GWEN’S POV
Hindi ako magkandaugaga sa paghahanap ng aking tablet pagdating ko sa bahay. Lahat naman ng files ko ay naka-save sa g- drive ko kaya hindi ako nag-aalalang may mawala o mabura sa mga iyon. Natatakot lang ako na baka my makabasa ng mga isinulat ko dahil doon ko isinusulat ang lahat ng mga kwento ko. Hindi lang kasi iyin basta kwento dahil ang mga iyon ay may pang-erotikang tema.
"Nasaan ka na ba kasi?" naiiyak na sabi ko habang kinakalkal ang aking bag. Chinat ko na rin ang aking mga kaklase tungkol doon at wala raw silang nahanap o nakita man lang. Abot-abot ang aking dasal na sana ay walang magbukas ng aking tablet.
Buong gabi akong hindi nakatulog kakaisip kung nasaan ang tablet ko.
Bakit kasi hindi ko nilagyan ng password?
"Nakita mo na tablet mo, Gwen?" tanong sa akin ng aking kaklase pagpasok ng classroom.
"Hindi pa," malungkot kong sabi. Maging sa klase ay hindi ako makapag-focus kakaisip sa aking tablet. Hanggang sa sumapit ang oras ni Prof. De Silva. Pagpasok palang nito ay nakangiti na ito na naging dahilan para umingay ang klase.
"Naks, first time ngumiti ni Sir. Walang recitation,Sir?" sabi ng isa kong kaklase. Tinapunan niya lang ng tingin ang buong klase at mas lalong lumapad ang ngiti nito nang matuon ang titig nito sa akin.
"Nope. You can do whatever you want for today but please remain on your seats. You're all exempted on our quiz for today," sabi nito. Nagsigawan ang mga kaklase ko dahil ito ang pinaka-terror naming teacher. Muli itong tumingin sa akin bago naupo sa harapang silya at kinuha ang kanyang cellphone. Wala itong ibang ginawa buong klase niya kung hindi tumutok sa kanyang cellphone habang nakangiti.
"Sa akin ba nakatingin si Sir?" bulong ng nasa unahan ko.
"Hindi sa'yo nakatingin, baks. Kay Pres.." Napatingin ang mga ito sa akin na aking ipinagtaka.
"Bakit?" tanong ko.
"Kanina pa tingin ng tingin sa iyo si Sir. Anong mayroon sa inyo?" nanunuksong bulong ng isa kong kaklase.
"Wala ,noh, baka may ipapagawa. Lagot kayo baka long quiz malala iyan, tingnan niyo naman ang ngiti mukhang may ibang plano." Pananakot ko sa kanila saka ibinalik ang aking tingin sa librong aking binabasa. Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagbabasa, hindi rin naman ako makakapagsulat dahil sa stress sa paghahanap ng tablet ko. Nang marinig ang pagtunog ng bell ay inayos ko na kaagad ang aking mga gamit. Balak kong magpunta ulit sa guard house at sa mga headquarters by colleges umaasang may nakakita ng tablet ko at dinala sa mga iyon.
Sana lowbat na at hindi nila pinakialaman ang files ko.
Bulong ko sa aking sarili. Nasa pasilyo na ako nang tawagin ako ng isang estudyante mula sa ikalawang taon.
"Pres., pumunta ka raw sa office ni Sir De Silva bago ka umuwi," sabi nito.
Bago umuwi? Eh, uwian na kaya..
Tsk, ito na nga ang sinasabi ko eh. Pangiti-ngiti kanina tapos may planong ipagawa sa amin. Nagpunta na muna ako sa mga headquarters ng mga association sa bawat colleges kahit sa faculty rooms, school journal quarter ay pinuntahan ko pero bigo akong makita ang aking hinahanap. Kakaunti na lang ang tao sa school ground, sarado na rin ang mga classrooms at balak ko ng umuwi nang makita ang sasakyan ni Sir De Silva na naka-park malapit sa guard house.
"Sh*t, pinapatawag nga pala ako." Patakbo akong bumalik sa College of Business Building. Hingal na hingal ako nang makarating sa pinto ng faculty room.
"Sa faculty room ba 'yun? Ah, mali. Sa dean's office pala ang ginagamit niyang opisina. Lakas naman, may special treatment," bulong ko habang naglalakad paakyat sa second floor kung saan naroroon ang Dean's Office. Tatlong malalakas na katok ang aking ginawa bago pumasok.
"Pinapatawag niyo raw po ako, Prof," tanong ko nang makapasok.
"Close the door," utos nito sa akin habang nakatitig pa rin sa cellphone nito. Wala sa sariling sinunod ko ang utos nito.
"Kanina pa ang end of class niyo, hindi ba Ms. Altamarino? I've been waiting for almost an hour," sabi nito. Ibinaba nito ang hawak nitong cellphone at prenteng sumandal sa upuan at dumikwatro.
"Sorry po, Prof. Nawawala po kasi 'yung gamit ko kaya hinanap ko sa ibang college baka po kasi may nakakita at ibinigay sa kanila," hingi ko ng paumanhin.
"Ito ba ang hinahanap mo?" anito. Inilabas nito mula sa drawer ang aking tablet.
"Yes po, Prof. .Akin po iyan." Akmang kukunin no iyon nang bigla niyang ilayo.
"Not so fast, Ms. Altamarino." He smirked. Napalunok ako sa kanyang sinabi. Kinakabahan dahil sa posibleng nangyari.
"You know, I was curious about what makes you busy. Everytime I saw you, lagi kang nakayuko and doing something on this," anito at ipinakita ang aking tablet.
"Hindi naman ako mahilig mangialam sa buhay ng ibang tao but you're quite intriguing especially when you look at me during our class," makahulugang sabi nito.
"Malamang Sir na titingin ako sa inyo kasi nagtuturo kayo." Napalunok ako at pilit na pinapakalma ang sarili.
"Really?" Tumayo ito at nagpunta sa pinto saka ini-lock ang pinto.
"You're just listening or you're imagining something, Ms. Altamarino?" Naglakad ito patungo sa akin na may makahulugang ngiti sa kanyang mga labi.
"P-Prof., promise n-nakikinig lang ako. Haha, kukunin ko na po iyong tablet ko. Gabi na po, baka wala na ako masakyan," kinakabahan na sagot ko habang marahang napapaatras hanggang sa maramdaman ko ang lamesa sa aking pang-upo. Kinapa ko sa ibabaw ng lamesa ang aking tablet habang nakatingin kay Prof.
"Have you kissed someone before, Ms. Altamarino? How about having s3x?" makahulugang tanong nito.
Dang it! Nabasa niya!
Nanlalaki ang mga mata at parang gusto kong lamunin ng lupa nang mga oras na iyon.
"Pinakialaman niyo ang files ko? Labag iyan sa batas; Republic Act No. 10173, Data Privacy Act of 2012. Alam niyo dapat iyan dahil guro kayo," pilit na pinatatapang ang boses. Nakalapit na ito sa akin at halos hindi ako makahinga ng hawakan niya ako sa baywang at ipaupo sa lamesa. Mabilis ang t***k ng aking puso at hindi alam ang mga susunod na mangyayari.
"It's only natural to open the gadget to find whose the owner but I didn't expect to find more interesting, and it's all about me." Nanindig ang aking balahibo sa kanyang pagbulong sa aking tenga na halos tumatama ang kanyang labi sa puno ng aking tainga.