Chapter 16 – Trapped
Dapat ay maging masaya na din ako dahil sa pagkakahuli namin sa pinuno ng mga terorista na si Abdul Makdum. Nagdiriwang na din ang buong organisasyon ng NAF dahil sa success ng aming recent operation gamit ang mga GAICS, ngunit hindi ko mahagilap ang parehong tuwa. Narinig ko ang victory shouts nila noong inireport naming via comms ang balita. Don’t get me wrong. I am happy with how everything turned out with regards to our operation. I am happy with how smoothly everything went but my heart tells me there is something wrong. I mean, it has been easy because I have these invincible killing soldiers right on my side. But was it supposed to be that easy? O baka hindi lang ako sanay na ganito kadali ang lahat, dahil sa normal na settings kasama ang mga kabaro kong tao ay marami kaming hirap at obstacles na kailangan pagdaanan? Kumakabog pa rin ang dibdib ko hanggang ngayon. Hindi pa rin ako mapalagay. Something is not right.
“Lieutenant, we will be transporting Abdul in a few moments. Kakatawag lang ng base at parating na raw ang transport vehicle, ma’am.” Utas ni Danger sa akin.
Tumango lang ako at tahimik na pinagmamasdan ang lider ng grupo na walang imik mula kanina. Chaos is sitting beside him while the other GAICS are scanning the place and guarding our perimeter for any potential enemy. Ang tahimik ng paligid at maliwanag ang kalangitan habang kami ay nandito sa gitna ng kagubatan, naghihintay na i-pick up ng aming mga kasamahan. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang palihim lihim na pag ngiti ng lider ng Sandukil ISIS group.
“Anong tinatawa tawa mo dyan?” Masungit kong utas.
Napamaang ang lahat at natuon ang pansin sa amin ni Abdul Makdum dahil sa pagpansin ko sa kanyang pag ngiti. Tinitigan ako ng terorista at lumapad ang kanyang ngiti hanggang maging tawa na iyon. Mukhang natutuwa sya na naiinis ako.
“Sawf tamut. (You will die.)” Utas nya sabay tawa nang para bang demonyong kakaahon lang galing impyerno.
Nakita ko ang pagkainis sa mukha ni Chaos. Hindi ko naiintindihan ang sinabi nya ngunit pakiwari ko ay hindi iyon maganda para mag iwan ng ganoong impresyon sa mukha ng Kapitan ng mga GAICS.
“Madha law qutalatak 'awala? (What if I kill you first?)” Matigas na tugon ni Chaos gamit ang mapagbaga nyang mata.
“Anong sinabi nya?” Tanong ko.
Hindi ako inimik ni Chaos pero tinugunan ako ni Mage.
“He said ‘you will die’ in his native tongue, Lieutenant.” Nanikip ang dibdib ko.
Tumawa muli ang terorista at ngayon ay mas malakas na halakhak na iyon. Para bang nagpapatawa kami sa kanya o nakakatawa kaming lahat. Mukha ba kaming clown sa kanya? Ganito na ba kademonyo ang kaluluwa ng taong ito na maging sarili nyang pagkakakulong ay wala syang pakialam?
“Satakun 'awal man yamut. (She will be the first to die.)” Matigas nyang sabi habang nakatitig sa akin. “Wasawf 'ata'akad min 'anaha tueani qabl 'an tughliq einayaha. (And I will make sure that she suffers before she closes her eyes.)”
Nakita kong nagngalit ang panga ni Chaos bago nya pinatamaan nang malakas na suntok ang mukha ni Abdul Makdum na sya nitong ikinatumba mula sa pagkakaupo sa torso. Tumaob ito sa lakas ng pwersang pinawalan ni Chaos.
“Chaos!” Awat ko kay Chaos nang bangunin nya mula sa lupa si Abdul. Hinawakan nya ito sa kwelyo kaya nilapitan ko silang muli dahil napansin kong muntik na mawalan ng ulirat ang terorista sa ginawa ng GAICS squad leader nila.
Tumayo na ako para hawakan sa braso si Chaos pero hindi sya natinag. Bagkus ay mas lalong tumindi ang kapit nya sa kwelyo ng teroristang hilo. Umaagos sa ilong ni Abdul Makdum ang pulang pulang dugo na mula sa pagkakasuntok ni Chaos. Palagay ko ay nabasag ang buto nya sa ilong dahil halata roon ang pagkakapaling.
“Hawal 'an talmus hataa taraf shaeriha , wasa'arsiluk mubasharatan 'iilaa aljahim. (Try to touch even the tip of her hair, and I'll send you straight to hell.)” Madiing saad ni Chaos, bakas sa tono nya ang matigas na galit at pagkapoot.
Kitang kita ko ang pamumuti ng kanyang nakasaradong kamao habang nakahawak sa kwelyo ng terorista. Bakas sa mukha nya ang pagnanais na saktan ito at bawian ng buhay.
“Chaos! Tama na!” Sigaw ko na para bang ginigising sya mula sa pagsapi ng kung ano. “Chaos! Remember our protocol!”
That was the only time he let Abdul Makdum go. Hinilamos ni Chaos ang palad sa mukha nya at pagkaraan ay binalingan si Azure.
“Azure, tabihan mo to. Palit muna tayo at mapapatay ko to nang wala sa oras.” Seryoso nyang sabi.
“Yes sir.” Agaran tumugon si Azure at pumunta sa kinaroroonan namin.
“Ano ba kasing sinabi nya? Bakit ba ganyan ka kagalit? Balak mo pa syang patayin! I saw it in your eyes, Chaos!” nag-aalala kong tanong.
Tinignan nya lang ako bago ibaling nang malamig ang kanyang tingin sa kawalan.
“Wala. Binastos nya lang ang NAF at mga prinsipyo nating sundalo kaya nagalit ako.” Tugon nyang hindi ako tinitignan.
Magsasalita pa sana ako nang marinig ko na ang mga kasamahan naming tropa na susundo sa amin. Mabibigat ang mga hakbang nila dahil sa combat shoes na suot at kumpletong uniporme. Marami rin sila sa bilang. Tingin ko ay dahil alam nilang hindi biro na tao ang susunduin nila.
“Troops!” Paunang bati nang isang captain na may apelidong Sercado sa amin. Tinapik nya ako sa balikat. “Congratulations, tinyente. You did outstandingly great.”
“Salamat sir. It’s all because I have a great team.” Tugon ko na inaalala pa rin ang mga nakalipas na kaganapan ilang segundo lang.
“Yes of course. I must commend you all, GAICS.” Saad nya habang nginingitian ang mga GAICS.
Naka complete gear ang aming mga escort na sumundo sa amin. Alam nilang high profile ang taong ito at kailangan masigurado ang seguridad nya upang maiwasan ang kanyang pagtakas.
“Prepare to move out!” sigaw ko sa gitna ng kadiliman.
Sinimulan naming baybayin ang trail palabas ng kagubatan. Maliwanag ang buwan at hindi na naming kailangang gamitan pa ng flashlights ang daanan. Ingay lang ng mga kuliglig at iba pang mga hayop sa gubat ang naririnig ko habang tinatahak naming ang daan palabas. Nananatili akong listo sa paligid dahil patuloy pa rin ang pagsasabi ng aking gut feeling na mayroong mali sa nangyayari. Chaos is two men ahead of me kaya kahit gusto ko syang pigain tungkol sa nangyari kanina ay hindi ko magawa. I also have to spare ourselves from the chitchats because it might ruin my observation of the surroundings.
Tinitignan ko si Abdul na nasa harapan naming naglalakad habang ineescortan sya ng mga sumundo sa amin. He looks at ease and comfortable. Napansin ko tuloy na tila hindi nasusunod ng mga escort nya ang tamang SOP regarding sa pag handle ng mga nahuli. May kung ano sa akin ang nagsimulang maging skeptical. Itinuon kong sumunod ang pansin sa taong nasa harapan ko. Maigi kong pinagmamasdan ang kilos at tindig nya. Magaslaw ang kanyang lakad, hindi kagaya ng mga ensayadong sundalo na halata at bakas moa ng tikas. Nakita ko ring sumungaw mula sa kanyang batok ang tattoo na tila nakasulat sa wikang arabo. Luminga linga ako at inobserbahan ang iba naming kasama. Sindaya nilang magkaroon kami ng gaps sa isa’t isa ng aking team upang hindi kami makapag-usap. Dalawang tao ang pagitan ng bawat isa sa amin. Matapos kong tignan ang mga aspekto nang masinsin at mabusisi ay doon ko na napagtanto ang lahat. This is not our original transport escort troop. Malamang ay natambangan sila at nacompromise, ginamit ang kanilang mga uniporme upang linlangin kami.
Nagsimula na akong mag-isip ng gagawin kong hakbangin. Isang maling galaw ko lang at maaaring mabulilyaso ang lahat. Hindi ko alam kung paano ko mapupuntahan ang mga kasama ko at masasabihan na lahat ito ay isang malaking patibong. Kaya pala kalmado ang punyetang Abdul na iyon ay dahil alam nyang mga kakampi nya ang sumundo sa amin.
Wala na akong pagpipilian. Kailangan ko lang maging matapang. Kung tutuusin ay kayang kaya ng squad ko ang mga taong ito kahit heavily armed sila. Kaya ginawa ko na ang kailangan kong gawain.
“Captain Sercado!” Sigaw ko na nagpatigil sa lahat sa paglalakad.
I purposely stopped on my tracks as well to prevent the move out.
“Ano yon? May problem aba, tinyente?” Tinyente. I should have noticed how he addressed me beforehand.
“Oo.” Utas ko at tumingin kay Chaos nang may laman. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nya. Malamang nabasa na nya ang nais kong iparating kaya hindi na ako nag atubiling gapangin ang aking baril ng palihim. “Ikaw!”
Mabilis kong ipinutok ang baril ko sa pekeng kapitan at doon na muling umusbong ang labanan. Napalitan nanaman ng maingay na palitan ng bala ang katahimikan ng gabi. Humahalo sa ingay ang inda at sigawan ng magkabilang panig. Nakabubulag ang liwanag na mula sa mga baril naming lahat. Hindi ko din makita kung ano ang lagay ng mga GAICS pero alam kong kaya nila ang mga sarili nila. Napatunayan na nila sa akin iyon. Patuloy ako sa pagputok ng baril sa mga kalabang tila hindi maubos ubos. Namataan ko si Abdul Makdum na itinatakas nang iba kaya naman hindi ako nag dalawang isip na sundan sila. Pinaulanan ko sila ng putok pero hindi ko sila matagumpay na matamaan.
Hindi na ako nagpaalam sa aking mga kasama at madaling tumakbo patungo sa papalayong mga kriminal. Patuloy ko silang pinauulanan ng bala at ginagantihan rin nila ako kaya halos mapalaki na nila ng tuluyan ang distansya naming dahil paudlot udlot ang pag habol ko sa kanila, gawa nang kailangan ko pang magtago sa likod ng mga puno para iiwas ang sarili ko sa balang iniaadya sa akin. Hindi ako nag patinag kahit na mas marami ang kasama ni Abdul kumpara sa akin. Oo, hindi ako GAICS pero ipapakita ko sa kanila na hindi rin dapat maliitin ang kakayahan ng mga tao. Papatunayan ko na kaya rin itong pagtagumpayan ng mga kagaya kong normal na sundalo ng NAF.
Ilang minuto na kaming patuloy na tumatakbo at hindi ko na alam kung saang ruta ang tinatahak naming pero wala akong pakialam. Matagumpay kong napapatumba ang mga kasama ni Abdul hanggang sya na lamang mag-isa ang natira. Bumagal sya sa pagtakbo at wala rin syang dalang armas dahil hanggang ngayon ay nakatali pa rin ang mga kamay nya.
“Tumigil ka na! ikaw na lang mag-isa!” sigaw ko.
Sinunod nya ako at tumigil sya sa kung saan may malaking espasyo. Pinalilibutan kami ng matatayog na puno. Hingal na hingal na ako at tagaktak ang pawis ko sa kabila nang kalamigan ng hangin ng gabi. Nakatutok ang aking baril sa ulo nya at isang maling galaw nya pa ay tutuluyan ko na sya para hindi na maging kumplikado ang misyong ito. Malakas ang pintig ng puso ko dahil sa adrenaline at layo ng tinakbo pero hindi ko iyon ininda. Kung mayroon lang sigurong labindalawang kilometro ang itinakbo namin palagay ko.
“Lieutenant Oridala.” Bigkas nya sa pangalan ko. Matigas ang aksento at halatang baluktot ang dila nya sa pagkakasabi ng mga salitang iyon. Humalakhak muli sya. “You overestimate yourself.”
“Sumuko ka na o papatikimin ko ang gubat na ito nang dugo mo.” Banta ko sa kanya. “Hindi ako nagbibiro, Abdul. I am a woman of my word. Kaya habang mabait pa ako, samantalahin mo na.”
I am ready to fire at any instance if he tries to move further.
“My dear.” Umiling iling sya habang tumatawa na para ba akong nagbibiro. Nagtiim ang bagang ko dahil pakiramdam ko ay nakababastos na sya sa pagka seryoso ko. “if you are a woman of your word… So am I.”
Magsasalita pa sana ako nang biglang may kung anong tumama sa ulo ko. Malakas ang pagkakahampas na nakaramdama agad ako nang pagkahilo. Nakarinig ako nang matining na tunog sa tenga ko at napaluhod ako sa sahig ng kagubatan. Pilit ko pang nilalabanan ang pagkahilong nararamdaman at ang sakit na gumuguhit sa aking ulo pero hindi ko na kaya. Nanlalabo na ang aking paningin at nagiging doble na ang paligid ayon sa nakikita ko. Nakita ko pa ang silhouette ni Abdul na humahalakhak bago ako makatanggap ng isa nanamang malakas na palo sa ulo na syang tuluyang umagaw sa aking ulirat.
---
sereingirl