Bago magpaalam si Karina sa kanyang ina ay ibinigay niya ang lokasyon ng kanyang pupuntahan. Sakaling may mangyari mang masama sa kanya ay alam nito kung saan siya hahanapin. Ganoon ang laging bilin sa kanya ng kanyang ina, sa bawat pag-alis niya ay laging nakasulat ang lokasyon. Napakabait at napakamaalaga ng kanyang ina. Bukod sa isang simpleng maybahay ang kanyang ina, tumutulong din ito sa pagpapalago ng kanilang negosyo ng kanyang ama. Simple lang ang pamumuhay na mayroon sila Karina. Mayroon silang mga palayan, taniman ng gulay at palaisdaan na pinagtutulungan ng kanyang ama at ina. Nang nasa biyahe na ang dalaga ay napatigil siya nang mapansin ang isang matandang pulubi. Dahil sa likas na maawain ay naisipan niyang bigyan muna ito ng makakain. Ngunit sa paglapit niya ay bigla na

