bc

Tambay Pogi: Arc (Marcus De Jesus)

book_age16+
1.6K
FOLLOW
19.9K
READ
love-triangle
badgirl
dare to love and hate
comedy
twisted
bxg
humorous
small town
like
intro-logo
Blurb

Full time: Barangay Tanod

Part time: Loyal-Hottie sa Kanto

Marcus "Arc" de Jesus.

Isang 'macho ganadong tanod' ng Calle Adonis sa bayan ng San Lorenzo. Likas na biniyayaan ang barangay na pinagrorondahan nito ng hunky at yummy na mga TAMBAY POGI. At isa na mismo si Arc sa mga ito na masugid na tagapangalaga ng katahimikan at kapayapaan ng barangay.

Sa batuta niyang matigas at mahaba na gamit sa pagroronda, siguradong aaray ka, kapag nanlaban ka.

Sa kakisigang taglay, mga kababaihan at sangkabaklaan ay bumibigay sa kanya.

Nanghuhuli ng taong kasin' tigas ng bato ang ulo, saka ikukulong at uuwing disiplinado.

Sino ang bibihag sa mapagronda niyang puso?

Tambay Pogi: Arc

Nanaisin mo na lang maging tarantado,

Makulong lang sa kanyang puso.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Totoo nga pala na sa bawat kilos natin ay may kaakibat na karma. Dati rati, ako ng nang iiwan, ngayon, ako naman ang iniwan ng babaeng una kong binalingan ng atensyon at pagmamahal ko. Natatakot ako. Natatakot na baka hindi na muling makaahon pa mula sa pagkakalunod sa pag ibig na ginawang laruan ng iba, na siyang ginawang laruan ko rin noong una. Marahil ay karma ko na siya. Ang natatanging babaeng nagparamdam na mahal na mahal ako noong una, ngunit sa huli naman pala'y itatarak sa aking dibdib na napaka walang kwenta ko pala para sa kanya. Umalis siya. Hinayaan ko na. Bahala na... Tama na... Kung ayaw sa akin, wala na akong magagawa. Ubos na ubos na ako sa kaiisip kung ano nga bang mali sa pagkatao ko... Kulang pa ba ako? O sadyang wala sa akin ang pinapangarap ng babaeng minahal ko nang todo todo. May mga pagkakataong gusto nang makalimot ng isip ko, ngunit nagsusumigaw ang puso ko ng, "ayaw ko!"... Dahil kahit anong gawin ko, malabong mabura siya sa sistema ko. Tila ba isa siyang bisyo na hirap na hirap kong kalimutan at iwasan dahil ito na ang aking nakasanayan. Dala dala pa nito ang susi ng malungkot at nagungulila kong puso mula sa init ng pagmamahal na minsan niyang pinaramdam. Si Kupido na ang bahala. Kung may darating man, edi, salamat. Ngunit, ang puso ko ay mananatili parin sa babaeng pinaglaruan ito. Tanga na kung tanga, marupok na kung marupok, mahal ko eh. Patuloy parin akong aasa, kahit na isa lamang ako sa pinagpipilian niya. Sa ngayon, ipagpapatuloy ko na muna ang pagroronda, baka sakaling may mahuli ako at makahuli muli sa puso kong uhaw na uhaw sa init ng pagmamahal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.2K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.6K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
498.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook