GWEN'S POV Habang wala si Professor Kian ay pansamantala akong umuwi kina Mama dahil wala akong kasama sa bahay. Parang noong isang araw ay ang lungkot ko dahil sa pag-alis ko rito Pero heto ako ngayon at nakabalik na muli sa amin. Maaga akong nagising upang ayusin ang aking sarili. Excited na rin kasi ako dahil ito ang unang araw ko sa aking On The Job Training. "Can I see your outfit?" tanong ni Professor Kian na siya na yata ang naging alarm clock ko Kania dahil mas nauna pa itong tumawag kaysa tumunog ang alarm clock ko. "Oh, bakit kailangan pang tingnan?" nakakunot noong tanong ko rito. White turtle neck sleeveless, tinernohan ko ng pencil cut skirt na may maliit na slit sa gilid at black heels na may 3 inches ang taas. Nagsuot din ako ng white pearl na hikaw upang maging ma

