Pagkamutal ng aking mga mata, puting kisame ang sumalubong sa akin. Ipinalibot ko pa ang aking tingin sa buong paligid hanggang sa mamalayan kong nasa clinic ako ng mental hospital na ito. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kaya dali-dali akong tumayo ngunit naramdaman ko na lang ang pagkirot ng aking ulo kaya napahiga akong bigla. Humawak ako roon at napakunot ang aking noo nang may mahawakan akong bendang nakapalibot sa akin. Kinuha ko ang salamin na nasa gilid ng lamesa at doon ay tiningnan ko ang aking sarili. Agad ko iyong binitiwan nang makita ko ang aking mukha. Hindi ko maiwasang isipin na kamukhang-kamukha ko ngang talaga siya. Bakit ba naman kasi kailangan kong magkaroon ng ganitong mukha? Bakit ba naman kasi, sa lahat ng tao'y ako pa ang napiling magkaroon ng ganitong itsura

