Chapter 2-HanaKage

1443 Words
JASPER’S POV “Jasper, kailangan namin ng substitute teacher sa school. Wala kami kaagad makuhang part timer kaya ikaw na muna ang pumalit pansamantala,” tawag sa akin ni Mom. “Mom, busy ako sa negosyo. Wala akong oras para magturo,” reklamo ko. Last year ay ganito rin ang nangyari. Sa tuwing may mag-leleave na teacher sa school kung saan siya ang isa sa board of directors ay ako kaagad ang sinasangkalan nito. “Please,son. Last na ‘to, ganito na lang. I'll just give you everything you want in exchange for your teaching,” pakiusap pa ni Mom sa malambing na tono. Napapailing na lang ako dahil para pa rin akong isang bata kung ituring ni Mom. “Bakit hindi na lang kasi si Jeth, mas matalino naman sa akin iyon.” Tukoy ko sa aking kakambal. “Alam mo naman na may sariling mundo ang kakambal mong iyon. Gagawin niya kung ano ang gustuhin niya kaya hindi ko siya mahingian ng tulong.” “Fine. Last na ito,mom. Sa susunod hindi na ako magtuturo,” wala akong nagawa kung hindi ang pumayag dahil base sa sinabi nito ay mga graduating students pa ang tuturuan ko. Ilang buwan lang naman dahil kailangan nila mag-OJT. Inayos ko ang lahat ng aking dapat gawin sa negosyong ibinigay sa akin ni Lolo at kinabukasan ay nagpunta na kaagad ako sa Regal Heights University. It is a school where the children of the wealthy and well-known people in society usually study. Mayroon din naman inaalok na scholarship ang paaralan para sa mga kabataang gustong mag-aral dito pero iilan lang ang nakakapasa dahil sa taas ng pass rate requirement. I am Jasper Kian de Silva y Dela Cuadra. Isa sa mga anak ni Antonio Dela Cuadra at kakambal ni Jethro Keaton Dela Cuadra. Ang aking ina ay si Catalina de Silva na siyang may pinakamalaking shares sa Regal Heights at isa sa mga board of directors. Kasal sina Mom at Dad pero may dalawa pa kaming mga kapatid at pawang mga lalaki. Una ay si Kuya Xander na isang Ambassador/Diplomat at si Kuya Onyx na isang owner ng isang kilalang Construction Company. Sila ang inspirasyon ko sa buhay para magsikap. Si Kuya Xander kahit na mas mayamang pamilya ang kanyang ina ay hindi nito ginagamit iyon para makapanakit ng ibang tao at sa halip ay tumutulong pa ito. Si Kuya Onyx naman ay napakadeterminado, isa lamang sekretarya ang kanyang ina na nabuntis ni Dad. Binigyan ni Lolo Adolfo ng papaluging kompanya pero makalipas lang ng tatlong taon ay heto at namamayagpag sa larangan ng pagnenegosyo. Magkakaiba man kami ng ina ay mahal ko sila at ipinagmamalaki kong naging mga kapatid ko sila pero ang kakambal kong si Jeth? Wala akong masabi. Ginagamit ko ang apelyido ni Mom sa tuwing nagtuturo ako. Madalang lang naman ako makita ng mga tao at walang masyadong nakakakilala sa akin maliban na lang kung ang Dela Cuadra ang aking gagamitin dahil paniguradong hindi ako makakapagturo. Naging maayos ang naging unang araw ko sa pagtuturo, hindi man halata ay lahat ng estudyanteng aking tinuturuan ay inoobserbahan ko lalo na sa kanilang performance dahil possible akong maka-recruit dito. Ang ilan sa magagaling kong mga tauhan ngayon ay nagmula sa paaralan na ito, pagka-graduate nila ay in-offeran ko na kaagad sila. Ito rin ang isa pang dahilan kaya pumayag ako sa hiling ni Mom. Sanay ako na palagi akong pinagtitinginan at laman ng mga usapan ng mga estudyante at mga guro. May mga babae pa ngang gumagawa ng paraan para ako ay makausap pero hindi ko na lang sila pinapansin. Wala sa isip ko ang pumatol ng guro lalong lalo na ng estudyante. Sa bawat araw at linggong nagdaraan ay may isang taong nakaagaw ng aking atensyon sa loob ng campus. Gwyneth Altamarino.. I became curious about this girl because she always gets high scores on all her exams pero hindi ko ito nakikitang nagbabasa o nag-rereview sa loob ng klase. Madalang din itong makipaghalubilo sa ibang estudyante at parating sa pinakadulong bahagi ng classroom ito nakaupo. Sa kabila noon ay kilala siya ng ibang estudyante kahit pa sa ibang major, naging presidente rin ito ng University Student Government na mas lalo akong napabilib. Sa isip ko ay bagay sila ng aking kakambal na si Jeth pero magkaiba lang sila ng personality. Mas lalo akong na-curious dito nang maging laman ito ng usapan ng mga teachers kaya pasimple ko itong tinitingnan. Gaya ngayon, long quiz ang aking ibinigay at hindi basta-basta ang problem na aking ibinigay dahil based iyon sa naging problema ng aking kompanya. “Ms. Altamarino, are you done?” takang tanong ko rito pero hindi ito sumagot at sa halip ay nakatitig lang sa harap, hindi ko alam kung ako ang kanyang tinitingnan o ang pisara. Para itong wala sa sarili dahil minsan ay napapangiti ito. “Ms. Altamarino,” muli kong tawag pero hindi niya pa rin ako narinig. “Pres., tawag ka ni Prof..” Siko ng katabi nito. Napaayos ito ng upo at tumingin sa akin. “Ano nga po ulit iyon, Prof.?” tanong nito. “I'm asking you if you're done? But it seems like your mind is not in the class,” puna ko rito. “Sorry po, Prof.. May binabasa kasi akong novel,” sagot nito. “Give me your paper,” sabi ko na lang. Tumayo ito at inabot sa akin ang kanyang papel. “Naku, Sir. Ganyan po talaga si Pres., palagi iyang lutang kaya minsan ang hirap kausap. Ganoon yata ang problema kapag sobrang talino minsan nawawala na sa katinuan,” sabat ng isang estudyante na nasa aking harapan. “At least ako kahit na madalas na lutang ay may laman ang utak hindi kagaya ng iba riyan na utak-biya kaya palaging bagsak. Mas madalas na gumagamit ng make-up kaysa magbuklat ng libro. Baka hindi mo rin alam kung ano ibig sabihin ng biya? I-google mo na lang,” matapang na sabi nito saka ibinigay sa akin ang kanyang papel. “Burn!” “Steph, ilag!” “Sapul na sapol!” rinig kong sabi ng mga kalalakihan at nagtawanan. Napasimangot ang estudyanteng nasa aking harapan at inirapan si Ms. Altamarino. “Quiet class, you only have ten minutes to finish it.” Muli kong tinapunan ng tingin si Ms. Altamarino, ngayon ay nakatungo na ito at tumitipa na naman sa kanyang tablet. What's on her tablet? Is she taking down notes? Bukod sa madalas na pagtitig sa akin ay madalas ko rin itong makitang hawak ang kanyang tablet. Hindi naman talaga ako madalas na nangingialam sa ginagawa ng ibang tao. I'm just really curious, and I admit that I'm somewhat attracted to her. She has a strong appeal even though she doesn't look like other students who wear heavy makeup. Simpleng ganda lang kumbaga. Sa bawat araw na nagdaraan ay mas lalong tumataas ang aking kuryusidad sa kung ano ang ginagawa ni Ms. Altamarino. “Good afternoon po, Professor Kian. Nandito pa po ba si Gwen?” tanong ng isang lalaking estudyante. Isang hapon, kakaunti na lang ang mga estudyante dahil uwian na at ako ay papauwi na rin. “Sa tingin ko nakauwi na siya. There are no more people in their classroom,” sagot ko. “Ganoon po ba? Pwede niyo po ba itong ibigay kay Pres. este kay Gwyneth Altamarino? Nakalimutan ko po kasing ibigay sa kanya kanina,naiwan niya kanina sa USG quarters akala ko nandito pa siya kaya nagmadali akong bumalik. Pakibigay na lang po, Prof. wala po kasi kaming klase bukas,” sabi pa nito habang inaabot sa akin ang tablet ni Ms. Altamarino saka ito nagpaalam. Nakatitig lang ako rito pero may nag-uudyok sa akin na buksan iyon kaya sinubukan ko iyon buksan. Nang hindi ito ma-open ay nagpasya na akong umuwi at i-charge iyon, plano kong ibalik na lang ito bukas ngunit habang nag-checheck ng mga papel ay hindi mawala sa aking isip ang laman ng kanyang tablet kaya itinabi ko ang lahat ng aking ginagawa at binuksan ang tablet nito. Wala naman lock iyon kaya malaya kong nabuksan. Binuksan ko ang mga files nito at wala naman akong nakitang kakaiba dahil mga notes lamang iyon sa mga subjects at lessons nito pero may isang folder ang nakaagaw ng aking atensyon. Nakasulat ito sa salitang hapon na may character na *の** (Ang Aking Likha) kaya binuksan ko iyon. Ilang folder pa ang nakalagay sa loob nito at ang bawat isa ay may character din ng hapon. Hindi ko mapigilang mapangiti nang mabasa ang nilalaman ng isang file. Isang kwento na may pamagat na: My Obsessed Professor by HanaKage (Hidden flower).
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD