Chapter 21 – We Meet Again
Hinawakan ko ang puso ko na walang humpay ang pagda-drum sa dibdib ko. Pasimple kong nilamukos ang aking uniporme sa bandang dibdib dahil sa pagkainis sa pagwawala nito ng walang dahilan. Hindi naman ako nagkakape, pero sobra sobra ang pag palpitate ko ngayon. Nadadalas na ito at mukhang kailangan ko na ito ikonsulta sa doctor. Aba malay ko ba kung epekto ito ng pagkaka ospital ko nitong mga nakaraan.
Buong byahe patungong Sangley ay hindi ko magawang matahimik. Hindi mapakali ang utak at kaluluwa ko sa tuwing maaalala ang tanong at tugon ni Chaos kanina sa akin. Para akong nababaliw sa nararamdaman kong hindi ko maipaliwanag kaya pinilit kong tumahimik buong paglalakbay. Paulit ulit iyong nirereplay ng utak ko sa loob ng aking isipan. Nakikita ko ang panakaw nakaw na sulyap ni Chaos sa akin at may mga pagkakataong sabay naming natititigan ang isa’t isa, pero agad akong nag-iiwas ng tingin. Para akong high schooler na inaabangan ang crush ko. This is seriously so not me.
Dumating kami sa kampo nang malapit na ang paglubog ng araw dahil sa tagal inayos ng aming sasakyan. Malawak at maganda ang kampo rito sa Sangley. Naeexcite na akong sumailalim sila sa training ng Navy dahil ang Marines, na branch of service ko, ay sa ilalim ng National Navy nakapaloob. This is where I belong.
Ramdam ko ang pagkapagal ng katawan dahil sa tindi ng init ng panahon. Pakiramdam ko ay umaaso ang usok mula sa sinag ng araw. Iba talaga ang init dito sa South. Nagpupunas ako ng tumatagaktak kong pawis habang ibinababa ang mga gamit sa aming sasakyan nang may biglang nagsalita sa likuran ko.
“You’re here. Just as I am told.” Napabalikwas ako sa pamilyar na boses.
Kumunot ang noo ko nang makita ang matingkad na ngiti ni Captain Riego del Mundo habang nakatayo sa harapan ko. Nawala nanaman ang mga mata nya dahil sa lapad ng ngiti nya ngayon. Hindi nagbago ni katiting ang itsura nya. Bagkus, mas tumingkad pang lalo ang kakisigan at kagwapuhan nya kahit sa simpleng puting t-shirt at athletic shorts na suot suot nya ngayon.
“Captain del Mundo, sir.” Sinubukan kong sumaludo ngunit hinuli nya ang kamay ko para pigilin.
“Come on, stop being so proper.” Untag nyang natatawa.
Nakita ko ang matalim na tingin ni Chaos sa kamay kong hawak hawak ng batang Kapitan kaya agad ko iyong binawi ng marealize ko ito. Chaos glared before continuing what he was doing. Naramdaman ko naming nag init ang mukha ko sa nangyari. What the hell is seriously wrong with my body?
“I see you’re really handling them huh.” Komento nya habang tinitignan ang mga GAICS na patuloy na nagbababa ng aming mga kagamitan. He has his hands on his hips which emphasizes his built even more.
“Under strict orders of the defense secretary, sir.” Tugon ko sa kapitang kaharap ko ngayon.
The young Airforce captain crossed his arms and pouted his lips as he turned his gaze back to me.
“I hate you being so formal with me. Para tayong hindi nagkatrabaho. Tinatrato mo kong parang mga ugod ugod na opisyal. Sobrang galang mo.” He looked like a child with attitude issues kaya hindi ko napigilang matawa.
He stopped and stared at me when I laughed. Naging seryoso ang mukha nya biglaan kaya natigilan nalang ako. Noong napagtanto kong natahimik sya sa pagtawa ko ay tumikhim ako. Mukhang naoffend ko ata sya sa hindi ko napigil na pag halakhak.
“S-sorry sir. I didn’t mean to offend you.” Paghingi ko ng dispensa.
It was his turn to chuckle and his face suddenly became flushed. Natural na natural sa kanyang pagka mestizo ang namumula nyang pisngi. I don’t know but he resembles Korean actors so much. Malamang ay maraming nagkakandarapa sa kanya. Nakakainis talaga ang ganda ng balat nya. Walang panama ang balat kong teksturado. Kung lagyan sya ng buhok ay mas magiging mukha pa syang babae kaysa sa akin.
“Sino nagsabing na-offend ako?” he asked. “Nanibago lang ako kasi hindi pa kita nakitang ngumiti o matawa.”
Hindi ako sumagot at nag-iba nalang ng tingin. Ganun talaga siguro ako kaseryoso sa trabaho. Wala akong oras man lang ngumiti o makipag biruan. I don’t think if that’s a good thing or not. Basta ang importante ay ginagawa ko kung ano ang sinumpaan kong tungkulin. Others may like it, others may not – but it’s how I get things done. Isa pa, may pangalan at apelido akong pinapangalagaan. Ayokong i-disappoint si Tatay sa pagiging failure ko.
“Siguro dapat palagi mo akong nakikita para lagi kang masaya.” Matapos nya iyang sabihin ay nagulat kami sa malakas na pagbagsak ng kung ano.
Naihulog ni Chaos ang mga bagaheng dala dala nya kaya nagkaroon ng ingay. Napakunot ang noo ko dahil hindi naman mabigat ang mga kagamitan na iyon. Kahit ako ay kaya iyong tanganin mag-isa. Sya pa kaya na mas malakas sa normal na tao ang pwersa? Agad tumugon si Azure para tulungan sya sa gamit na bumagsak. Sabay nilang dinampot ang nagkalat na mga gamit sa lupa.Tinignan sya sandali ni Captain del Mundo bago muling ibaling ang tingin pabalik sa akin.
“Nagdadabog ata yung bata mo ah. Labag ata sa loob.” Komento nyang pabiro.
I pursed my lips and tried to look and act normal.
“Hindi nya yan sigurado sadya. Hindi naman sila nagrereklamo sa mga utos ko.” Sagot ko sa kanya.
“Yeah, I know. I heard of what happened with the recent success of your mission. And also, yung previous attempt to kill you nung nakapikunan mong musang. Pasalamat sya wala ako doon.” Bigla nyang sabi. “Are you sure na kaya mo na?”
“Oo, kaya ko na. Hinayaan ko na yung makitid na utak ng sarhentong iyon. Marami na akong problema para idagdag pa sya. Isa pa, masyado na akong matagal na nasa ospital. Suki na ako ng mga doctor. Ang laki na ng kinikita nila sa akin. Nakakabwisit ang walang ginagawa.” Tugon ko.
Tumango tango sya at nagbigay ng tipid na ngiti.
“Ano pala ang ginagawa mo rito, sir? Hindi ka ba naliligaw ng base?” tanong ko. “Since when did you belong to the National Navy?”
“Nakikipagkita ako sayo.” Walang atubili nyang sagot na parang kaswal na kaswal ang dating.
Natigilan ako kaya lumapad ang ngising mapaglaro sa gwapo nyang mukha. The wind blew and my hair flew to a mess. Thank goodness for if it wasn’t for it, baka makita nya ang reaksyon ko sa sinabi nya.
“We’re actually staying here for some time. Related sa tinatrabaho namin ngayon.” Saad nya. “I heard you will be here so I took time to drop by and welcome you.”
“Baka naman busy kayo, sir. Hindi ko naman kailangan ng warm welcome.” Saad kong walang gana at emosyon.
“Can you stop calling me sir kapag tayo lang?” Kunot noo nyang saad. “It always makes me feel older than you, when in reality, we are almost on the same age bracket.”
“H-ha? E paano sir?” Tanong ko.
“Riego. Just call me Riego.” Tututol sana ako pero mabilis nya akong inunahan. “No but’s and if’s. That’s an order, Rilea.”
Nilunok ko na lang ang pagtutol na nais ko sanang sabihin at nanibago nang tawagin nya ako sa first name ko. He used to address me in my surname or in my rank like the usual ones in the force. Iniangat nya ang braso at tinignan ang orasan.
“Paano mauna muna ako. Don’t miss me just yet because I will be seeing you around a lot.” Sabi nya saka ginulo ang buhok ko.
Nilagpasan nya ako at huminto sa tapat ni Chaos at ng mga GAICS.
“It’s nice that we meet again, GAICS.” Saad nya at saka tuluyang lumisan.
I could only watch his flawless way of walking as he turned his back to us. Iba talaga ang tindig nya at aura kahit pa sa simpleng pananamit.
Matapos kaming officially i-welcome sa base nang camp commander ay hinayaan na kaming mag pahinga. Ako ay may sariling barracks at ang GAICS ay nakahalubilo sa mga trainees. It was just like the recent training camps that we have been in. Nag-unpack ako ng mga gamit at isinalansan ko sa ayos ang mga ito sa magiging kwarto ko sa loob ng dalawang buwan. Ganoon kasi kahaba ang training na assigned sa GAICS para maging hailed frogman sila. Pumayag naman ako naging course description na sa akin tinalakay kanina ng director ng programa.
Nang matapos ko ang aking pag-aayos ng gamit, ay lumabas ako ng aking quarters. Ibang iba ang hangin kapag malapit ka sa dagat. Gustong gusto ko ang samyo ng dalampasigan. Iba sa pakiramdam. Kahit hindi ko ito tanaw mula sa kung nasaan ako ngayon, ramdam ko sa hangin ang presensya ng alon sa di kalayuan. Napagdesisyunan kong mag lakad lakad sa gitna ng gabi. Maliwanag naman ang daan dahil sa presensya ng mga light posts na sa tantya ko ay may 5 feet distance mula sa isa’t isa. Isa pa, sa laki ng buwan ngayong gabi, kahit walang ilaw ang mga poste ay tiyak kita ko ang dadaanan.
Sinimulan kong bakahin ang kawalan. It was so quiet that I felt tranquil and at peace. May mga puno rin sa paligid kaya masaya akong bumaybay sa kampo. Sa gitna ng paglalakad ko ay may isang alitaptap na biglang lumitaw. Namangha ako dahil ngayon na lang ako ulit nakakita noon. Isang alaala ang mabilis na bumaha sa aking isipan. Alaala nang kabataan ko, isang araw ng bakasyon ni Tatay.
“Tignan mo ito, anak.” Sabi nya sabay pakita sa akin ng alitaptap na nasa loob ng garapon.
“Wow, tay! Alitaptap yan hindi ba? Saan mo hinuli?” masigla kong tanong.
“Nakita ko sa labas kanina. Nasa manggahan sila nag kukumpol kumpol. Kaya naman humuli ako ng isa para ipakita sayo.” Sabi nya sa akin. “Pero kailangan din natin yan pawalan ha.”
“Hala! E bakit naman po? Bawal bang dito nalang sya sa garapon?” tanong ko.
“Hindi pwede. Kawawa naman sya dyan. Saka hindi mo ba alam ang kwento ng alitaptap?” Saad ni Tatay at saka ako kinalong.
“Ano po yun? Hindi ko pa nababasa iyan ah.” Sagot ko.
“Naku, makinig ka. At heto ang pinaka gusto ko sa lahat ng istorya na kinukwento sa akin ni Lola Peling mo noon. Tiyak ako magugustuhan mo rin ito, anak.” Inilapag nya ang garapon ng alitaptap sa isang tabi.
Masaya kong pinagmasdan ang mukha ni tatay habang sinimulan nya ang kwento.
“Ang sabi nila, ang mga alitaptap raw ay mga diwata ng kahilingan. Ginawa raw sila ni Bathala na kawangis ng mga bituin sa langit – kaya kumukutitap rin sila. Noon raw ay pakiramdam ng mga tao na hindi sila pinapakinggan ng Dyos dahil masyadong matayog ang mga bituin para abutin at hilingan. Kaya ang Dyos, ginawa ang mga alitaptap para maramdaman natin na abot kamay lang natin Sya. Inilagay sila sa mundo para pakinggan ang mga kahilingan ng tao. Kapag humiling ka raw sa kanila, ay ililipad nila pabalik sa kalangitan patungo sa Bathala ang iyong gusto.” Paliwanag ni Tatay.
“Iyon po ba ang rason kung bakit kayo humuli ng alitaptap tapos ay pawawalan din natin?” Excited kong komento.
“Nadali mo anak!” Humagalpak si Tatay at saka kami nag-apir.
“Kung ganon po, hihiling na ako para makaalis na sya. Baka mahaba ang byahe nya papuntang langit, Tay!” Sabi ko at mabilis na kinuha ang garapong may lamang alitaptap.
Hinawakan ko iyon malapit sa aking dibdib at saka pumikit. Taimtim akong humiling bago ko buksan ang garapon, at saka iyon pakawalan sa gitna ng gabi.
Napakatagal na ng panahong lumipas mula ng gabing iyon pero ni minsan, hindi ko malilimutan ang hiniling ko sa diwata. Hiling na baka hindi nakarating sa langit, dahil hindi napagbigyan.
“Sana po, makasama namin ng matagal at palagi si Tatay.”
Sumakit ang dibdib ko sa alaalang iyon. Ramdam ko ang pagpiga sa puso ko.
Sinundan ko ang alitaptap. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong kailangan ko iyong mahuli. Baka sakaling kapag humiling ako sa diwata ngayon ay mapagbigyan na ako. Baka sakaling dinggin na ni Bathala ang nais ng puso ko.
Hindi ko alam kung saan ako patungo dahil ang alitaptap ang naging pamarisan ko. Pilit ko itong inaambahan at inaabot ngunit magaling itong umilag sa aking pag huli. Hindi ko na rin sigurado kung gaano katagal ko na itong hinahabol sa gitna ng kawalan. Kaya nang bumaba ang lipad nito ay agad ko itong dinakma, ngunit sa pagsalop ko nito ay hindi ko namalayang nasa hangganan pala ng bangin ang tinatapakan ko. Madilim na kasi at natalisod ako sa ugat ng puno. Akala ko naman ay may lupa pang kasunod kung kaya hindi ako nag atubiling talunin ang alitaptap. Nawala ako sa balanse at hinanda ko na ang sarili kong dumausdos pababa.
Nagulat na lang ako nang may isang matibay na bisig ang mabilis na humawak at pumigil sa akin. Isang bisig n amabilis sumaklolo sa muntikan kong pagka aksidente. Madilim man ang gabi ay hindi ko maikakaila ang mukha ng lalaking mabilis na yumapos sa aking katawan ngayon. Sa gitna ng lamig ng haplos ng hangin, naramdaman ko ang init ng katawan nya. At sa pagsilay ng sinag ng buwan sa mukha nya, parang ibang tao ang nakita ko bigla.
----
sereingirl