Chapter 19 - Aftermath
The next day, I woke up to the sound of a faint conversation. Mula ito sa loob ng aking silid at alam kong ang boses ay mula sa mga taong kilala ko – hindi lang ako sigurado kung sino dahil sa hina ng boses nila. Nang marinig ko ang impit na tawa ng aking Nanay ay nakumpirma kong sya ang may kausap na kung sino. Kaya naman kahit laban sa aking loob ay napilitan akong gumising na mula sa pagkakahimbing. I can still feel sleepiness and severe drowsiness from my medicines but I fought back. Masyadong mataas ang mga dosage ng pain relievers na binibigay sa akin kaya naman bangag na bangag ako sa mga iyon. I then tilted my head stealthily. Pagtapos kong igalaw ang aking ulo ng marahan patungo sa kung saan ang direksyon ng naririnig kong usapan, ay dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita si Chaos na nakaupo sa tabi ng aking Nanay sa couch ng aking hospital room. Napamaang ako at napaupo kaya hindi ko namalayan ang pagkakagalaw ko sa aking sugat. Napainda ako sa sakit kaya napatingin sila sa akin.
“Oh, ayan na. Gising na pala si Rilea.” Nakangising utas ng Nanay ko na may makahulugang tingin sa akin.
Tinignan ko sya na para syang nababaliw sa ngiting ipinapakita nya ngayon. Kahit kailan talaga. Kabisadong kabisado ko ang mga tinginan nyang may issue.
Hindi umimik si Chaos at nawala ang ngiti nya nang tignan ako at magtama ang aming mga mata. Those eyes… they weren’t the same set of eyes that I was pleading to stop. Hindi iyon ang mga matang nakita ko nang gabing walang habas nyang inako sa sariling mga kamay ang buhay ng buong grupo ng mga terorista. He was wearing a full set of BDa. Malamang ay papasok pa sya sa kampo matapos nya akong dalawin rito.
“Ikaw naman, anak. Hindi mo sinabing pupunta ang boyfriend mo dito e di sana ay napaghanda ko sya ng makakain nya!” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nanay.
“Nay! Ano ka ba.” Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin.
“Tignan mo hindi ka man lang nagsuklay! Nakita nya kung gaano ka kapangit lalo na kapag bagong gising. Nag-iiskin care ka pa ba? Baka mas lalo mong pinababayaan ang mga tigyawat mo! Naku Rilea ha. Ganyang may boyfriend ka ay mas lalo ka dapat mag-ayos! Mapagkakamalan kang katulong nitong ni Chaos nyan!” napapikit nalang ako sa sobrang kahihiyan.
“Hindi ko sya boyfriend, Nay. Nakakahiya ang mga sinasabi mo.” Timpi kong sabi.
“Anong hindi? Sinabi nya na sa akin. Wag ka nang mag deny dyan. Ikaw pa ba ang magtatanggi sa ganitong mukha?” pinisil ng Nanay ko ang mukha ni Chaos. “Aba kung ako nga ang jowa mo e ako pa ang mahihiya at magtatanggi sayo!”
Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o maging self-conscious sa mga pinagsasasabi ni Nanay sa harap ni Chaos ngayon. Pakiramdam ko ay sirang sira na ang self esteem ko at confidence na ilang taon kong pinangalagaan.
“Nay, alam mo bilhan mo nalang sya ng pagkain sa ibaba. May pag-uusapan rin kami tungkol sa trabaho namin.” Nagpeke ako ng ngiti sa kanya. “Baka nagugutom na yan at magsawa sa ingay mo, e iwanan ako.”
“Aba oo naman! Baka mauntog sa katotohanan itong si Chaos. Iiwanan ko kayong dalawa dyan para makapag-loving loving muna kayo at hindi ko kayo maistorbo.” Nahulog ang panga ko at natawa si Chaos ng bahagya.
“NAY!” Sigaw ko sa kanya.
“Oo na, oo na! Heto na lalabas na ako at di na magiging sagabal sa inyo.” Saad nyang tuwang tuwa. Bago sya lumabas ng pinto ay narinig ko pa syang sumigaw. “Sabi ko na at babae talaga ang anak ko! Salamat sa Dyos! Akala ko tomboy sya! Whoo!”
Napailing ako at napapikit ng mariin. Ang tayog ng pangarap nya. Kailangan ba talaga nyang sabihin yon sa harapan ng ibang tao? I mean, Chaos is not technically a person. He’s a GAICS. But still…
“Your mom is… cheerful.” Saad ni Chaos na tila ba nag-isip pa ng adjective na properly suited para kay Nanay. “And energetic.”
“Cheerful, energetic ka dyan.” Utas ko. “Pag pasensyahan mo na sa mga sinabi sayo. Hindi pa kasi ako nagdadala ng kahit sinong kasamahan para ipakilala sa kanya. Mahilig lang talaga yun maglagay ng issue kahit wala naman. Tsaka nilaklak ata nyan isang bote ng Enervon.”
“It’s fine.” Ngiti nya. “I like her. She’s accommodating.”
Natahimik kaming pareho. Walang nagsasalita. Pareho kaming nagkakapaan sa kawalan. Ramdam ko ang pagkakasakal sa nararamdamang awkwardness na nasa pagitan naming dalawa. Hindi ko sigurado kung paano ko sisimulan ang lahat at kung tama bang umaakto kaming parang walang nangyari. Hindi ko rin kasi alam kung paano dapat simulan ang lahat. Marami akong gustong sabihin sa kanya. Marami akong tanong.
“Thank you for saving me.” Panimula ko.
Natulala sya sandali sa akin bago tumango at lumunok. He looked away and pressed his hands together. He was very uneasy.
“About that night…” Napamaang ako nang magsalita sya bigla.
Tinignan nya ako na parang balisa at hindi alam kung ano ang dapat nyang sabihin.
“It wasn’t me. My program, it is wired to do that when it’s triggered.” He said. “I wanted to stop it, but I can’t. It can’t be halted no matter how hard I tried.”
Tinignan ko sya ng maigi. Memories of that night kept bothering me. I cannot erase the look he had in his face when he bathed blood in his body. Hindi ko matanggal sa isipan ko kung paano nawala ang Chaos na nakikita ko ngayon sa kanyang sarili. Hindi ko sya makilala. It’s as if a clone did all that and not him.
“You’re saying na kapag nakarinig kayo ng putok ng baril, awtomatiko kayong natitrigger to kill mercilessly?” tanong ko. “Paanong mangyayari iyon e noong una palang ay nakakarinig na kayo ng gunshots?”
“It’s not the gunshots…” he said, averting my gaze.
“Edi ano? Yung mga terorista? Yung pagsugod nila sayo? Yung mga away? Yung mga sigawang barbaric?” tanong kong sunod sunod. “Anong trigger, Chaos!?”
“You.” Bigla nyang putol sa akin.
My jaw dropped. He looked at me in the eye once again. His expression has not changed as his gaze remained still.
“Ikaw ang naging trigger ng program ko.” Klaro nyang sabi sa akin.
My heart stopped. I was taken aback.
“A-ako? Paanong a-ako? Anong ginawa ko para matrigger ang program mo?” Tanong kong naguguluhan.
“You see, Catherina got this program on us. She engineered and installed it. It can figure on its own kung ano ang magiging trigger nya, depende sa environment na nakagisnan naming GAICS. When we are triggered, we become completely different people. This mother chip inside my head – the one that allowed you to see through my memories – it’s like a bomb. Once you pull out the safety pin, it will explode. It will turn me to someone… so ruthless.” He said. “Someone comparable to what she prefers to as---”
“A killing machine.” Pagtapos ko sa sasabihin nya. Noong una pa lang naman ay iyan na ang description nya sa mga sarili nyang gawa at likha e. “But how could I trigger you? How I could pull that safety pin?”
Umiling sya ng marahan at tumingin sa akin ng maigi.
“You did not pull it.” he stated. “You are the safety pin, Ril.”
Dug. Dug. Dug. Why does my heart make this weird pacing? Hindi naman ako tumatakbo pero pakiramdam ko ay sasabog na sa lakas ng t***k ang puso ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Anong mali sa akin? Palpitation ba to dahil sa mga gamot kong inintake?
“When I learned that you were gone, I couldn’t take it. Hindi ako mapalagay hanggang hindi kita nakikita. And whoever that dared to come in my way, I wrecked them. Even Danger who tried to stop me from seeking got a fair share of my havoc.” Utas nya.
“It was that bad?” I asked. Hindi ako makapaniwalang kahit ang sarili nyang kapatid na ay nagawa nyang saktan.
Tumango sya sa akin ng marahan. Ganoon pala ang naging epekto ng pagkakawala ko sa kanya.
“When I saw you on your tortured state, I was fuming inside. At first, I was still there in my conscious realm, it’s just the killing machine that’s taking action. Pero nung nakita ko na kung gaano ka nila sinaktan at pagbantaan, I lost it all. Nagising nalang ako nung nakita kitang natumba at nawalan ng malay.” He explained.
I could not speak. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin dahil sa mga narinig ko. I felt that I was too harsh to have judged him that way.
“Kung ganoon… Anong kailangan nating gawin?” Tanong ko.
He leaned over to reach for my hand and squeezed it lightly.
“Wala kang kailangang gawin kundi manatili sa tabi ko.” Ngumiti sya sa akin nang sabihin nya iyon.
Pakiramdam ko ay may kung anong kumurot sa puso ko. I felt an unfamiliar ache that pinched my heart.
“A grenade is safe to carry when its safety pin is on.” He said. “Kapag nandito ka sa tabi ko, pakiramdam ko tao ako. Pakiramdam ko naiintindihan ko kung paano maging tao. You make me feel humane, Ril. You make me feel human enough. And I hope you won’t shun me away just because you saw I really wasn’t.”
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Nakikita ko kung gaano sya katakot sa nangyari. Isn’t it ironic how you fear your own self? Takot ka sa sarili mo pero wala kang control. Hindi ako nagsisising hindi ko sinabi ang katotohanan tungkol sa imbestigasyon dahil hindi nila maiintindihan si Chaos gaya nang paraan ng pag-iintindi ko ngayon sa kanya. He never wanted to be that way – that merciless killing beast. But he was born the curse of being that way. Ginawa syang ganoon, at hindi nya iyon kasalanan. Programa ang nagdedesisyon sa kung paano sya magrereact sa sitwasyon. I can see that all of them are trying so hard to be human enough. And who am I to judge that kung maging tayong tao, ay trying hard din maging tao?
“I’m here.” Saad ko. “And I’ll always be here ‘til the end. I promise.”
He flashed a smile just in time the door creaks open.
“Hay naku, marimar! Napakahaba ng pila sa Jollibee! Natagalan tuloy ako, baka gutom na ang pogi kong manugang!” Napapikit ako sa ingay ng Nanay kong kakarating lang.
Palihim na tumawa si Chaos at umirap ako sa kawalan. Napakaganda ng timing ni Nanay na sumira ng momentum. Seryosong seryoso ang usapan naming dalawa tapos papasok syang intrimidida at dakilang issue ng taon. Malaki sigurong lungkot nito kung sabihin kong robot ang tinatawag nyang manugang. Baka bigla yang himatayin at ipaospital ng dis oras.
“Oh eto, hijo. Kumain ka na. Malamang hindi ka pa nag-aalmusal sa aga mong pumunta rito kanina.” Sabi ni Nanay.
“Ayos lang po. Nag-abala pa kayo.” Tugon nya.
“Naku, sanay ka na ano? Palagi ka bang pinaghihintay nyang si Rilea? Naku! Yan talagang batang yan, tanghali kung magising minsan!” Tinignan ako ng masama ni Nanay. “Akala mo namang kakinisan para mag-inarte at mag-pabebe!”
Naubo si Chaos sa pagkakatawa nya.
“Nay! Sobra ka na ha. Napapahiya na ako ng sobra!” pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko sa kahihiyan.
“Bakit ba? Totoo naman ang sinasabi ko. Saka kung mahal ka talaga ni Chaos, mamahalin ka nya kahit ano pang itsura mo. Tanggap ka nya kung ano ka simula pa lang.” Sabi ni nanay. “Di ba Chaos?”
“Opo, tama po.” Napalunok ako nang wala sa oras.
Tarantadong Chaos to. Sinakyan pa si Nanay. Lalo tuloy akong nagpapalpitate dahil sa mga kalokohang ito.
“Naku, kinikilig ako! Naaalala ko tuloy ang mister ko. Hay naku, parang ikaw si Rico.” Napawi ang ngiti ni Nanay.
Nakita kong nalungkot sya ng mabanggit ang pangalan ni Tatay pero bumawi sya agad ng ngiti. Ang mga mata ni Nanay, nagpapakita ng walang hanggang pagmamahal nya para kay Tatay. Pagmamahal na kahit pinutol na ng mundo ang ugnayan nila bilang mga buhay, hindi nawawala. Isa iyong klase ng pagmamahal na nagdudulot sa kanya ng saya walang sinuman ang makakaalis sa puso nya. Pero isa rin iyong pagmamahal na may kasamang sumpa na habambuhay na lungkot. Habambuhay na pighati na gaya ng sayang kasama at kalakip, ay hindi rin kayang burahin at alisin ninuman. Natatakot akong isipin na baka pareho kami ng maging tadhana ni Nanay.
---
sereingirl