GWEN'S POV Patakbo akong pumunta sa aming kwarto. Inilock ko ang pinto at dumiretso sa banyo saka ko inilublob ang aking sarili sa bath tub. Napapasuntok pa ako sa hangin dahil sa sobrang kahihiyan. Isipin pa lang na nahuli kami sa ganoong akto ni professor ay para na kong matutunaw sa sobrang pagkapahiya. "My God!" naibulalas ko bago inilubog ang aking ulo sa tubig na para bang makakatulong iyon para maibsan ang nararamdaman kong labis na pagkapahiya. Hindi ko alam kung ilang minuto o segundo ang aking itinagal sa ilalim ng tubig. Iniahon ko lang ang aking ulo nang kapusin na ako ng hininga. "Why did you lock the door? I can't get in, kailangan ko pang gamitin yung duplicate key," Sabi kaagad nito na halos mapatili ako sa sobrang takot na aking naramdaman. Nakalimutan ko na wal

