Chapter 20 – That Crazy Heart
I came back to track after a month of being in a useless bed-rest. As usual, I defied the scientific findings of the doctors. Mabilis ang recovery ko than usual people. But I have to retain the cast in my left arm for two months more dahil hindi naman instant ang pag galing nga butong paulit ulit mong babaragin. The hardest part of it all was saying goodby e to my family once again. Nagpapaalam ka pero hindi mo sigurado kung kailan kayo ulit magkikita, o kung magkikita pa ba kayo ulit. I'll never know if my Nanay's next visit to me will be by the morgue.
Ngayon ay patungo na kaming Sangley Point sa Cavite upang simulan ang nakalinyang training na napurnada na dahil sa daming aberyang na-encounter namin. NAVSOG training ang next na nakalinyang training para sa mga GAICS. Under ito of course ng Philippine Navy training at considered equivalent ng United States Navy SEALS training. Frogs ang bansag o tawag sa mga nasa NAVSOG dahil specialized sila sa amphibious ambush meaning both at land or at sea attacks ang bentahe nila. Dito ko makikita at mapag aaralan ang husay ng GAICS sa dagat o sa bodies of water. Nakita ko na ang husay nila sa land at partly sa ere dahil sa Airborne training nila kaya naman excited na rin akong masaksihan ang skills nila sa tubig.
Lulan kami muli ng truck ng mga sundalo, binabaybay ang kahabaan ng daan patungong Cavite, nang bigla iyong huminto. Nagtataka kaming nagtinginan dahil wala pa kami sa nakalaan na destinasyong kampo. Bumaba kaming anim sa sasakyan at saka nag matyag matyag sa paligid. Bumaba rin ang sarhentong naatasan upang ipagmaneho kami.
"Sarge, anong problema?" Tanong ko.
Kakamot nyang binuksan ang hood upang silipin ang makina ng sasakyan. Pagkaraang makita ay napamura sya at napailing nalang.
"Sinasabi ko na nga ba." Utas nya habang nakakunot ang noo. "Hindi ho kasi napagawa ni Corporal Sagum itong sira. Inabutan na talaga ito, ma'am. Mukha hong kailangan ko muna mag hanap ng pyesa para umandar tayo ulit."
"Ganoon ba." Utas ko. "Find out kung ano ang distansya ng pinaka malapit na pagawaan ng sasakyan mula dito."
"According to my satellite mapping, the nearest is 15 kilometers away." Saad ni Azure.
"Anak ng kabute ang layo naman!" Sentimento ng sarhento na mukhang namomroblema kung paano kami makararating sa pagawaan.
Kinalkula ko ang distansyang kailangan nyang lakarin. 30 kilometro ang balikan na distansya, at mukhang hindi na kakayanin ng katawan ng malapit nang mag retirong sarhento. Idagdag mo pa ang mainit na mainit na temperatura dulot ng matingkad at tirik na tirik na araw ng Cavite na kumitil na sa buhay ng ilang kadete ng National Police Academy na located dito dahil sa heat stroke.
"Ano ka ba sarge. Kalma ka lang." Tugon ko nang makaisip ng ideya. Nginitian ko sya nang masinsin. "Ako ang bahala sayo."
Pinasakay ko sya pabalik sa sasakyan. Nagtataka man, ay sumunod pa rin sya sa sinabi ko. Well, mga robot ata ang kasama namin. Walang kapaguran, at may superhuman strength pa. Kaya naman, inutusan ko silang itulak namin ang truck hanggang sa makarating kami ng repair shop. Wala naman silang angal dahil alam nilang ito lang din ang tanging paraan. Sa totoo lang ay gusto pa nga nila na buhatin nalang at itakbo ang aming sasakyan, pero hindi ako pumayag. That would be too much of a show and I want to keep them as low profile as they can be right now. Hindi ko pwedeng hayaan na pagkaguluhan sila ng mga sibilyan. This will probably cause a widespread panic and they will be all over the news. Hindi magiging maganda iyon dahil mapag-aalaman ito agad ng mga iba pang bansa and they could order to Catherina their very own GAICS. Mukha pa naming pera ang Fuentebitch na iyon. I’m not quite sure if her loyalty really lies on the country and service or if she’s just trying to make a profit out of this. Afterall, negosyante pa rin sya. And looking at her personality, she doesn’t seem to do this for the sake of heroism.
Out of my trauma from our previous ambush, I held my gun close and became keen of the surroundings. Narito pa naman kami sa daang para bang walang gaanong dumadaan. Who knows who might suddenly show up here.
"Scan the area. I need the approximate count of people within the perimeter. Check if heavily armed or not." Order ko sa GAICS.
"You heard our orders. Move." Tugon ni Chaos at saka sila madaling tumalima.
Inililibot ko rin ang aking mata gaya nang ginagawa nila kahit pa wala akong advanced na teknolohiyang kayang bumasa ng heat signatures ng tao. Napamaang ako nang hilahin ni Chaos ang braso ko at ilapit sa kanya nang tangkain kong lumayo sa kinatatayuan nya. Nakatingin sya sa kawalan at hindi sa akin, probably scanning the place like the others are doing.
"What?" Tanong ko.
"Stay close. Hindi ako makakapag trabaho ng maayos kung iisipin ko pang pwede kang mapahamak." Seryoso nyang utas na hindi pa rin ako tinitignan.
May kung anong mainit na pakiramdam ang gumapang sa mukha ko sa sinabi nya sa akin, at bigla ring kumabog ang dibdib ko. Mabuti nalang talaga at hindi nya ako nakikita ngayon dahil baka mag tanong sya at mag alala sa akin. Baka side effect ito ng mga gamot na ininom ko sa ospital. Hindi na sanay ang katawan kong bigla nalang gumalaw galaw mula sa isang buwang pahinga. Oo, tama. Baka ganun nga iyon.
"All reports consolidated. Only fifteen heat signatures found within 10-kilometer radius. Unarmed civilians, ma'am." Baling nya sa akin.
“Good. Let’s keep moving.” Utas ko.
Habang nagtutulak ang GAICS ay naglalakad naman ako kasama nila. I am still uncomfortable of not guarding the path kaya naman masugid pa rin akong nagmamanman sa paligid. Chaos insisted that I walk alongside him so I did.
After quite some time, we already reached our target destination. The place was not much populated pero pinagkaguluhan kami ng mga taong nandoon. Ganoon naman talaga kapag may dayo, lalo na at mga military pa. Sinimulan nang gawain ng mekaniko at ng sarhento ang aming vehicle. Samantalang ang GAICS naman ay abala sa pakikipaglaro sa mga batang curious na nagtatanong sa kanila.
I just sat on one corner, watching them from afar as they laughed with the children of the small community. Kung gaano kainit ang temperatura ng Cavite, ganoon rin kainit ang pagtanggap ng mga tao sa komunidad na ito sa amin. They are the proof of Filipino’s hospitality culture. Never gets old.
“You like kids?” Napamaang ako nang may magsalita sa likuran ko.
When I looked back, I saw Chaos holding out a drink for me. Inabot ko iyon mula sa mga kamay nya.
“Thank you.” Utas ko.
Uminom agada ko roon upang mapawi ang init sa tagal at layo ng nilakad namin sa ilalim ng araw upang makarating rito.
“I like them.” Sagot ko sa tanong nya at bumaling muli sa mga batang masayang nagtatawanan kasama ang iba pang myembro ng aking GAICS squad.
If you watch closely, you can never differentiate them from normal people. Hindi mo aakalain na mga robot lang sila. They act so… human. So... humane.
“Ilan ang gusto mo?” Muntik ko na maibuga ang iniinom ko sa tanong ni Chaos.
Nasamid ako at naubo. What the hell.
“You alright?” he asked, caressing my back.
Tumango tango ako at uminom muli upang maibsan ang ubo. Nang maging tuluyan na akong ayos mula sa pagkakasamid ay tinignan ko sya.
“Bakit mo ko tinatanong kung ilan ang gusto ko?” Tanong ko sa kanya.
He shrugged.
“I’m just curious.” Saad nya at nagkibit balikat.
Nilingon ko pabalik ang mga bata. I always have a heart for children – babies, especially. Natutuwa ako at naaaliw sa kanila. Wala silang kalam alam sa mundo. They have the purest heart. Walang bahid nang galit sa mga puso nila. But once the world breaks a child’s heart, it changes them forever.
“Hindi ko alam.” Matapat kong tugon.
“Paanong hindi mo alam?” he asked. “You know survey says, if you ask human females about the number of children they want, 9 out of 10 have answers. They have it all planned ever since they are young. Their age of marriage, the number of their kids, etcetera, etcetera.”
“Well maybe I’m that 1 out of 10 who does not have an answer.” Tugon ko at ngumiti sa kanya.
“Why is that?” He asked. “I thought you said you like kids?”
It was my time to raise my shoulders and shrug. Natawa ako sa tanong nya.
“I said I like kids, but I didn’t say that I like to have my own.” Tugon ko.
“You’re skeptical.” Tawa nya. “Can I know why?”
“Well in my line of work I…” Nagbuntong hininga ako. “I have no idea if I will ever come back alive if I leave.”
Naalala ko ang naging buhay naming noon. I remembered my childhood that was totally full of the weight of bearing the responsibility of being a soldier’s child. Ang dami kong kinailangan matutunan ng wala si Tatay at maging kuntento sa ilang araw lang na pwede syang makasama. Kailangan kong tumayo mag isa at punasan ang sarili kong mga luha sa tuwing madadapa ako dahil wala sya para tulungan ako.
“Mahirap maging anak ng sundalo. I am a witness to that. Mas maraming oras pa ang kasama nila ang baril kaysa ang pamilya nila. Aalis kang sanggol pa lang ang anak mo, at babalik kang nagsasalita na sya. Hindi mo alam kung kailan ka uuwi at hindi nila alam kung paano ka nila tatawagan sa mga oras na kailangan ka nila.” Paliwanag ko kay Chaos.
The memory of Tatay’s death came rushing to me. It was the heaviest and most painful part of being a soldier’s daughter. It left me a wound that I can never eradicate off of my chest no matter what I try to do.
“I don’t want to pass that burden to anyone.” Sabi ko kay Chaos.
He nodded and looked at the children again.
“I can’t say that I know what you mean because I didn’t experience it.” Saad nya. “But…”
He looked at me.
“If you have the chance to have something, do it. Because there are others out there, who wants to have the same opportunity as you but they can’t.” He told me as if he was referring to others as himself.
“If you would have the chance…” I asked. “Would you want a child?”
“If it’s possible, of course.” He said. “I want to raise him, teach him the things I know, make him see that the world is an endless battlefield and he should be the best soldier.”
“Ilan ba ang gusto mo?” I asked, chuckling.
“I want one with you.”
Dug. Dug. Dug. My heart went on full on speed as if it’s gonna burst out of my chest. It was too much to handle. Hindi ko alam kung dahil mainit talaga pero pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha.
“You want another round of drink?” he asked. “You’re flushing.”
“Malamang d-dahil sa i-init.” Nagkunwari akong nagpapaypay ng sarili. “Whoo! Init no?”
He looked at me still confused of how I was acting.
“Ma’am gawa na ho. Pwede na ho tayong tumuloy sa Sangley.” Thank goodness for the presence of Sargeant.
“Yun! Galling talaga ng timing mo sarge! Tara na.” saad ko at madaling umalis sa eksena.
Pag akyat ko ng sasakyan ay kinapa ko ang aking mukha na sobrang init. Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko at nag bunton hininga. Ano bang nangyayari sa akin? Ano bang nangyayari sa sistema ko? I must be allergic to the medicines that the hospital injected to me. Malamang iyon ang dahilan kung bakit ako nagpapalpitate.
“I want one with you.”
“I want one with you.”
“I want one with you.”
“I want one with you.”
“AAAHHHH!!” sigaw ko saka tinakpan ang aking tenga sa paulit ulit na naririnig kong sinasabi ni Chaos.
Natauhan ako nang makitang lahat ng GAICS ay narito na at nakatingin sa akin. Bakas sa mukha nila ang pagtataka sa pag sigaw ko.
“Okay ka lang ba?” Alalang tanong ni Chaos.
“O-oo. Okay lang. Sumakay na kayo dali.” Ilang kong sagot.
“Kung hindi ka okay pwede ka naming itakbo sa ospital---“
“Hindi! Hindi. Okay lang ako he-he.” Utas ko.
Kahit puno ng pagtataka ay isa isa silang sumunod sa utos ko at sumakay na. Nag-iba nalang ako ng tingin dahil naiilang talaga ako sa mga titig nila sa akin.
Damn this crazy heart.
---
sereingirl