Karina's Pov: Pasado alas dose na nang mapagpasyahan naming umuwi. Paglabas namin ay malakas na ang ulan sa labas. Ngayon ko lang napagtanto na liblib at medyo malayo sa bayan ang pinahdausan ng reunion namin. Halos hindi ko kasi napansin ang daan dahil kausap ko si Noah. "Naliligaw ata tayo, lowbat na pati ako," sambit ni Noah. "Huh? Pa'no 'yan? lowbat na rin ako." Sakto naman na may nadaanan kami na malaking bahay na ginawang hotel. Tumigil muna kami at nagpasyang bumaba. Sobrang lumalakas na rin ang ulan at bumabaha na din, sa tingin namin ay hindi kakayanin ng aming sasakyan kung susuungin pa namin ang baha. Pinayungan ako ni Noah nang makababa ako sa sasakyan. Nang makita namin ang bahay ay tila tinayuan ako ng balahibo sa hitsura nito. Luma na at tila panahon pa ito ng kastila

