Panay ang kulitan ng dalawang magkaibigan habang pababa ng hagdanan habang si Noah naman ay pasulyap-sulyap lamang sa dalawa at paminsan-minsan ay nakikitawa sa dalawang makaibiga . "Ano ba 'yang suot mo? parang daig mo pa yung lolo ko sa pormahan ah," pambubuksa ni Remualdo kay Abby habang pababa sila ng hagdanan kasama si Noah. "Hoy, gagi! mahal 'to noh!!! Kesa naman d'yan sa suot-suot mo para kang lumpia na binalot ng mahigpit, kulang na lang sa'yo ay sarsa!" pangbabalik asar ni Abby sa kaibigan. Pailing-iling naman ang binatang si Noah habang papalit-palit ang tingin sa dalawang kasama pababa ng hagdanan. "Jusko day, kaya wala kang jowawis. Sasamahan kita mamili sa susunod para naman hindi kana mag mukhang kasapi ng aking mga ninuno mo," may pailing-iling pang wika ni Remualdo. "N

