GWEN’S POV Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa labas dahil agad kong pinatay ang tv na kumukuha ng mga pangyayari sa bulwagan. Kagat ang aking kuko sa hintuturo ay kinakabahang nagpapabalik-balik ako sa bawat sulok ng kwarto. “Bakit siya nandito?” bulong ko sa aking sarili. Sinubukan kong sumilip pero nakita ko lamang na pinaparangalan ang mga estudyanteng napili para sa mga special awards na binanggit ng Host kanina. Sa aking pagsilip ay nagtama ang aming mata ni Professor Kian na nang mga oras na iyon ay nakatingin pala sa pribadong kwarto kung saan ako naroroon. Agad akong nagbawi ng tingin at mabilis na sinarado ang pinto sa takot na baka may makakita sa amin. Hindi na naman ako mapakaling napaupo sa malambot na couch na naroon. Ilang minuto lang ang lumipas ay muling bumu

