that for?” He protested.
“Para yan sa pang aasar mo sa akin!” Sigaw ko.
Napairap ako sa kawalan habang minamasdan ang bag kong dripping wet ang peg. Umupo ako muli sa buhanginan at tinanaw ang araw. Malamang ay maglakad nalang ako pabalik hanggang matuyo itong damit ko ngayon.
“Oh.” I was too occupied about thinking when a white shirt and a botak shorts landed on my face.
Ibinato ni Riego sa mukha ko ang shirt at shorts nya.
“Yan na muna pamalit mo para di ka magkasakit.” He said.
“Ha? E ikaw? Anong susuot mo?” I asked.
“Don’t worry about me, lalaki ako. Ikaw babae ka kaya magpalit ka muna nyan. Tapos pagdating mo ng barracks mo, saka ka nalang ulit mag ayos ng damit.” He suggested.
I looked at him in disbelief. This is not the Riego I used to know. For me, all I saw was a playboy looking guy. O baka judgemental lang ako at allergic sa mga lalaki kaya never kong hinayaan ang sarili kong mas makilala sya? We have been in Marawi together, but all I believed is my perception that he is an asshole player. Our past interactions proved me wrong. I guess I might have been too hard on judging him. I think that it isn’t bad to be friends with him.
“Come on, I know that I am handsome pero unahin mo munang mag palit bago mo ko titigan.” He told me and I was brought back to my senses.
I went to the mini comfort room to change up as fast as I could. Nagtataka naman ako na hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusunod ang GAICS sa akin. Baka masyado silang nawili sa laro nila kaya nakalimutan na ako ni Chaos puntahan. A part of me feels annoyed yet I don’t know, and I am not sure as to why. I quickly headed back to where Riego is after I completely changed into his clothes that I borrowed. His shirt reached up to my knee and his shorts are under them.
“Tara na.” tawag ko kay Riego sabay kalabit dahil nakatalikod sya mula sa akin.
When he faced me, the light of the setting sun reflected upon his face. The wind blew gently across us as the waves crashed on our feet. It is the golden hour indeed.
He stared at me for a few seconds without saying anything kaya may naramdaman akong hiya sa tingin nyang iyon sa akin pero hindi ako nag alis ng titig pabalik sa kanya. I was studying his expression pero hindi ko iyon madecipher.
“T-tara.” He stuttered and cleared his throat.
Sumunod ako sa kanya at naglakad kami pabalik sa barracks ko. His lips already stopped bleeding pero bakas doon ang pagkakaroon ng sugat at pagdugo. He was dripping wet earlier, pero ngayon ay natuyo na ata sa katawan nya ang tubig ng damit kanina sa pag langoy. When we reached the forefront of my barracks, he stopped at my side too.
“Sige, dito na ako.” I told him.
Hindi sya umimik at nakatingin lang sa akin nang seryoso.
“Hihintayin mo ba tong damit mo?” I asked when he was not responding or even trying to move away.
He shook his head and just stared at me intently.
“Ano ba?” I gave a push on his chest. “Mag salita ka nga dyan!”
He still didn’t move. He was like a statue in front of me with an intense gaze.
“Huy!” I tried nudging his shoulder again but he caught my hand by the pulse.
Dahan dahan nyang itinapat ang kamay ko sa dibdib nya. Doon ko naramdaman ang bilis ng pintig ng kanyang puso. Para iyong nagwawala. Parang kumakalampag at bubutasin ang kanyang balat. It was similar to my heart whenever I am around Chaos.
“Do you feel it too?” He asked.
“M-may sakit ka ba? Malakas ka ba mag kape? Baka dahil doon kaya ka nag papalpitate.” I told him.
Sinubukan kong alisin ang kamay ko pero mas lalo nyang idiniin iyon sa puso nya.
“Ikaw ang may gawa nito.” He accused me.
Hindi ako nagsalita dahil natigilan ako sa sinabi nyang iyon.
“I don’t know if it started when I saw you head to the crossfire in Marawi just to save the civilians… or if it was when you punched a rebel in the face.” Saad nya. “Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat. Basta ang alam ko lang, bigla na lang nagloko ang sistema ko.”
“Riego…” I tried to butt in.
“Please, just hear me out.” He pleaded.
Itinikom ko ang bibig ko.
“Dati hindi ako sigurado. Dati akala ko naiisnappyhan lang ako sayo. Akala ko baka naastigan lang ako sa kung pano ka gumalaw. Sa galing mo… Pero akala ko lang pala.” He smiled.
May kung anong kumurot sa puso ko.
“That night under the sea of fireflies, I came to confirm everything Rilea. When you held my hand and asked me what I wish for, wala akong maisip kundi ang hilingin na matupad ang hiling mo.” He said. “That sounds crazy because I have never wished that for anyone else. But then I realized why.”
“B-bakit?” I asked.
He looked at me in the eye talked like he was talking to my soul.
“I am in love with you.” He told me.
I didn’t know how to feel when he said that. Natulala lang ako sa sinabi nya sa akin.
“Hey, look. I didn’t tell you this because I want you to feel the same thing right away. Sinabi ko sayong mahal kita, because I wanna make sure that you know.” He smiled genuinely at me.
He pulled my hand at nabunggo ako sa katawan nya sa paghila nyang iyon sa akin.
“I am confessing my love for you, tough girl.” He said in almost a whisper and then planted a kiss on my forehead gently.
I could still his heartbeat in my hand. It was loud and lively, and on an upbeat rhythm. But mine…. Mine was dead.
---
sereingirl