GWEN'S POV Itinuon ko ang aking atensyon sa pagtatrabaho dahil naging sobrang gulo ng utak ko. Simula Nang Sabado kung kailan itinanong ni Professor kung mahal ko ba siya ay naging mas madalang itobg tumawag. Kung noong una ay paggising pa lang, bukod sa good morning at tumatawag na ito kaagad. Ngayon, simpleng good morning lang tapos ingat. Isang o dalawang beses na lang kung tumawag tapos halos limang minuto lang nagtatagal hindi katulad noon na nakakatulugan ko na ang pag-uusap namin. May mali na sa sagot ko? He asked me if I love him pero imbis na sagutin ay pinaghintay ko pa ito na hanggang sa makauwi ito bago ko sagutin. Nahihiya naman talaga kasi ako, hindi ba pwedeng iparamdam na lang? Sabi nga nila, action speaks louder than voice kaya gusto ko sanang iparamdam na lang.

