Chapter 18

2057 Words
Chapter 18 - Doubts       Mula sa katahimikan ay may naririnig akong malilit at mahihinang ingay na para bang mga bubuyog na nag bubulungan. Hindi ko alam kung sino ang nag-uusap o kung ano ang pinag uusapan nila. I just know that there are people talking to each other. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko only to be blinded by the bright white light of the ceiling. Everything was white for a minute or so kaya ikinurap kurap ko ang aking mga mata. Nilibot ng paningin ko ang kinaroroonan ko at napagtanto kong nasa isang hospital room ako. Great. Nagiging suki na ata ako ng ospital recently.        Ramdam ko ang sakit ng katawan ko. Hindi ako sigurado kung saan banda ang pinagmumulan pero parang pantay lahat ng sakit. "Rilea!" muntik akong mapabalikwas nang marinig ang boses na iyon.    Sinundan ko ng tingin ang pinagmulan ng sigaw at doon ko nakumpirma ang hinala ko. "Nay." Tugon kong nanghihina pa. Tumakbo sya patungo sa gilid ng kama ko at agad akong niyakap ng marahan. She was hugging me as if I am fragile and might break. Probably dahil iniiwasan nyang masaktan ako mula sa aking mga natamong pinsala mula sa Sandukil. General Claridades was beside her and they both looked like they are extremely worried of me.  Para bang ganoon nalang katindi ang tinamo kong pinsala. Well based from what I reminisced, mukhang matindi nga talaga ang raranasin kong injury. Malamang hindi lang ganoon kasakit that night dahil may adrenaline rush pa ako noon. "I'll call the nurses." Utas ng Heneral at madaling lumabas ng kwarto para gawin ang winika nya.    My mother kept caressing my hair. She was crying as she stared down at me. Worry was clearly plastered in her wrinkled face.  "Nay, enough of the crying. Hindi pa ako patay." Utas ko upang patigilin sya sa kanyang pag iyak. "Pang best actress naman yang iyak mo. Save that tears for my burial."     Nanlaki ang mata nya at pakiwari ko kung hindi ako nakaratay ay nasampal nya na ako. "Dyos ko, Rilea! Palagi mo akong pinag aalala!" She exclaimed. "Kailan mo ba balak tigilan ang kalolokohan mo sa propesyong iyan?!" "Nay... alam mong hindi pwede. Ilang beses na natin ito napag usapan hindi ba?" Utas ko at pinikit ang aking mata dahil kumikibot sa sakit ang ulo ko.  "Manang mana ka talaga sa Tatay mo!" Matigas nyang utas at inirapan ako.    Here we go again. My Nanay has always been against my decision of entering the military life. How could I blame her? Ako lang ang nag-iisang babae ng pamilya at ako pa ang sumunod sa yapak ng aming Tatay. I entered the military. The same profession that took away her husband away from her most of the time. The same job that led to her only love's passing.  How frustrating is that for her? "Nay, please. Hindi pa ako nakakarecover. Saka mo na ako sermunan. Isa pa, mahigit isang taon na tayong hindi nagkikita tapos aawayin mo lang ako." Walang lakas kong sabi. "Yun mismo ang problema ko! Kung hindi ka pa maospital ay hindi tayo magkikita!" Sigaw nya. "Nay sumasakit ang ulo ko." Saad ko para matahimik na sya. "Hay naku! Gumagawa ka pa ng palusot para hindi kita dakdakan! Mahabaging langit at poon ko. Ikaw na ikaw talaga ang kopya ng Tatay Rico mo. Pareho ko kayong sakit sa ulo!" Reklamo nya.      Napangiti nalang ako habang naaalala kung paano awayin ni Nanay si Tatay sa tuwing uuwi sya ng bahay matapos ang misyon. Naalala ko kung paano nya lakihan ng mata si Tatay at pinipilit na iwanan na ang propesyong mahal na mahal nya. Sasagutin naman iyon ni Tatay ng mga halik at yakap na syang nag papalambot sa nagkukunwaring matigas naming ilaw ng tahanan. Naaalala ko rin kung paano nya pinapagalitan si Tatay tuwing umuuwi itong may sugat galing bakbakan. Ilang beses nyang pinipilit si Tatay na mag resign but to no avail. I actually don't categorize those as fighting. Dahil alam mong dala ng kanyang takot at pagmamahal kay Tatay ang kanyang mga sinasabi. Matapos rin naman kasi ang mga ganyang scheme ni Nanay, ay pupunta itong madali sa palengke para bilhin ang mga gustong pagkain ni Tatay at lutuan sya. Pagsasaluhan namin ang masarap nyang adobo sa gata at matapos ay masaya naming pakikinggan ang mga kwento ni Tatay sa misyon. Magiging abala rin si Nanay na ibahagi ang mga milestones namin habang wala sya sa bahay. At sa tuwing dadating ang oras na kailangan na naman ni Tatay umalis at iwan kami, makikita mo kung paano pipilitin ni Nanay na huwag umiyak. Makikita mo sa higpit ng yakap nya na para bang ayaw na nyang pawalan si Tatay. At hindi man nya ipakita sa amin ang mga luhang nais nyang pawalan, bakas naman sa mga mata nya ang pagkawala ng sigla at buhay sa tuwing iiwan kami ni Tatay.     Kimi akong ngumiti habang minamasdan si Nanay na aluin ang sarili nya. Mahal na mahal talaga nya kami. I wonder kung paano nya kinakayang makita akong tahakin ang parehong daan na kumuha ng buhay ni Tatay.     Biglang pumasok ang mga nurse at doktor kasama si General Claridades. They checked on me and asked a few questions like, "ano ang masakit?" "ano ang nararamdaman?" and the like. Tinignan ang blood pressure ko. Tinignan rin ang temperature ko at chineck ang aking mga operasyon.  It went  on for quite some minutes before they leave us be. Inesplika rin nila sa akin kasi na kailangan kong ipahinga ang mga nabali kong buto na inoperahan pa. Mayroon din akong internal bleeding kaya hindi ko pwedeng pwersahin ang sarili kong bumalik agad sa trabaho. Ang dami pang medical explanation na sinasabi pero hindi ko na naiintindihan. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong mag recover ng maayos para walang aberya sa hinaharap o komplikasyong lumitaw. I am partly sad that I don't get to go back to my work, but I am happy that I will have a few moments to spend with my Nanay. Sa ospital nga lang kami mag bobonding. Sabi nya pa ay dadating rin sila Kuya Kiel at Kuya Sigfried para puntahan ako. Kung hindi pa ako muntik mamatay, ay hindi kami magkikita. "Kailan po ako pupuntahan ng intelligence division para sa statement ko?" Tanong ko kay General Claridades. "Probably the next day, hija. I told them they should let you rest first." Tugon ng  Heneral. "Nauna naman nang mag pahayag ng panig nya si Chaos. I'm sure yours are just for reconfirmation." "N-nagbigay na po sya ng pahayag?" Tanong ko. "Yes, hija. Part of the protocol hindi ba?" sagot ng Heneral na tila nagtaka sa tanong ko sa kanya. "Yes sir." I said. "Ano pong sinabi nya?" "Well he narrated how he got to you and how the terrorists tried to kill you through explosion, but in turn killed themselves." tugon ng Heneral.      Natahimik ako. Nag sinungaling sya. Hindi nya sinabi ang kabuuang kwento at kung paano nya walang habas na tinuldukan ang buhay nang mahigit apatnapung tao at ikinubli iyon sa pamamagitan ng isang pagsabog. Tumango nalang ako ng marahan sa sinabi ni General Claridades. Hindi ko na pinlanong mag salita pa ng kung ano tungkol sa naganap na pagligtas sa akin. Matapos ang maikling kwentuhan ay nag paalam na rin si General sa aming dalawa ni Nanay.        True to what he said, the Intelligence officers came for my report the next day. The first one was like on his mid 30's and the other on his late 50's. Magalang nila akong binati at ganoon din si Nanay. May dala pa nga silang pagkain at prutas. Dahil hindi ako makapag susulat ng statement, isa sa dalawang officers ang nag tala ng kwento ko tungkol sa mga kaganapan para sa akin.  I was still contemplating on the statement that I will tell them as this can roughly affect the view of the NAF to the GAICS right away. I don't want to be unfair.  Masyado pang maaga para magkaroon ng verdict sa kanila at ipinangako ko noon  na hindi ako magiging biased. Kung ngayon pa lang ay dudungisan ko na sila, sa tingin ko ay hindi ako magiging patas dahil hindi pa naman tapos ang time frame na in-allot ng DND secretary para sa kanilang field testing.  Ngunit para doon ay kailangan ko munang ikompromiso ang pangako kong magsabi nang pawang katotohanan lang. Nakakausig ng konsensya, pero dahil para naman sa kapakanan ng bayan ang gagawin ko, ay hindi dapat ako matakot.      Nagsimula ako sa kwento na nahuli na namin si Abdul Makdum at for transport na sya. Isinalaysay ko ang mga naging palitan namin ng salita at kung paanong dumating ang mga pekeng tropa. Inilarawan kong may intricate details ang bawat pangyayari mula sa pag linlang sa amin ng mga kasapi ng Sandukil, hanggang sa palitan ng putok habang nasa trail, hanggang sa pag habol ko sa tumatakas na lider ng terorista. Kinwento ko kung paanong nagkaroon kami nang sarilihang usapan na kaming dalawa lang ang naroon at kung paano ko inakala na iyon na ang katapusan ng aking pag habol sa kanya. Binahagi ko rin kung paano ako nawalan ng malay dahil sa pag hampas sa aking ulo nang kalabang hindi ko namalayan, at nagising nalang na nasa isang hindi pamilyar na bahay. Ikinwento ko kung paano ako pinahirapan ni Abdul Makdum gaya ng pinangako nya. Idinetalye ko ang torture process na naranasan ko. Ngunit ginawa ko rin iyong dahilan para tapusin ang salaysay. Sinabi kong dahil sa lubos na pinsala at sakit na ibinigay ng torture sa akin ay hindi na naging malinaw ang mga sumunod na pangyayari sa akin. Sinabi kong dahilan iyon para hindi ko na masyadong maulinigan ang lahat at mawalan na ng focus dahil sa hilo at halong sakit. Sabi ko ay hindi ko na din alam kung paano akong nailigtas ni Chaos, ngunit naalimpungatan akong sya ang kasama.       Habang nagkukwento ako, pakiramdam ko ay bumalik ako sa gabing iyon. Malinaw na malinaw ang mga pangyayari at ang mga tunog at pakiramdam. Hindi gaya ng aking sinabi, tandang tanda ko ang bawat detalye at pangyayaring naganap ng mga oras na iyon. Pinili ko lang itong sarilihin. Sariwang sariwa sa isipan ko kung paano ko inakalang katapusan na ng lahat, at kung paano ko nakitang dumating si Chaos para iligtas ako. Parang ramdam ko pa rin ang pag talsik ng mainit na dugo nang mga terorista sa akin. Rinig ko pa rin ang pag tilapon ng mga ulo nila sa sahig. Malinaw na malinaw ang mga daing at sigaw ng mga taong iyon. Iba man ang lenggwaheng gamit nila, alam kong daing at pakiusap ang mga binibitawan nilang salita. Naririnig ko pa din ang ingay ng mga balang pinakawalan nila sa kalagitnaan ng gabi na akala nilang tatapos sa buhay ni Chaos. Nakikita ko pa rin ang walang habas na pag patay ni Chaos at ang kakaibang mga mata nya kahit sa gitna ng dilim. Tanda ko kung paano ako halos mag makaawa na tigilan na nya ang kabrutalan nyang ginagawa at kung paano nya ikinubli ang pagpatay na iyon sa pamamagitan nang pagpapasabog sa naturang mga kubol na pinaglagyan nya ng mga napatay nya. Hindi ko mahanap ang bakas ng Chaos na kasama ko palagi at kinaiiritiahan.        Hindi ko sya makilala noon. Nang gabing iyon, hindi si Chaos na mapagkakamalan mong tao ang kasama ko. Hindi si Chaos na may magagandang matang kinalulunuran ko ang kasama ko. Ang nakita ko noon ay isang walang awang hayop na para bang uhaw sa dugo. Ang nakita ko ay isang Chaos na walang pag-iisip at parang pinrograma para kumitil ng buhay.  Para syang isang makinang ginawa para pumaslang ng walang habas at walang takot o pag dadalawang isip man lang.      Nang umalis ang mga kumuha nang aking pahayag ay naiwanan akong nag iisip ng malalim kung tama ba ang naging desisyon kong ilihim ang lahat. Chaos saved my life at tinatanaw ko iyong utang na loob sa kanya kahit pa itinago nya ang katotohanan sa lahat. But this time, I am doubting myself. Why do I feel like I am protecting him? ----  sereingirl
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD