Chapter 17 – The Killing Machine
I woke up to an excruciating pain. Hindi ko alam kung saan ang masakit sa akin pero nararamdaman ko ang pag radiate nito mula sa ulo ko. Nakakahilo ang sakit dahil parang nangingilo ang bungo ko. This must probably be caused by being hit in my head earlier.
Umiikot ang paningin ko pero iginala ko ang tingin ko sa paligid. Para akong nasa isang kubo, I can tell that because of the presence of the nipa roof. Nauulinigan ko rin ang mga boses na unti unti nang lumilinaw sa aking pandinig. Kanina ay para lang silang mga bubuyog. Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay ngunit gaya ng inasahan ko, mahigpit at sigurado ang pagkakatali sa akin. Talagang mahigpit ang pagkakagapos ko sa upuan. Maging ang mga paa ko ay itinali rin. Talagang naninigurado ang mga ungas na ito na hindi ako makakawala.
Sinusubukan ko pa ring kalagan ang sarili ko kahit na ganoon ang sitwasyon. Hindi masamang subukan kahit suntok sa buwan ang lahat. Ang masama ay kung wala akong gagawin at hahayaan ko lang ang sarili kong manatiling bihag ng teroristang grupong Sandukil.
“Gising ka na.” I recognize that voice even if I wasn’t looking.
Itinungo ko ang ulo ko at tinaliman ang tingin nang magtama ang aming mga mata. Abdul Makdum, you sneaky bastard. Para syang isang palos. Nahawakan ko na, pero masyadong madulas upang mailambat.
“Wag na wag mo kong pakakawalan dito, dahil pagsisisihan mo.” Banta ko sa kanya.
“Ooh, I’m threatened.” Tawa nya. “You should be saying the opposite, hija. Dapat ay nagmamakaawa ka nang pakawalan kita. You are one bad hostage.”
Umiling iling sya habang nakapameywang at tinutuya ako.
“Well for one thing.” I spat, smiling. “I don’t beg.”
Lalong umigting ang tawa nya sa sinabi ko at nainis lang ako lalo. If his goal is to piss me off, he is succeeding at it. Mukha pa lang nya ay napipikon na ako.
“We’ll see as we proceed.” Tugon nya.
Tumungo sya sa isang mahabang lamesa na may nakalatag na kung ano anong kagamitan. May namataan akong chainsaw, itak, at iba’t ibang klase ng patalim. Hindi ko na kailangang manghula para malaman kung ano ang pinaplano nya sa akin. Torture.
“I am a man of my word, you see. Just as I told your friend, earlier…” he said, bringing into the air a what seems to me is like a baseball bat. “I will make you suffer before you close your eyes.”
Yun pala ang sinabi nya kay Chaos kanina na nagpagalit rito? Kung ganoon, binantaan nya pala ako kanina.
He swinged the bat into the air before he hit my limbs with it. Ipinatama nya iyon sa mga hita ko. I felt like my femurs got cracked with just one hit but I didn’t even wince. I just bit my lip. Hindi ako mapapatiklop ng baseball bat lang. Pinaulit ulit nya ang pag hagupit sa akin sa aking mga binti. Palagay ko nga ay wala nang natitirang buong buto sa mga ito. Basag na lahat ng buto ko sa tindi ng hampas nya.
As every second passed by, he was getting more aggressive. Alam kong dahil iyon sa hindi nya makuha ang satisfaction sa pagpapahirap sa akin. You know, if there is one thing with maltreaters, that is they want to see their victim suffering in their hands. That feeds their ego. Aakalain nila na malakas sila and everyone bows down to them. But he was wrong in his choice of who to torture. He had the luck of hurting me pero hindi ko ibibigay sa kanya ang saya na makitang nahihirapan ako. I will not be that fragile torture victim he wants me to be.
“You don’t want to beg, huh?” He asked, short of breath from hitting me continuously.
Itinapon nya sa isang tabi ang bat at kumuha nang dalawang mahabang parang tubo. Mas mataas ang mga iyon sa kanya at palagay ko ay gawa iyon sa solidong kahoy. Inipit nya ang dalawang iyon sa espasyo sa gitna ng mga hita ko at saka iyon pinaghihiwalay. Napapikit ako sa sakit. Parang isa ito sa mga makalumang paraan ng torture. Ibinubuka ng mas higit sa natural na kakayahan ang mga hita hanggang halos mapunit na ang laman at buto mo.
“Beg! Beg! Beg for mercy!” frustrated nyang sigaw sa akin.
It went on for minutes and I was gritting my teeth in pain but I never uttered a word. I endured all of it until he was tired of torturing me. Nanginginig na ang kalamnan ko sa sakit na nararamdaman. Palagay ko ay hindi na ako makakatakbo kahit pa makawala ako rito. Malamang ni tumayo ay hindi ko magagawa. Mukhang gagapang ako paalis.
“A m-man of your word, but a man short of actions. Where t-the hell are your balls? Misplaced them?” Paghamon ko sa kanya habang ngumingiti ng pang asar.
Nakita kong nagtiim ang kanyang bagang bago sya lumapit sa akin at sampalin ako nang malakas sa mukha. Ramdam ko ang pagmanhid ng pisngi ko sa lakas ng impact. Dumugo agad ang labi ko sa ginawa nyang iyon pero pinilit kong huwag magpakita ng katiting na kahinaan. Another thing about maltreaters is that they hate to see that you are still fine after every effort that they did to make you in pain. It destroys their ego and makes them feel inferior. And that’s exactly the reason why I tend to insult him further. Hindi man ako makaganti sa pisikal, masasaktan ko naman sya in a way that I know how. I know this game so well, I played it eversince.
Ibinalik ko ang ulo ko sa orihinal nitong posisyon at nginitian syang muli. Hindi ko maramdaman ang labi ko sa manhid ng kalahati ng aking mukha pero wala akong pakialam.
“Is that all you got? You hit like a gay.” Pantutuya ko sa kanya sa kabila nang panghihina.
“Wait ‘til I start with you, woman.” Sabi nya.
He then grabbed a pair of wires scraped from a plug. Ikinabit nya ang dulo ng mga wires sa aking balat sa pamamagitang nang pagtusok niyon na parang dextrose. Kinagat ko ang labi ko sa naramdamang sakit pero hindi ko iyon gaano ininda. I have to continue putting up with my façade of an invincible soldier kahit pa tutustahin nya ako ng buhay. Who needs to be drenched in water if you could use blood as the fluid before you electrify someone? With the current directly injected to my bloodstream, I’ll be dead in a few ticks. Napakatalino talaga ng mga criminal pagdating sa pagpatay.
“Tignan natin ang tapang mo.” He threatened. “Once you light up like your damn old Christmas tree, let’s see if you can still smile that way.”
Bubuksan n asana nya ang kuryente nang biglang umalingawngaw ang sunod sunod na putok mula sa labas ng kubo. He was rattled by the gunshots that he rushed to look at the window. Maya maya pa ay nagmamadaling pumasok ang lima sa mga tauhan nya. Lahat sila ay armado at binabantayan syang maigi upang masigurado ang seguridad nya. Walang humpay ang palitan ng putok sa labas at puro sigaw ang naririnig ko. Hindi ko maintindihan ang lenggwahe pero alam kong may dumating akong kakampi. Ngumiti ako.
“Gaano ba kadami ang dumating at bakit hindi matapos tapos trabahuhin?!” Galit na sigaw ni Abdul sa isa sa mga tauhan nya.
“Isa lang ho. Ang sabi sa akin isa lang.” Takang tugon ng isa sa kanila.
“Isa?! Isa at hindi pa nila mapatay patay? Dalawang daan tayo mahigit rito! Ganyan ba kayo Katanga at walang kwenta? Mga inutil!” pagalit nyang sigaw.
Isa? Sino kaya ang mag-isang sumuong rito sa isa pang tagong kuta ng mga terorista upang iligtas ako? The five man squad of the GAICS can take a platoon down but what if mag isa lang sila? Up against 200 men that are fully armed and equipped with weapons?
Papalapit nang papalapit ang putok ng baril. Walang habas. Walang nakakapigil. Lahat ng babangga at haharang sa daan ay gigibain. Ramdam ko ang takot ng mga taong kasama ko rito sa kwarto sa kung sinong paparating. Marahil dahil alam nilang hindi basta basta ang kakalabanin nila. Tumigil ang putukan. Wala na ring kahit anong ingay sa labas. Nawala ang lahat sa isang iglap. Natapos. Hindi ko alam kung sino ang nawala – ang mga kalaban ba o ang kakampi ko.
Maya maya pa ay tumumba ang pintuan ng kubo ni Abdul Makdum. Senyales iyon upang tadtarin ng putok at bala nang mga terorista ang pintuan. Nagtagal ang putok ng ilang minuto hanggang naubos ang mga bala ng mga kalaban. Luminaw ang paligid nang mawala ang usok. Wala silang binaril.
“Mga tonta! Asan ang katawan?!” sigaw ng galit nilang lider.
Nag senyales ang isa sa limang lalaki. Umusad ang isa sa kanila at humakbang palapit sa pintuan, umang umang ang balisong sa kanyang kamay. Dahan dahan iyong lumapit. Nang marating nya ang b****a, pagluwa nang kanyang ulo ay may kung sinong pumugot roon. Napamaang ako sa aking kinauupuan dahil sa gulat. Kahit pa nanghihina ako at nanlalabo ang aking mata ay sigurado ako sa nakitan ko.
Bumagsak ang katawan nang lalaki sa sahig at gumulong ang kanyang ulo, hiwalay sa kanyang katawan. Naging vigilante ang lahat at dumampot nang kung ano anong sandata sa lames ani Abdul. Samantalang si Abdul Makdum naman ay mabilis na kumuha ng kutsilyo at itinutok sa aking leeg.
“Ikaw ang pakay nya. Hindi nya ako gagalawin kung papatayin kita.” Saad nya sa akin.
“Kung hindi sya ang papatay sayo, ako ang gagawa!” Sigaw ko sa kanya at pagkaraan ay sinampal nanaman nya ako gamit ang asero.
Napainda ako sa natamo kong sakit.
“Sabi ko wag mo syang gagalawin.” Napalingon kaming lahat sa lalaking nakatayo sa pintuan.
Chaos.Halos hindi ko sya makilala dahil sa dugong tila ipinaligo nya sa sarili nya. Punong puno sya ng dugo at alam kong dahil iyon sa dami ng taong napatay nya. Hawak hawak nya ang isang tila karet ni kamatayan habang matalim ang tingin kay Abdul Makdum. Iba ang mga mata nya. Madilim, Nakakatakot, parang kawangis ng mabangis na hayop na sisila sa iyo sa gitna ng gubat. kahit ako ay nakakaramdam na ng takot sa kanya.
“Kill him!” utos ni Abdul sa mga tauhan nya.
Sinugod nilang lahat si Chaos. Sabay sabay nila syang inatake at inambahan ng iba’t ibang mga kagamitan. He was very agile that he dodged all the attacks and returned them to the perpetrators. He was very skillful when it comes to combat. He is programed to bear all that perfection in terms of fighting. Hindi sya matatalo ng sinuman. But watching him now, it brings a different kind of fear in my heart. Because right in front of my eyes, I’m seeing the reason of why I always hated his kind.
Puro dugo ang tumitilansik sa akin at sa buong kwarto. Mainit na dugo na mula sa mga taong nasa harapan ko.
“C-Chaos.” I tried calling him to stop his brutality but he didn’t even blink once when he sliced the throat of a man.
Sumirit ang dugo mula sa leeg nang lalaki at natumba sa sahig.
“Chaos, stop!” Sigaw ko.
Hindi nya ako napapansin. It was like I wasn’t here at all. He slashed their heads like they were just chickens and not humans. He didn’t mind the blood spilling like a pool all over the place. In just a few minutes, everyone was down except for Abdul Makdum who is still pointing a knife against my neck.
Chaos stood there, a few steps away from me. His eyes were cold and his face was stern. He seemed like a cold-blooded murderer to me. I could not find any trace of the Chaos that I was with all this time. this is the Chaos that Catherina programed and engineered – an unstoppable, ruthless killing machine.
“Wag kang duwag, Makdum. Wag kang magtago sa likod ng babae.” Walang emosyong utas ni Chaos.
It was their turn now to go on a brawl. They attacked each other with their blades. Maalam rin sa pakikipaglaban si Makdum ngunit wala syang binatbat sa isang robot na gaya ni Chaos. Chaos is a machine and he is just human. Para syang nakikipagtalo sa isang dyos.
The fight went on and it was brutally bloody. Sinasadya ni Chaos na unti-untiing pahirapan si Makdum. I can see it in his eyes. He could finish him right away but he was slowly torturing the guy with all the slashes he inflicts in him.
After a few more seconds, Abdul was down in his knees begging for his life to Chaos. Nagmamakaawa syang huwag syang patayin. At sa kabila nang lahat ng ginawa nya sa akin ngayong gabi, naramdaman ko ang awa sa puso ko. Hindi kaya ng konsensya ko na makita ang brutal nyang pagkapatay.
“Please, Chaos. Tama na. Just capture him and deliver him to base. That’s our plan, right?” Nanghihina kong utas kay Chaos.
Hindi nya ako tinignan. Nagpatuloy pa rin sya nang wala pa ring pag-aatubili at emosyon sa kanyang mga mata. Isinubsob nya sa sahig ang lider ng terorista. Hinawakan nya ang buhok ni Abdul Makdum, at saka tinapakan ang katawan nito.
“Chaos please!” sigaw ko.
He never listened. He continued what he is doing. Pinugutan nya ng ulo ang terorista sa mas masakit na paraan. Dahil hinugot nya ang ulo nito gamit lang ang sarili nyang mga kamay. I didn’t even know that it was possible, until now that I witnessed it.
Hindi na kinaya ng sikmura ko ang mga nasaksihan ko. Kahit na madalas akong nakakapanood ng mga footages ng torture ay masyadong brutal ang nasaksihan kong ito. Ngunit ang mas nakakapanibago, ay ang makita si Chaos sa ganitong kalagayan. Kahit ako ay natatakot sa kanya.
Hindi ko na alam kung paano umusad ang mga susunod na kaganapan dahil nawalan na ako tuluyan ng malay.
---
sereingirl