Chapter 14 – Pressured
“I need you to take them to war and lead them.”
Nag-eecho sa utak ko ang mga salita ng DND secretary. Paulit uli iyon na parang sirang plaka at ayaw ako patahimikin. Hindi ako makapaniwala na nais nya kaming ipadala sa Maguindanao upang puksain ang bagong teroristang grupo na umusbong na may koneksyon sa international terrorist group na ISIS. I felt like I was transported back to the days where the battle in Marawi is just brewing. Bakit ba kasi gustong gusto ng mga taong maging terorista at makipag sabwatan pa talaga sa ISIS? Ano bang napapala nila sa pagtuligsa sa gobyerno? I don’t understand the rationale of such people who create war to claim that they want change. Wars only do damage. Killing people aren’t solutions. Sana matutunan ito ng lahat.
Hinatid kami ng military convoy patungong General Headquarters. Naging madali ang byahe naming paalis ng Fort Magsaysay. Ang sabi ay doon daw sa GHQ ididisseminate sa amin ang mga kakailanganin naming impormasyon tungkol sa misyon. Doon iallahad sa amin ang lahat ng mga kailangan naming malaman upang maging maayos ang takbo ng aming gagawing operasyon. May kung ano sa akin ang nakakaramdam ng pagka pressure dahil ako lang ang nag-iisang tao sa misyong ito. The rest of my team are invincible and perform outstandingly. They are built to kill platoons. Pakiramdam ko tuloy ay magiging isa lang akong dekorasyon at pabigat sa grupo considering their built-in skills.
One wrong irrational move of mine will determine the fate of the human soldiers. Sa performance ko nakasalalay kung paano ko maipagtatanggol ang prinispyo at SOP ng mga tao. Kung magkakamali ako kahit sa katiting na desisyon lamang at taktika, malamang maging grounds ito ni Catherina upang lalong i-push through ang GAICS. Makikita nya itong dahilan upang kwestyunin kung ano man ang ibabato kong verdict para sa mga human cyborgs nya. Hindi ko lang pinahiya ang buong organisyon kung papalpak ako, nilugmok ko rin sa putik ang pangalan ng tatay ko. Doble doble ang pressure na nakapatong sa balikat ko ngayon.
Nang dumating kami, lahat sa kampo ay abala upang kami ay salubungin. Mukhang informed na ang lahat at aware sa naging orders ng secretary. We were tasked to go to the conference room for the meeting. Nang dumating kami ay may mga grupo na ng matataas na opisyal na nag-aabang sa aming presensya. We rendered our salutes and asked necessary permissions before we proceeded to the seats that are vacated purposely for us.
Nagsimula ang presentation at ang unang pinalabas ay isang video na narecover mula sa isang tropang napatay ng grupo. Ito ang mga sikretong footages na hindi ipinalalabas sa media dahil sa temang hindi naaayon sa sikmura ng lahat. Itong mga video na ito ang dapat maging halimbawa sa mga taong patuloy na lumalaban sa kapayapaan. Dumagundong sa speakers ng aming conference room ang palitan ng putok ng baril mula sa video na iyon. May mga sumisigaw at naguusap gamit ang ibang lenggwahe. Matigas at puno ng galit. Pakiwari ko ay mula sila sa kabilang panig – panig ng kalaban. Tumakbo ang may hawak ng video camera. May mga sinisigaw pa syang mga salita bago sya bigla na lamang natumba. Palagay ko ay natamaan sya ng bala. Rinig ang hingal sa kanyang hinga at sakit sa bawat daing nyang utas. Patuloy na umandar ang video ngunit wala itong nakuhang footage bukod sa mga sigawan at barilang nagaganap. Patay na ang nag dodokumento ng labanan. Nagsisimula na ring mawala ang putukan at sigawan, senyales na tapos na ang sagupaan.
Makalipas ang ilang minuto ay may lumapit sa camera. Isang lalaking may nakasabit na m21 sa kanyang katawan, walang takip ang mukha at mga nasa edad 30 pataas. Bakas sa muka nito ang kawalan ng simpatya at awa. Sinipa nya ang bangkay ng nagvivideo kaya umalog nang kaunti ang camera. Napapikit ako sandal sa inis. Alam ko na ang susunod na mga mangyayari. Pagkaraang makitang wala na itong buhay ay kinuha nito ang attached camera sa kanya, at nakangiting kinuhanan ang paligid. Nagsasalita sya sa ibang dialekto at parang tinatawag ang pansin ng iba nyang mga kasama. Doon na nagsimula ang pagpapakita ng kawalang hiyaan nila at kahayupan sa bangkay ng tropa. Isa isa nilang binalikan ang mga bangkay ng mga kapatid kong nag buwis ng kanilang buhay, at pagkaraan ay binaboy ang mga ito. May ilang hinubaran at kinatuwaan ang uniporme. Ang iba ay pinutulan ng ari, ginilitan ng leeg gamit ang balisong na mapurol hanggang maputol at humiwalay sa katawan ang ulo, winakwak ang tyan at kinuha ang laman loob sabay ipinasok iyon sa sarili nilang bibig. Pagkaraan ng mga tawanan nilang pang demonyo ay natapos ang mga kuha. Malamang ay ibinalik sa bangkay ang camera at sinadya nila iyon para makita naming na isa silang banta sa seguridad ng bansa. Kung karaniwang tao ang makakapanood nito, malamang ay masusuka sila sa makikita. Babaliktad ang bituka mo. Ngunit lahat kami ay sanay na sa ganitong tanawin. Ito ang mga footages na nagpapatunay na minsan, kahit ang tao, ay may ugaling comparable sa hayop. Mas tatawagin mo pang mga tao ang mga robot na kasama ko ngayon dahil sa inasal nila. Hindi ko tuloy masisi si Catherina sa naging mindset nya sa pag gawa ng mga sundalong tatapatan ang pagiging mga hayop nila.
Umusad ang meeting at masinsin naming pinakikinggan ang bawat detalye lalo na ng terrain. Magiging disadvantage kasi namin ang hindi naming pagkapamilyar at pagkakabisado sa lugar dahil maaaring may mga sikretong pasikot sikot at kuta kung saan maaari kaming tambangan ng mga teroristang grupo na nagpakilala sa pangalang SANDUKIL – isa raw itong apelido nang lalaking nag udyok sa kanila upang labanan ang gobyerno. Ibinahagi din sa amin ang kasaysayan ng grupo at ang mga nakitang kaugnayan nila sa iba’t iba pang terror group. Nagsimulang magbahagi ng mga taktikang eepekto ayon sa kanilang obserbasyon ang mga seniors at isa isa naming iyong pinakinggan at binusisi. Masinsin kong hinimay ang bawat isa at naglagay ako ng mga points sa kwaderno ko. Mamaya ay lubusan ko pa iyong hihimayin at aaralin para makita ang mga butas at solusyon. Hanggang dito lang ang tulong na pwede nilang ibigay dahil binigyan ako ng mandato ng DND secretary na kailangan naming itest ang efficiency ng GAICS. And the best way to do that, is to have an actual battle in hand. Simulation is always a better ground to train soldiers because actual battle varies than that of trainings. Iba ang naidudulot ng matinding adrenaline rush sa tao. Sa laban ko napatunayan na para mabuhay, may mga magagawa kang hindi mo akalain na kakayanin mo noong nag eensayo ka pa lamang.
Natapos ang meeting na parang sa isang kisapmata lang lahat. Kinausap pa ako ng ilang mga seniors at binilinan na galingan. Mas lalo tuloy tumaas ang pressure na kanina ko pa nararamdaman. Sinimulan na namin ang paghahanda para sa paglisan naming mamayang madaling araw. Isinalansan ko lahat ng mag bagay na bibitbitin ko tungong Maguindanao. Nang nakaayos na ang lahat ng aming mga gagamitin para sa paglipad patungong mission point, ay nakahinga na ako ng maluwag.
Nang matapos ko na ang lahat ng dapat kong gawain ay pinili kong maupo sa isang sulok sa corridor. Walang mga tao rito kaya ditto ko pinili. Nais kong damdamin ang katahimikan bago ako muling bumalik sa maingay na mundo ng bala, galit at sigawan. Tulala akong nakatitig sa pader na para bang punong puno ng hangin ang utak ko. Kung pressured ako sa una kong mga misyon ay mas lalo pa ngayon dahil ako ang mamumuno. Noon ay may mga kasama akong tao pero ngayon ay ako lang mag-isa. Para itong suicide mission kung normal na mga tao ang makakasama ko considering our number compared to that of our enemies.
Naialis ako sa pag-iisip nang biglang may umupo sa aking tabi at ginaya ang ginagawa kong pagkatulala sa pader.
“Waiting for something to pop out of that wall?” Nakangising tanong ni Chaos.
He looked so damn neat that I wanted to put dirt on his face para man lang mabawasan ang pagka perpekto nya. Mabilis ko syang inirapan bago ibalik ang tingin sa kawalan.
“Mind your own business.” Matigas kong utas.
“Ang sungit. Kulang ka nanaman siguro sa Jollibee chickenjoy.” Pangaasar nya.
Hindi ko na sya tinugunan pa at lumipad na naman ang isip ko sa kawalan.
“Why are you so worried?” He asked me.
“Nababasa rin ba yan ng built-in sensor mo?” napakunot ang noo ko sa accurate nyang puna sa akin.
“No, but it’s written all over your face. Di na kailangan ng sensor para basahin.” Komento nyang may tipid na ngiti.
“Bakit ba ang hilig mong pakialaman ang buhay ko? Nananahimik ako dito tas guguluhin mo ako.” Masungit kong sabi sa kanya.
My statement made him broke out to laughter. Tuwang tuwa talaga sya kapag naiinis ako sa kanya. Siguro ay ginawa talaga sya ni Catherina para lalo akong bwisitin sa buhay. Baka iyon ang isa pa sa natatagong purpose ni Chaos bukod sa maging isang killing machine.
“Hindi ko naiintindihan kung bakit ka nag-aalala. Kasama mo naman kami.” Saad nya.
“All the more reason to worry.” I glared at him.
Umayos sya nang upo, tumagilid at tumingin sa akin.
“Hindi naman kita papabayaan. Ano pang kailangan mong ipag-alala?” Utas nya.
Biglang kumabog ang dibdib ko at pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa sinabi nya. Pakiramdam ko lahat ng tunog sa mundo ay nanahimik at ang puso ko lang ang naririnig ko. Lumabo ang paligid at sya lang ang nakita ko.
“Hindi mo ako kailangang isipin.” Umirap ako at inalis ang tingin sa kanya. “Kaya ko ang sarili ko.”
“Sinabi ko bang hindi mo kaya?” He asked. “I just want you to know that I will always be right behind you. Kung inaalala mo ay ang mga taktika at desisyon, wag ka nang mag-abala. Dahil kung ano ang sasabihin mo, iyon ang susundin naming lahat. Hindi ka namin kokontrahin.”
“Salamat.” Tugon ko. “Pero paano kung hindi ko kayang maging magaling na leader para sa mga kagaya nyo? Ang hirap naman maging pinuno ng squad na isang daang beses ang talino kaysa sa akin.”
“Hindi mo naman kailangan maging magaling.” Sabi nya. “Maging ikaw lang si Rilea Oridala, maging leader ka lang kung paano mo alam maging leader. Then that’s it.”
Something in me felt relieved. Upon hearing those words, I felt like I was already enough. Baka kaya ako napepressure ay dahil nagpapadala ako sa pagiisip na baka mabigo ko ang expectations ng iba sa akin. Ang hirap talagang maging anak ng tatay ko. Masyadong mataas ang naging bar na kailangan kong abutin. Pakiramdam ko kahit tumingkayad ako ay hindi ko kayang pantayan ang sakripisyo at galling nyan bilang isang leader.
“Ayos ka rin sa quotable quotes ah.” Biro ko para gumaan ang hangin.
“I’m serious, Ril.” There he goes again with that f*****g baritone voice and “Ril”. “You don’t have to be someone you are not. You are not your father, so don’t try to fit in his shoes.”
When Chaos said that, I felt the weight of the burden that I have been carrying for years evaporated into thin air. It’s crazy how just mere sentences remove years of baggage that you have on your back. Is this another function of these robots? Is this another feature that Catherina purposely installed in them? May kakayahan ba talaga silang tanggalin ang bigat ng nararamdaman mo?
Biglaang tumunog ang sirena ng kampo.
We both stood up to heed to that attention call. That is our signal. It is time to go and I’m more than ready to show those terrorists what I got.
“Let’s go and kick some ass, shall we?” Nakangiting sabi ni Chaos sa akin.
Ngumiti ako ng sinsero sa kanya. It was for the first time since a long time, that I felt this kind of stability and security. And it scares me so much, knowing that this guy is the one who brought this feeling to life.
---
sereingirl