Chapter 22

2311 Words
Chapter 22 – Sea of Fairies   “Gaddamnit, Rilea. Ano bang ginagawa mo?!” Riego’s booming voice came to my hearing.         Para akong natauhan sa bulyaw nyang iyon. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha nya habang nakatingin sa akin. Ako naman ay nagpabalik balik ng tingin sa bangin at sa mukha nyang pinagpawisan. Binitiwan nya ako mula sa pagkaka yakap nya at umatras sya nang kaunti mula sa kinaroroonan ko. Para syang nagulat rin sa ginawa nyang iyon sa akin. Halata sa mukha nya ang pagkabigla sa sarili nyang mga aksyon.   “What the hell are you doing in here all alone and at the edge of the gaddamn cliff?! May balak ka bang mag pakamatay?” He lectured me. “Don’t you have 20 20 vision?! Pucha naman, Rilea. If I wasn’t here, you’d be circling all the way down! Tingin mo mabubuhay ka pag nahulog ka dyan?”       Sunod sunod ang tanong nya sa akin pero wala akong sagot. Nanatili akong tahimik. Hindi ako nagsalita at bagkus ay binuksan ang palad ko dahan dahan para makita kung ayos lang ang lagay ng alitaptap. Wala pa ako sa wisyo para makipag laban ng salita at tugunan sya. My brain is still focused on the memory of my Tatay, and the hopes that I can wish using this fairy.        Yet I was extremely disappointed. Nanlumo ako nang makitang napipi ko ang alitaptap sa sarili kong mga palad. Its light is slowly weakening – an indication that it is about to die in my own hands. Malamang ay dahil napahigpit ang paghawak ko dito dahil sa pagkagulat ko nang mawalan ako ng balanse kanina. Mukhang mamamatay na ito kaya malungkot ko itong tinitigan. Matapos ang ilang taon na ngayon ko lang ito muli nakadaupang palad, ay napatay ko pa sya. Hindi ko alam pero nagsimula akong gapangan ng emosyon. Nalungkot ako sa maliit na dahilan. Nakakapatay ako ng terorista, pero iniiyakan ko ang isang pirasong alitaptap?   “For a f*****g firefly?! You almost died for a f*****g firefly?! Ano ba namang nasa isip mo, Rilea? Para sa---”        Natahimik sya nang magsimula akong umiyak. Hindi nya na naituloy ang sasabihin at pangangaral sa akin dahil hindi ko na napigil ang emosyon ko. I felt like I lost a chance – a one in a million chance. And that fact hurts me so much that I feel like my chest is stumped and crumpled like a paper.   “A-are you… crying?” Mukhang gulat na gulat ang tono ng pananalita nya at madaling tumakbo patungo sa akin upang siguruhin ang akala nya.        Unang beses nya siguro akong nakitang kinain ng emosyon. His hands on my shoulders soften when he saw my tears. Pakiramdam ko ay nagulat sya dahil nakita nyang meron rin pala akong kakayahang makaramdam. Na may kakayahan rin pala akong umiyak. He must have been caught off guard by seeing me defenseless and vulnerable – someone I clearly am not most times. Hindi ko gustong makita akong mahina ng mga tao. Pero ngayon ay hindi ko nagawang kontrolin ang sarili ko. I allowed myself to be eaten by my emotions. Bahala na kung huhusgahan nya ako pag tapos nito.   “Napatay ko.” Sabi kong umiiyak na parang bata. “Napatay ko yung diwata.”        He looked at me then back to my hand holding out the remains of the firefly. He looked confused and I expected him to be. I could feel his stare at me even when I was looking at the firefly and not him. I was waiting for him to ask more questions as to why I am acting the way that I am. Pero imbes na magsalita ay hinawakan nya ang kamay kong may hawak sa patay na alitaptap.   “Tama na. Bitawan mo na yan.” Mahinahon nyang sabi at saka inalalayan ang kamay ko para ilaglag ang napiga kong alitaptap sa lupa.           It was very hard for me to let go of the firefly and I couldn’t understand why. Something deep inside my system feels so entirely wrong and I couldn’t fight it. I couldn’t fight the sadness. I could not hold my emotions back. I could not act strong. I guess the firefly really hit a very critical emotion nerve. I think that night was a very sensitive memory for me kaya ganito nalang ako kaapektado ngayon.   “Come. I know a place here.” binigyan nya ako nang maliit na ngiti bago hawakan ang pulso ko.        His touch was so gentle that I allowed him to lead the way with his hand on my pulse all the time. We walked under the moonlight while I silently sobbed beside him. Wala syang imik at hinayaan nya lang akong umiyak sa tabi nya habang iginigiya nya ako patungo sa kung saan. He constantly checks on me every once in a while, but he allowed me to cry. Hindi nya ako sinuway. He just allowed me to show my emotions. Hindi sya nagalit at nag invalidate sa nararamdaman ko.         After a few minutes of walking, it was starting to get darker than usual because of the presence of huge trees. Natatakpan nang mayayabong na puno ang sinag ng buwan at wala na ring mga poste sa daanan kanina pa. We reached a small pond-like structure in no time. And right there in front, a little boat was showing by the edge. Ibinukas ni Riego ang flashlight ng kanyang cellphone at inalalayan ako.   “Sakay.” He said.         Wala akong angal na sumampa sa bangka. Hindi ako nagsalita o nanlaban. I was like a child who follows whatever it is that I am told as of the moment. Wala akong lakas umalma. Wala akong maisip na salitang sasabihin dahil dinadamdam ko ang nangyari na kung tutuusin kong mabuti, ay parang reaksyon ng isang wala sa katinuan.          He started to paddle the boat through the dark. Pinatay na rin nya ang ilaw na mula sa phone nya. We went on paddling for minutes and only the sound of the water against his paddles are heard. It was so quiet out here.   “Siguro ganun na lang talaga kahalaga ang mga alitaptap para sayo.” He said, breaking the silence between us two. “They must have mean something so significant to make you cry.”       Tumulo lalo ang mga luha ko. I guess he would not see me crying further because it is too dark in here. Fireflies mean some thing to me because they are a part of my past. They are reminders of my Tatay. And everything that reminds me of him, makes me emotional. Lahat ng mga bagay na nakaaattach kay Tatay, nasasaktan ako. They can either be of extreme importance to me, or of extreme emotional connection.   “Ang alitaptap ay mga diwata ng kahilingan.” Sabi ko, my voice shaky. “Sabi yon sa akin ni Tatay.”         I felt that he was stunned when I mentioned the word “Tatay” and my voice broke.   “At nalulungkot ako ng sobra dahil sa tagal ng panahon na lumipas at hindi ko sila nakita, nawala ko ang tsansa na makahiling sa kanila.” Sabi ko pa.      I heard him heaved out a sigh.   “E di wag ka nang malungkot. Baka magalit yung mga diwata kapag nakita kang umiiyak. Sige ka, baka ako pa pagalitan. Akalain nila pinapaiyak ko yung babae.” He tried to throw a joke.         Silence ate us for a few seconds when he realized that he failed to lighten up the mood.   “What is it that you would wish?” he asked. “With the firefly you caught, ano sanang hihilingin mo? Bakit ganoon na lang ang pagkadismaya mo na hindi ka nakahiling?”          I was caught off guard. Ano nga bang hihilingin ko? Ano nga bang gusto kong ibulong sa diwata na ganito nalang ang pagkadismaya ko na hindi ko nagawang sabihin? Natahimik ako sa tanong ni Riego pero humapdi lalo ang puso ko.   “You know what, you can save your wish for yourself. Wag mo nang sabihin sakin. Sa kanila mo nalang sabihin.” He said.         I was so confused with his statement at lilinawin ko sana ang gusto nyang iparating, when I noticed a flickering trail of faint light approaching me. It landed right before my hand na nakahawak sa gilid ng bangka. Bago ko pa mamalayan ay lumipad na rin ito paalis. Before I could even take it all in, right before my eyes, the darkness was replaced by countless of little lights. Nang tingalain ko ang makakapal na mga dahon ng mga nakapaligid na puno, ay para silang nagliliwanag na Christmas lights sa BGC. We are literally within a swarm of fireflies!         I could not explain how happy I am seeing all these. I was overwhelmed as I reached my hand in the air to try to catch them.   “Ang dami!” I exclaimed – completely in awe of what I am seeing.       Sa tanang buhay ko ay ngayon pa lang ako nakasalamuha nang ganito kadaming mga alitaptap. If Tatay was here he would also be excited, I guess.   “Easy, girl. You might knock the whole boat if you are too fidgety.” Natatawang komento ni Riego sa akin na hayok na hayok manghuli.       Parang mga palos ang mga alitaptap. Magagaling silang umilag. Hindi ako makahuli at hindi lalo ako makatalon dahil sa isang maling galaw lang, ay maaari kaming mawala sa balanse at matumba ang aming bangka. Direcho kami maliligo sa malamig na tubig panigurado.   “Ang hirap nila hulihin. Magagaling umilag ang mga diwata.” Komento ko habang panay ang pag-amba sa mga alitaptap.          Maya maya pa ay ginagaya na rin ako ni Riego. Sinusubukan na rin nyang umabot ng mga naglilipanang mga alitaptap.   “Ayun!” He exclaimed all of a sudden.   “Nakahuli ka?” excited kong tanong at lumapit sa kinaroroonan nya.          Nasa gitna kami ng bangka, scooting over each other as he held out his fist in front of me.   “Oo eto sa loob ng kamay ko. Nararamdaman kong gumagalaw.”   “Wow ang galling! Wag mong pipigain masyado baka mapatay mo rin.” I reminded him politely.   “Yes, sure thing.” He replied.           Nakangiti ako habang nag-uusap kaming dalawa.   “Oh, mag wish ka na.” Sabi nya sa akin habang iniuumang ang kamay na may hawak ng alitaptap nyang nahuli.   “Bakit ako? Ikaw ang nakahuli nyan.” Sagot ko sa kanya na nakanunot ang noo.   “Hinuli ko to para sayo, hindi para sa akin. Kaya sige na. Make a wish.” He commented purely.   “S-sige.” Tugon ko.         I held his closed fist with my two hands and closed my eyes. Kung kanina ay nag isip ako kung anong gusto kong hilingin, ngayon ay higit ko nang alam kung ano gusto kong iparating kay Bathala.   Diwata, gusto ko ng pag-hilom. I want healing. Please. I want to heal from the past. I want to sleep soundly at night without the nightmares. I want to be at peace.          Hindi ko alam kung tama bang hilingin iyon dahil parang ang pag hiling sa pag-hilom, ay paglimot sa kung sinong nagdulot ng sugat. I can never eradicate my Tatay off of my heart. His death will forever be my scar. Pero ang gusto ko lang naman ay matanggal ang pagsisisi sa puso ko. Ang matapos ang walang hanggang bangungot mula sa pagkamatay nya.          When I was done wishing, I opened my eyes once more and saw the moonlight ray shining upon us both. Nakita ko ang matiim na titig sa akin ni Riego pag mulat ng mga mata ko.   “Pakawalan mo na.” Saad ko sa kanya.   “H-ha?” He asked, confused.          Ako na ang kusang nagbukas ng palad nya upang pawalan muli ang alitaptap. I smiled happily as I watched it soar high into the heavens before us – carrying my wish with it.         Our way back to my quarters was silent. Hindi kami nagsasalita pareho. I am in deep awe of what I witnessed, while the reason for his silence is unknown to me yet. Masyado akong masaya sa nakita kong dagat ng mga diwata. I feel like my extreme sadness was replaced by extreme happiness. All thanks to this guy beside me, I got to feel a lot better. Nang makarating kami sa tapat ng quarters ko ay huminto kaming dalawa.   “Dito na ako.” Sabi ko at turo sa aking kwarto.   “Uh, right.” Tugon nya sa akin na parang nahihiya o naninibago. “I gotta go ahead too. S-sige.”      “Sige.” Ngumiti ako at tumalikod, hindi ako sanay na parang hindi sya pilyo at mayabang umasta.           Bago ako tuluyang humakbang palayo ay lumingon ako pabalik sa kanya.   “Riego.” Tawag ko sa pangalan nya.        The young Airforce captain stopped dead on his tracks and turned to look at me.   “Yes, Rilea?” He looked shocked.   “Thank you for tonight.” Sinsero kong saad sa kanya.          He gave me his drop dead smile to the point that his eyes are now just mere lines.   “It is my pleasure, Rilea.” Sagot nya sa akin.   “Bye.”   “Bye.”         We both waved at each other and I turned my heel to walk towards my barracks. Nang matapos akong magpalit ng aking damit at mag ayos ng sarili, ay isinarado ko ang aking pintuan. Nahiga ako sa kama at tahimik na tinitigan ang puting kisame. Hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko sa tuwing naaalala ko ang pakiramdam na nasa ilalim ng laksa laksang mga alitaptap. It felt so magical that when I dozed off to sleep, I carried the memory of it in my dream.   --- sereingirl  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD