Chapter 4

1077 Words
GWEN’S POV "It's only natural to open the gadget to find the owner but I didn't expect to find something more interesting, and it's all about me," anito. Nanindig ang aking balahibo sa kanyang pagbulong sa aking tenga na halos tumatama ang kanyang labi sa puno ng aking tainga. Nanunuot sa aking ilong ang mamahaling pabango nito na sadyang nakakahumaling at bagay na bagay sa kanyang katauhan. Paano na? Gwen? Ano nang gagawin mo? Hindi ako makapag-isip ng aking sasabihin dahil sa lapit ng kanyang mukha. “Ano, Ms. Altamarino? Why can't you speak anymore? Alam kong matalino kang estudyante kaya maiintindihan mo kung sakaling may magbukas ng files mo,” makahulugang sabi nito at lalo pa nitong inilapit ang kanyang mukha sa akin. “S-Sir, sandali lang.” Sinubukan ko itong itulak ngunit tila nawalan ng lakas ang aking kamay nang makapa ang matigas nitong dibdib. “I had no intention of getting involved with a student, but now I've changed my mind, “ bulong nito habang may nakapaskil na pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Titig na titig ito sa aking mga mata na naging dahilan upang manginig ang aking mga kamay sa labis na kaba. Mabilis din ang t***k ng aking puso dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. “S-Sir, sandali nga lang. Hindi naman ikaw iyong nasa kwento at saka hindi ako iyon. Kwento iyon ng binabasa kong otor,” pagsisinungaling ko habang nakahawak pa rin sa kanyang dibdib. Iyon ang nagsisilbing pagitan sa aming dalawa dahil baka marinig nito ang lakas ng t***k ng aking puso kung sakaling mas lalo pa kaming magdikit. Paano niya ba kasi nabasa iyon? Nakatago na nga at ginamitan ko na nga ng japanese characters,eh. Bukod pa roon ay nakalagay iyon sa maraming folders. “Really? Hindi ikaw iyon pero bakit parang ako ang bida sa kwento?” nakataas ang kilay na sabi nito. “B-Baka nagkataon lang. Hindi lang naman ikaw ang gwapong guro sa mundo,eh,” sabi ko. Nahihirapan na ako huminga, bakit pa kasi kailangan ganito pa kalapit kung mag-uusap lang din naman? “You can’t fool me, Ms. Altamarino,” he smirked. Nakahinga naman ako ng maluwag nang umalis ito sa aking harapan at nagpunta sa pinto. “Whether you tell the truth or not, I no longer care. Get your tablet and be careful next time,” anito habang nakapamulsa. Nanginginig at nanlalamig ang aking mga kamay na inabot ko ang aking tablet na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Hindi ko magawang tumingin sa kanyang mga mata dahil sa labis na hiya. “Thank you po,Sir,” nakayukong sabi ko. Hawak ko na ang seradura ng pinto nang muli itong magsalita. “I didn't expect you to be into erotic stories, Ms. President.” Napahigpit ang kapit ko sa seradura at namumula ang aking mukha. Bago pa man ako makasagot ay hinila niya ako, itinulak sa likod ng pinto saka ako siniil ng halik. Napakabilis ng mga pangyayari at hindi makapaniwala sa mga nangyayari lalo na ang paghalik nito sa akin. Hindi ako kaagad nakagalaw at nabitawan ko ang aking tablet dahil sa labis na pagkabigla habang nakabukas ang matang nakatitig kay Professor Kian na nakapikit habang patuloy sa paghalik sa akin. It’s my first kiss at syempre hindi ako marunong humalik dahil bago lang sa akin iyon pero may pwersa sa akin na gustong gayahin ang paggalaw ng kanyang mga labi. Naipikit ko ang aking mga mata at nawalan ako ng lakas para ito ay pigilan sa kanyang ginagawa dahil sa hindi maipaliwanag na tamis ng kanyang paghalik. “It seems like I still need to teach you how to kiss,” anito nang magkalas ang aming mga labi. Habol ko ang aking paghinga habang titig na titig dito. “My Obsessed Professor? I like that. Let's copy everything that is written there including the intimate scenes, Gwen.” Dinampian niya pa ako ng halik sa aking labi bago ito nagtungo sa kanyang upuan at itinaas ang kanyang mga paa sa lamesa. Mabilis kong pinulot ang aking tablet saka binuksan ang pinto at nang makalabas ay tuluyan akong napaupo sa sahig. Kanina pa nanlalambot ang aking tuhod dahil sa halik na iyon pero mas lalo pa akong tinakasan ng lakas nang mabanggit nito ang tungkol sa mga nakasulat sa aking libro. Patay ka na, Gwen! Pagdating ko sa bahay ay binasa kong muli ang aking libro upang hanapin ang mga scenes na sinasabi nito pero napatulala ako at namutla nang makita ang mga scenes na sinasabi nito. “No!!! That won’t happen! Hindi pwedeng mangyari iyon. It’s a fiction novel, hindi niya ba alam ang ibig sabihin ng fiction? Alam niya naman na hindi ako marunong humalik,eh. Siguro naman ay hindi niya iisipin na ako ang nagsulat noon. Bumalik sa aking isipan ang kanyang sinabi habang nakahawak sa aking labi. Whether you tell the truth or not, I no longer care. I didn't expect you to be into erotic stories, Ms. President. It seems like I still need to teach you how to kiss, My Obsessed Professor? I like that. Let's copy everything that is written there including the intimate scenes, Gwen. Wala pa rin akong takas. Kahit na sabihin kong hindi ako ang nagsulat ng mga kwentong iyon pero nakita niya sa files ko ang mga erotic books na gawa ko. Ibig sabihin niya mahilig ako sa genggeng kemerut at may pagka ‘L’ ako? “Nakakainis ka Prof. Kian! Pinapagulo mo ang isip ko! Isang taon na lang sana, bakit kasi ikaw pa ang nakakuha. Nakakainis!!!” Pabagsak kong inihiga ang aking katawan sa kama at nagpagulong-gulong sunod ay parang sira ulong sinusuntok ko ang aking unan. Isang taon na lang sana ay tahimik akong makaka-graduate na walang nakakaalam sa aking lihim. Pero paano kung ibang tao ang nakakuha noon lalo na si Stephany? Paniguradong mas malala ang nangyari, baka ngayon ay pinagpipiyestahan na ako na buong campus. Naka-post na rin ako sa University Group at paniguradong nakarating na rin iyon kina Papa. Maraming mawawala sa akin.. Ang pagiging dean’s lister.. Ang pagkakaroon ko ng latin honor.. Ang karangalan na matagal ko ng iningatan.. At posible pa akong ikahiya ng aking pamilya.. Siguro naman ay pwede ko na lang sakyan ang trip ni Prof. Kian para lang maitago ang lihim ko. Mas kakayanin ko pa iyon kay sa sa kahihiyan na nakaambang dumating sa akin kung sakaling makarating sa kaalaman ng publiko ang tungkol sa pagiging erotic writer ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD