GWEN'S POV “Kian, kunin mo ang cctv footage ng classroom nila para makita natin ang tunay na nangyari. Kenneth, can you get their belongings into their room?” utos muli ni Tita Catalina. Natigilan ako sa kanyang sinabi. Cctv footage sa loob ng classroom namin? Ibinaling ko ang aking tingin kay Professor saka muling tumingin kay Tita Catalina. Maging si Steph ay nagulat sa sinabi ni Tita. “Maayos na ba ang cctv sa classroom? I thought it was broken?” tanong ni Steph, Akala ko rin ay sira ang cctv sa loob ng classroom. “Yes. It’s broken but I have some hidden cameras in every corner of the school to supervise each of you,” sagot ni Tita Catalina. “Ma’am Cat, Is that true?” singit naman ni Dean Kenneth na mukhang hindi rin nito alam ang tungkol sa hidden cameras na nakakalat sa b

