GWEN’S POV Dahil sa sobrang pagod ay madilim na nang ako ay magising. Hindi ko inaasahan na sa unang araw pa lang ng kanyang pagdating ay ganon kaagad ang ginawa namin, inubos niya ang aking lakas sa loob lang ng ilang oras. Wala na ito sa aking tabi kaya nang maimulat ko ang aking mata. Pumunta ako sa banyo para maligo, ramdam ko kaagad ang sakit ng aking pagitan lalo na nang dumampi ang tubig sa aking balat para mawala ang sakit ay ginamit ko ang binili ni Professor na feminine wash. Nagsuot lamang ako ng maluwag na damit at hindi na ako nagsuot ng underwear upang mabilis itong gumaling saka ako nagpasyang bumaba para pumunta ng kusina. Naabutan ko itong nakapwesto sa lamesa, abala sa kanyang laptop at mukhang nagtatrabaho sa kabila noon ay napansin ko kaagad na may mga pagkain na mu

