PROFESSOR KIAN’S POV Kahit nasa malayo ay hindi ko hinayaan na mawalan ako ng koneksyon sa aking asawa na kung pwede lang ay dapat kasama ang cellphone nito hanggang sa pagligo nito. Sa unang gabi ay naging maayos pa kahit pa medyo nakakaramdam na kaagad ako ng homesick na hindi ko naman nararamdaman dati. Hindi ko mapigilang mayamot lalo na kay Mama dahil sa pagbabawal nito na malaman ko kung saan mag- OOJT si Gwen kaya tinawagan ko ito pero imbis na sabihin ay katakot-takot na sermon ang inabot ko. “Give her more time to develop. Huwag mong nililimitahan ang asawa mo, akala mo ba hindi ko alam ang mga pinaggagawa mo sa eskwelahan? My God, Jasper. Kapag nalaman ng lahat lalong lalo na ng faculties at mga parents ng mga estudyante ay paniguradong masisira ang eskwelahan. Kaya umayo

