Harvey's Pov: Nasa gitna ako ng board meeting nang masilip sa aking cellphone na tumatawag ang aking imbestigador. Sumenyas ako sa aking sekretarya na pahintuin muna ang meeting. Mas importante ang tawag na iyon dahil nakasalalay doon ang buhay ng taong mahal ko. "I have to answer this call," maotoridad kong sambit at sinimulang tumayo at nagtungo agad ako sa aking opisina upang walang ibang makarinig sa akin. "Napatawag ka? May balita na ba sa pinaiimbestigahan ko sa'yo?" agad kong tanong sa kan'ya nang masagot ang aking selpon. "Dra. Althea Briones, trenta'y singko ang edad. Tubong Iligan. Nag-aral sa isang sikat na university sa Iligan. Dalawang taon siyang nagtrabaho sa Iligan bago napunta dito sa Manila. At ilang beses na rin nakatanggap ng parangal sa unang ospital na pinagtraba

