Chapter 25

1010 Words
Chapter 25 – Competitions Do you believe in butterflies in the stomach? Oo? Ako kasi hindi. Naniniwala akong kung may taong para sayo, hindi ka makakaramdam ng kaba. Makakaramdam ka ng kapayapaan. I don’t believe in butterflies in the stomach – I believe in the feeling of safety. Of peace. Of being home. Beacuse how can you call it love when you don't even feel being safe when you're around them? Paano mo natatawag na pag-ibig ang hindi ka sigurado sa kabang nararamdaman mo? Pero paano naman kung ang naramdaman mo ay parang patay na puso? Masyado na ba akong minanhid ng panahon? Masyado na ba akong pinatigas ng sakit? Bakit ganun nalang ako kawalang pakiramdam ng umamin si Riego sa harap ko? Imbis na makramdam ako ng hiya, ng emosyon, o nang kung ano pa, ay natulala lang ako at nanatiling matigas ang ekspresyon. Tandang tanda ko pa kung paano ko sya tinignan ng diretso sa mga mata at saka sinabing, “Hindi para sa taong gaya ko ang pagmamahal mo.” Matapos noon ay walang kurap akong tumalikod, at naglakad papalayo. Nagpapasalamat akong hindi na nya ako hinabol pa dahil baka lalo ko lang syang nasupalpal. Hinawakan ko ang dibdib ko at dinama ang pusong tumitibok ditto. Tao ba ako? Tao ba talaga ako? Bakit kung umakto ako ay mas daig ko pa ang GAICS? Isa ba akong walang pusong walang modong babae? Ni hindi ko man lang inisip kung nasaktan ko si Riego. Nagsimula ang mga obstacle activities na pinangunahan ng course director. Nanoood lang ako nang tahimik habang nagoobserba. Mabuti nalang at wala si Riego ditto kung hindi ay baka nakaramdam ako ng awkwardness. Nagkatama ang mga mata naming dalawa ni Chaos at biglang tumibok ng mabilis ang talipandas kong puso. Traydor. “Okay, men! We will now proceed on tug of war!” Magilas na utas ng director. Isang buong platoon ang nasa kabilang bahagi habang ang mga GAICS ang nasa kabila. Nakakaaliw kung iisipin na bilang sila sa dailri kumpara sa mga taong kalaban nila. “Dito natin malalaman ang lakas ng mga GAICS kumpara sa isang buong platoon!” ika ng komandante. “At platoon leader.” Napamaang ang lahat nang magsalita si Riego. Napalingon ako sa kanya sandali pero agad akong nag-iwas ng tingin nang magsalubong ang mga mata namin. “Parang mas maganda ata sir, kung isa laban sa isa ang labanan. Sa ganoong paraan, mas masusubukan natin ang kaibahan.” Rekomenda nya. “That’s interesting, Captain!” Utas ng matandang sundalo. “I volunteer to be the human representative.” Ika agad ng batang kapitan. “I will stand for the GAICS as their leader.” Saad naman ni Chaos. “Mabuti naman madali kang mag initiative. Akala ko ay wala kang sabi dahil artipisyal rin ang bayag mo.” Napuno ng halakhakan ang paligid at ako ay napairap nalang. Madalas nakakalimutan ng mga lalaki na meron ding babaeng sundalo. Naiirita ako sa angas ni Riego ngayon. Tila bumalik sya sa kung paano ko sya nakilala all these years. Isang bagay na kinainisan ko ng sobra. Nagsimula ang hilahan ng lubid. Para silang mga gutom na tigreng nagaagaw sa nasilang laman na karne. Wala sa mata nang bawat isa ang kakikitaan ng pagsuko. Pareho silang uhaw na makaungos sa isa’t isa. Hindi ko alam kung anong nasa isipan ni Riego at bakit nya kinakalaban si Chaos gayong alam nyang hindi sya mananalo rito. Pinapahiya nya lang ang sarili nya sa kayabangang ito. Isang malaking kahunghangan ang makipaglaban sa makina. Pero naiintindihan ko sya sa puntong ayaw nyang mapalitan kami ng mga robot na ito sa propesyong minahal at ginugulan namin ng pansin. Umiigting ang tagisan ng lakas. Pilit na nagsusumikap si Riego na maagaw ang lubid ngunit wala man lang atang kahirap hirap sa mga mat ani Chaos. Nakita ko na lamang ang pagdanak ng mapulang likido mula sa mga kamay ni Riego na para bang pinigaan ito. Sa tindi ng hawak nya’y nasugatan na sya sa tension. Hinilang bigla ni Chaos ang lubid at sa pagkabigla ay napatid ito. Sa impact ng pagkakahila ay nasadsad sa lupa ang pobreng kapitan. Ngumiti sya ng tipid at tumayong magisa kahit pa inalok sya ni Chaos nang bisig upang alalayan. Naglakad paalis si Riego at sinundan ko sya. I just felt the urge to neutralize the humiliation he must have felt. “Captain del Mundo.” I stopped him from his tracks. Napapikit ako nang makita ang lalim ng hiwa ng tali sa kanyang mga kamay. Tinago nya agad iyon. “Pasensya na. nalimutan kong ayaw mo sa dugo.” Saad nya. “Anong pakay mo?” Tinignan ko sya sa mga mata. “Hindi ka na dapat nagsimula ng ganung palabas.” Sabi ko. “Pinahiya mo lang ang sarili mo.” “Wake up Rilea! Look around you!” He snapped. “Unti unti ka nang nagpapalason sa kanila. Nakakalimutan mo na na kami dapat ang kinakampihan mo.” “Hindi yan totoo. Nagiging patas lang ako.” “Kung patas ka, bakit mo ko pinipigilan sa gusto kong patunayan? Masama bang ipakitang kaya din natin silang tapatan? Na kaya nating subukan?” “Pero para saan? Para sa yabang?” “Para hindi tayo mapalitan! Para hindi tayo maagawan!” Natahimik ako sa sigaw nya sa akin. Nag igting ang mga panga nya at tumingin sya palayo. “Pero kahit anong gawin ko, hindi ko kayang pigilan. Unti unti na nilang naaangkin ang sana’y para satin. Pati ang babaeng gusto ko, inagaw na din nila sakin.” Usal nya. “H-hindi ko maintindihan ang sinasabi mo.” Ngumiti sya nang matipid at mapait. “Alam mo. Hindi ka tanga.” He spat. With that being said, he walked away leaving me stunned. Natahimik ako at hindi makagalaw. Tila napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Nilamig ang buo kong katawan at tila tinapunan ako ng yelo mula sa aking ulo pababa. Hinawakan ko ang puso kong tila drum sa bilis. Nagtatanga tangahan lang ba ako talaga? ---- sereingirl
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD