chapter 2: coming back

1719 Words
Tamad kong ibinangon ang ulo ko marinig ko ang pag alarm ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa ilalim ng unan ko at pinatay. Pinilit kung bumangon kahit hinihila pa ako ng antok, alas dos na ako nakatulog kagabi dahil tinapos ko pa ang survey questions para sa research paper ko. Dalawang taon na rin ng umalis ako ng Tarlac para mag aral dito sa Maynila. Tumayo ako sa pagkakahiga at nagsaing na ng pang almusal at babaunin ko sa school ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko kaya lumapit ako sa study table ko. "Bhieeeeeee," bungad sa akin ng kabilang linya. Kumunot ang noo ko. Kahit sa cellphone ang lakas ng boses. "Bakit?" tanong ko kay Apple, ang kaklase ko na naging matalik ko ring kaibigan. "Ria baka mag half day ka ahhh!" akusa niya sa akin. February 14 kasi ngayon at may program sa school. Madalas kasi ay di na ako pumapasok o di kaya'y nag hahalf day lang ako. Wala namang klase kaya mas gusto ko na lang magpahinga at maglinis sa boarding house ko. "Wag kang pahalata na boring ang lovelife mo," saad nito na nagpairap sa akin. Talaga lang ha? Porket may boyfriend siya! "Papasok ako, may kailangan akong gawin sa Library," sabi ko sa kanya, habang naglalagay ng kanin sa Tupperware na babaonin ko sa school. "Aral na naman, kaya wala kang dyowa ehhh," mapait nitong sumbat sa akin. Bat parang kasalanan ko pa ang pagiging single. "Siguraduhin mo lang na papasok ka, kung hindi sasabihin ko kay Papa P na crush mo siya," banta niya sa akin na ikinalaki ng mata ko. "Ho------," Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binabaan niya na ako. Alam na talaga niya kung paano ako iblackmail. Binilisan ko na ang pagkain ko para makaligo na. Kailangan ko pang makipag video call kay Nanay bago ako pumasok. "Hello nay, kamusta po kayo diyan?" Tanong ko. Ipinapasok ko na sa bag ang mga gamit ko. Kailangan kung mag research mamaya sa library, mas malakas Kasi ang signal doon kesa dito sa boarding house. " Ayos naman kami dito anak," sagot niya. Tuwing Umaga ako tumatawag sa kanila, itinataon ko kung kailan nasa bahay pa sila Nanay. Nanghihiram lang Kasi sila sa kapatid kung si Andrea na nagtratrabaho na night shift ang schedule. Tumigil na ito sa pag aaral at mas gustong kumita ng pera. "Ang Tatay mo pasaway kahit nirarayuma na ayaw paawat sa pagtratrabaho," sumbong ni Nanay sa akin. "Sayang ang kikitain ko sa Isang araw," pagtatanggol ni Tatay sa sarili na nasa gilid pala ni Nanay. "Ayyy Carding kulang yang sinasahod mo sa Isang araw pag ika'y nagkasakit!" naiiritang turan niya kay Tatay. "Oo nga Tay, Pahinga kaya muna kayo," sabat ko sa pagtatalo nilang dalawa. "Magpapadala na lang ho ako sa inyo, may sobra naman po sa stipend ko," dadag ko. "Wag na anak, gamitin mo lang yan sa pangangailangan mo jan. Kaya na namin ang sarili namin dito," pangongontra ni Tatay sa sinabi ko. "Ayos lang ho Tay, matatanggap ko naman po ang stipend ko sa makalawa," pangungumbinse ko sa kanya kahit na ang totoo ay sa susunod na linggo ko pa ito matatanggap. Sa huli ay nakumbinse ko rin siya kaya nagpaalam na rin ako para makapasok na. Hindi naging madali ang pag aadjust ko rito sa Maynila. Maliban sa Wala sila Nanay dito, hindi rin ako palakaibigan kaya laking pasasalamat ko at nakilala ko si Apple. Natulungan niya ako sa pag aadjust at pasikot sikot dito sa Maynila. Pagkadating ko sa school ay dumiretso ako kaagad sa kiosk. Ang paboritong kung lugar sa malawak na lupain ng Anderson University. Maliban kasi sa maraming punong nakapigid dito, natatanaw ko mula dito ang classroom ni Paolo. Ang lalaking gustong gusto kung makita, sa bawat pagsikat at paglubog ng araw. Tipid akong ngumiti, totoo nga ang sinabi ni Isay, hindi mo alam kung kailan ka matatamaan ng pana ni kupido. Pinana niya na ako but the sad part is, ako lang ang tinamaan because the person I love the most, ay masyadong mataas para maabot ko. Rinig ko mula dito ang malakas na tugtug mula sa stadium, kung saan ginagawa ang program. Hindi na ako pumunta doon dahil kailangan ko pang irecheck ang mga ginawa ko kagabi bago ako pumunta sa Library. Nag angat ako ng tingin sa building na nasa harapan ko. Ito kasi ang building na madalas gamitin ng mga graduating students. Walang tao rito. Baka nasa stadium siguro sila. Boring nga siguro ang buhay ko gaya ng sabi ni Apple. Mas gusto ko kasing may klase kesa sa may program samantalang ang iba ito ang hinihintay. I just feel excluded while looking at them enjoying, samantalang ako nasa isang tabi, hindi alam kung paano makikihalubilo sa kanila. Tahimik akong nag proprof head ng mga gawa ko ng mapansin kung may umupo sa kabilang kiosk. Nagtaas ako ng tingin at nakita ko si Selena, classmate ko sa ilang minor subjects ko. Ngumiti ako sa kanya pero nagbaba lang ito ng tingin sa dala niyang libro. Ngumiwi ako ng mabasa ang librong Dala niya. Algebra and trigonometry. Napaka tahimik nito. Kahit kailan ay di ko pa siya nakitang makipaghalubilo sa mga classmates namin. Madalas itong mag-isa, sa isang tabi. "Ria andito ka lang pala," tawag sa akin ni Apple nang makita niya ako. Tumingin ito kay Selena pero binalik rin agad ang tingin sa akin. Kasama si Arnel, ang nobyo niya. "Kanina pa Kita hinanahap," saad nito at umupo sa harap ko. "Bat naka white ka?" tanong niya sa akin. "Alangan naman mag red ako, wala naman akong lovelife," turan ko sa kaniya habang patuloy sa pagbabasa. "Kaya walang nanliligaw Sayo, palaging Kasing white ang suot mo tuwing valentine's day," tukoy niya sa kulay ng damit ko. "Dapat yellow para single at ready to mingle," Sabi niya Sasagot na sana ako sa kanya pero pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang mga papalapit na ssg officer sa pwesto namin na ikinalaki ang mga mata ko. Shit. Tatayo na sana ako para tumakbo ng mahablot ng babaeng officer ang kamay ko at kinabitan ng posas. Tumingin ako sa kabilang kiosk at nakitang ganun rin Ang ginawa kay Selena. Nakangisi naman sa akin si Apple ng nilingon ko siya, tuwang tuwa na nahuli ako. Sinamaan ko siya ng tingin, nagbabanta. "Papiyansahan sana kita kaso---," Hindi na niya natapos ang sasabihin ng magsalita ang lalaking officer "Miss Alexandria Nicole Miranda, you are now under arrest, makakaalis ka lamang sa booth bar kung merong magpapiyansa sa iyo at kung sakaling wala, Ikaw ay mananatili roon haggang sa matapos ang program," saad nito habang nakatingin sa id ko. Ganun rin ang sinabi ng babaeng officer Kay Selena at sabay na nila kaming dinala stadium. "Ria wag kang mag alala bibisitahin ka namin!" sigaw pa ni Apple ng medyo nakalayo na kami. Dinala nila kami sa ginawang selda at ipinasok kami doon. Tumingin ako Kay Selena at nakitang namumutla siya. Dinala ng babaeng officer ang mga gamit namin at ipinasok rin sa selda bago tinanggal ang posas sa mga kamay namin. Ito ang isa sa dahilan kung bakit ayaw kung pumasok tuwing February 14. Maraming pakulo ang mga ssg officer sa lahat ng mga estudyante pero mas dehado ang mga single na tulad ko. Lumilibot ang mga ito at naghahanap ng mga estudyanteng nag-iisa para hulihin. Nung nakaraang taong ay nuhuli rin ako, pero yun ay nung naapakan ko ang heart sticker na idinikit nila sa flooring ng campus, ang bawat makaapak doon ay huhulihin nila at hahanapan ng pares, buti na lang at nagbigay agad ng love gift si Apple kaya pinakawalan rin nila ako agad. Inilibot ko ang tingin ko at nakitang lima kami doon, puro babae. Hiwalay rin ang sa lalaki. Kung tutuosin ay kaya namin tumakas dahil hindi naman matibay ang railings pero mas malaki ang babayaran namin. Lumapit ang isang officer at tinawag ang pangalang nung isang babae dahil may nagpiyansa na daw dito. Tumingin ako Kay Selena at napansing parang naiiyak na siya. Isa isa na kasing tinawag ang ibang kasama namin. Hindi bale, pag pyenansahan ako ni Apple ay papyansahan ko siya. Ilang minuto ang lumipas ay nakita ko na si Apple at Arnel na papalapit sa amin. May Dala ang mga ito ng isang puting plastic bag. Napangiti ako dahil alam kung makakalabas na ako, kailangan ko pa kasing pumunta ng Library. Iniabot sa akin ni Apple ang plastic bag na nagpakunot ng noo ko. "Pasensya na bes kulang na ang pera ko" tila nalulungkot niyang saad. Nalaglag ang panga, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Kulang ang pera pero nabilhan niya ako ng burger at softdrink. I can't believe her! Lumapit sa amin yung babaeng officer na nagposas sa akin. "Ma'am Selena Gonzalez, laya ka na," Simpleng saad niya. Nakita ko ang gulat sa mga nito. Tumingin ito sa akin, dahil ako na lang ang naiwan pero nag-iwas rin ng tingin at umalis. Tuluyan na akong iniwan nila Apple kaya Wala akong choice kundi umupo at maghintay ng himala. Yung akala mong mahuhuli, mas nauna pang lumabas sayo. Kinonfiscate nila ang phone ko, kaya hindi ko machat ang ilang ka close ko para pakiusapang piyansahan ako Napatingin ako entrance ng stadium, doon ay nakita ko si Paolo, nakasout ng simpleng long sleeve red polo na nakatuck in sa kulay itim niyang fitted jeans. Hindi ito naka black, na laging suit niya sa nagdaang taon. In a relationship na siya. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Kasama nito ang mga kaibigan niya na pawang nakasuot ng kulay itim. Nagtatawanan ang mga ito at kinakantiyawan siya dahil siya lang ang naiiba ang kulay na suot sa kanila. Lumapit ang mga ito sa secretay ng ssg at may iniabot kulay puting papel. Nakitang kung natigulan ito ng napatingin sa akin pero umalis rin agad kasama ang mga kaibigan. Umakyat ang secretary sa stage at kinuha ang mic na nakakonekta sa naglalakihang speaker para basahin ang letter, kung saan maririnig ng lahat ng estudyante. Dear, Samantha I don't believe in second chances Because I thought one is enough But I agree with you, everything you think impossible would be possible, because of love Thank you for patiently waiting for me and coming back to my life love Mahal na mahal kita Paolo,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD