Karina's Pov: Pawisan ako nang bumaba sa stage na agad namang sinalubong ni Noah at dahan-dahang pinunasan niya ang aking pawisang sentido. Ang lakas pa rin ng t***k ng aking puso sa tuwing siya ay tititig sa aking mga mata. Hindi ko maiwasang humanga sa ka-sweetan niya kahit mag-asawa na kami. "Grabe! ang galing ko pa lang sumayaw noon. Hindi ko inakala na ganoon pala ako kagaling dati. Sobra akong natuwa sa mga napanuod ko," tuwang-tuwa kong sambit kay Noah. Inabutan niya ako ng baso ng tubig at pinainom. Nang makainom ay siya naman ang pinainom ko. Maya-maya lang ay si Noah naman ang tinawag at pinaakyat sa stage. Naupo ako sa upuan habang nakatingin sa kan'ya na paakyat ng stage. Hmm... kaya pala dala niya ang gitara niya sa sasakyan kasi tutugtug pala siya. Kumaway pa siya sa ak

