PROFESSOR KIAN’S POV Habang sinisipat ang loob ng nakatagong kwarto ni Noah kung saan nakatago ang mga gamit na kinuha nito mula kay Gwen, maging ang mga larawan ng aking asawa na tila ba naging wallpaper ay narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. “Hello, Jasper. Something happened here, you need to come back,” sabi kaagad ng aking kakambal na si Jet pagsagot pa lang ng tawag nito. “What happened?” kunot noong tanong ko rito. “He’s here. He tried to put something on your wife by the use of a syringe. Hindi ko pa alam kung ano ang laman niya, we need some experts to examine what’s inside the syringe.” “Where is he?” Tanong ko rito. “He’s here. Hawak ng mga tao mo.” “We’re on our way. Huwag niyo siyang hahayaang makatakas,” nagmamadaling sabi ko saka agad na pinatay ang tawag.

