chapter 1: scholarship

1869 Words
They said opportunities only comes once in our life. Some people are still regretting for not taking the risk of this one in a lifetime proposal. But is it still worth it if while we are in the process of achieving those dreams, we have to leave, sacrifice or lose what we have now. “Pero Ma’am Carmen malayo po ang Maynila,” saad ko sa adviser ko. I told her that I am hesitating to accept the scholarship I got from Anderson University. Ayaw kung iwan ang mga magulang at kapatid ko rito sa probinsya. Matanda na sila at menor de edad pa lang ang kapatid kung sumunod sa akin. Nasa office niya kami ngayon dahil ipinatawag niya ako mula sa paglilinis ng garden. Brigada Eskwela ngayon. Ipinatawag ang mga magulang ng lahat ng mag-aaral pero ako na ang pumunta dahil abala si Nanay at Tatay sa bukid. “Anak ang pag-abot ng pangarap ay hindi madali, kailangan mong mag sakripisyo. Minsan lang dumating ang ganitong opurtinidad sa buhay ng isang estudyanteng tulad mo,” sabi niya. Matagal niya na akong eneengganyong tanggapin ang scholarship program na napasa ko sa Anderson University. “Anak wala ka ng poproblemahin sa mga gastusin. Hindi muna kailangan humingi sa mga magulang mo. Ang kailangan mo lang ay pagbutihin ang pag-aaral mo,” diin niya, seryosong tumingin sa akin. “You have the potential anak, kung gusto mo talagang maiahon sa hirap ang mga pamilya mo, huwag mong sayangin ang pag kakataon mo. Maraming estudyante ang naghahangad na makakuha nyan,” nakangiti nitong turan, tumayo siya mula sa pagkakaupo at kinuha sa taas estante ang Certificate of scholarship ko na hindi ko pa kinuha mula sa kanya pagkatapos niya itong matanggap mula sa Anderson University. Ako lang ang nakapasa sa mahigit isang daang estudyante na nag take mula sa school namin. “Minsan lang dumating ang ganitong oportunidad, so please pag isipan mo maigi,” sabi niya at pinabalik na ako sa paglilinis. Nasa bukid ako ngayon at pinag-iisipan ang napag-usapan namin ni Ma’am Carmen. Tumingin ako Kay tatay na nagbibinhi ng mga palay kahit tirik ang araw kasama nito si Miro, ang alaga niyang kalabaw. Binagyo ang mga tanim niyang palay nung nakaraang buwan kaya malaki ang lugi nila Nanay. Hiniram lang nila sa cooparatiba ang puhunan na ginamit nila ngayon. Naaawa ako sa kanila nanay, dahil lahat ng kinikita nila ay napupunta lang sa pambayad utang. Mapalad na lamang kami dahil, ipinahiram sa amin ang lupa sinasaka ng malayong kamag-anak ni Tatay. Malayo ang Maynila at kahit kailan ay di pa ko nakakapunta doon. Nag aalangan ako, maliban sa malayo ay dahil na rin sa mga napapanood ko sa tv na marami daw magnanakaw, rapist at adik doon. At karamihan ng mga kakilala kung pumupunta sa Maynila na taga dito sa amin ay parang wala ng kakilala pagkauwi dito sa probinsya. “Alam mo Ria kung ako ikaw matagal ko nang sinunggaban yan,” turan sa akin ni Isay. Kasama ko sila ni Martin, ang nobyo niya. Mga kababata ko. “e hindi siya Ikaw ehhh,” nang-aasar na saad ni Martin. Sinamaan siya nito ng tingin. Tumawa naman ito ng malakas. “Kung nag aral ka sanang maigi di sana makakapunta ka rin! Kaso puro palakol ang grades mo, puro ka kasi landi at basa ng pocket book,” sabi pa nito. Mas lalo siyang sinamaan ng tingin ni Isay. “Talaga ba! ehhh Ikaw lang naman ang naging boyfriend ko, mag break na lang kaya tayo,” yamot na Sabi nito. “Joke lang babe, kahit hindi naman kita nilandi 'di ka pa rin makakapunta roon," Mas lalong pang aalaska nito at humalakhak na mas lalong ikinasama ng mukha ng nobya. Hinawakan nito ang tenga niya at piningot. “Aray babe, ang sakit naman” Natawa ako sa pagtatalo nilang dalawa. Tumingin ako sa bukid at nakitang kumakaway si tatay kaya bumaba muna ako sa kubo at naglakad papunta sa pwesto niya. “Anak, umutang na muna kayo sa Tiya Glenda mo ng sardinas” sabi nito, habang pinupunasan ang pawis nito sa noo. Tumingin ako sa kanya. “Tay nabayaran niyo na po yung utang noong mga nakaraang buwan?” tanong ko. Nag-aalangan ako dahil siguradong di na ako papautangin ni Tiya. Kilala ko na Tiyang ko, madalas ako nitong ipahiya o mga kapatid ko tuwing umuutang kami sa kanya. “Sabihin mo na sa susunod na buwan ko na lang babayaran” utos niya. Ayaw ko sana gawin, pero wala akong magagawa, kung hindi ako uutang ay wala kaming kakainin panghapunan. “Ria tara na! Hinahanap na ako ni Nanay,” malakas na tawag ni isay kaya nagmadali na rin ako bumalik doon. Ang malawak na taniman ng palay ang tanawin, ang pagsayaw dahon ng malalaking puno na sumusunod sa direksyon ng hangin at nakakahalinang huni ng mga ibon na ang kinalakihan ko. Hindi ko mawari kung bakit kayang ipagpalit ang napakagandang tanawing ito sa magulong mundo ng syudad. “Kung sinagot mo sana ako Ria, edi hindi ka na chaperone ni Isay at Martin!” malakas na sigaw ni Berto habang naglalakad kami pauwi. Nasa tapat ito ng tindahan ni Tiya Glenda umiinom ng alak kahit tanghaling tapat. Hindi ko na siya pinansin dahil matagal niya na akong kinukulit. Tambay ito at palamunin ng mga magulang kahit matanda na. “Pano kanya sasagutin ehh ang pangit mo!” sigaw din ni Isay. Pinatulan ang banat ni Berto. Akala ko ay hindi niya na narinig. “Sumusobra ka na ahhh!” sagot nito kay Isay. Matagal na silang magkaaway ni Isay. Sa tuwing kinukulit kasi ako nito at naririnig ni Isay ay puro panlalait ang ginagawa niya. Kesyo orangutan o king kong, mukha daw kasi itong unggoy. “Mahirap na nga siya papatol pa siya sa tambay,” hinila na namin siya ni Martin palayo . Palasagot talaga ang babaeng ito. Baka magkagulo pa. “Isay,” tawag ko sa kanya ng malapit kami sa kanila. Mas mauuna pa kasi ang bahay nila bago sa amin. Nakaakbay sa kanya si Martin at may mga binubulong bulong. Nasa likod nila akong dalawa. Sa lagi naming magkakasama ay palagi na lang akong tinatawag na chaperone, kaya lagi akong kinakantiyawan ng mga tambay at may gusto sa akin. “Bakit?” sagot niya. Tumigil sila sa paglalakad at lumingon sa akin. “Bakit mo gustong makapunta ng Maynila?” tanong ko. Matagal niya ng sinasabi sa akin na pangarap niya ang makapunta ng Maynila, taliwas sa gusto ni Martin. Tumigil ito sa paglalakad at lumingon sa akin. “Hmmmm” pag-iisip niya. Maganda siya. Matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, makinis at pantay ang kulay ng kutis. Balingkinitan ang katawan at pang modelo ang tangkad. “Gusto kung magkaroon ng magandang buhay,” saad niya ng may bahid ng lungkot sa mga mata. Dahil sa hirap ng buhay, kahit walang kasiguraduhan ay mas pinipili ng mga taga probinsya na makipagsapalaran sa Maynila, para takasan ang hirap ng buhay dito sa probinsya. Malungkot akong tumingin sa kanya. Mahirap lang kaming tatlo. Ang Nanay ni Isay ay labandera ng mga may kayang pamilya dito sa amin. Lasenggero ang step father niya, sinasaktan ang nanay niya tuwing wala itong maibigay na pambili ng alak. Ang mga magulang naman ni Martin ay parehong trabahador sa mga Mendez, ang pinakamayamang pamilya dito sa Tarlac. “Hindi ko matutupad yun pag nanatili ako rito Ria,” pilit ang ngiti niyang saad bago humarap kay Martin na seryosong nakamasid sa kanya. “TALAGA anak!” tumalon talon pa si Tatay ng malaman niyang nakapasa ako sa scholarship ng Anderson University. Matagal kung itinago ito kanila nanay dahil pinag-iisipan ko pa noon kung tatanggapin ko. Kaya kahit wala siyang pera ay ginawan niya ng paraan para ipagdiwang ito. “Glenda makakapag aral ng libre si Ria sa Maynila,” tawag niya Kay Tiya Glenda na kumakain ng pansit. Sa kanilang magkakapatid ay si Tiya ang nakaka-angat sa buhay. Nasa abroad ang lahat ng mga anak niya. “Nakapasa siya sa scholarship ng Andre-, ano yun anak?” tumingin siya sa akin. Ngumiwi si Tita Glenda. Hindi masaya sa ibinalita ni Tatay. Matapobre talaga. “Anderson University po Tay,” “pag siya naging doctora-“ hindi ko na pinatapos si Tatay at lumabas na ako. Nahihiya na ako, kanina pa niya paulit ulit na sinasabi yan sa tuwing may darating kaming kamag-anak. Kaya pinili ko na lang pumunta sa kubo na madalas naming tambayan ni Isay at Martin. Nagdala ako ng pansit at lumpia. Baka awayin ako ni Isay pag 'di ko sila dinalhan. Paborito pa naman niya ang luto kung pansit. “Kailan ka aalis?” tanong sa akin ni Martin, habang ngumunguya ng lumpia na dinukot niya sa platong hawak ni Isay. Sinamaan siya nito ng tingin. “Sa linggo,” sagot ko. Kailangan ko pa kasing asikasuhin ang mga requirements. Sa susunod na buwan na rin ang simula ng pasukan. “Babe wag mo naman ubusin!” Sabi niya kay Isay na nakalahati na agad ang pansit. “Akin na to,” nguso niya kay Martin “Hoy! Hindi lang Ikaw ang may bituka,” nakasimangot niyang saad, inaabot ang platong hawak hawak nito. Nang nakuha niya ito ay mas lalong sinamaan siya ng tingin ni Isay. “Mag break na tayo,” Tinignan lang siya ni Martin at inubos na ang pansit. Sinimot niya pa ito habang pinapakita kay Isay na masama ang tingin sa kanya. Naiiyak na. “'Di mo na ako mahal” nagtatampo nitong saad, nakanguso. “Wow! Parang sa pansit lang, edi mag break na tayo,” ginatungan niya ang toyo nito. Mamimiss ko ang dalawang ito. Hinayaan ko na silang dalawa dahil sanay na akong nag-aaway sila. Maya maya naman ay bati na rin naman sila, na parang walang nangyari. “Wag mo kaming kakalimutan Ria ahh, baka dun ka na makahanap ng dyowa mong mayaman,” sabi ni Isay na ngayon ay nakayakap na kay Martin. Parang walang nangyari kanina di ba. “Wala pa yan sa isip ko, kailangan ko munang makapagtapos,” saad ko sa kanya, inaabot ang bunga ng bayabas na malapit lang sa bintana ng kubo. “Kahit guwapo at mayaman,” tanong niya. “Kahit guwapo at mayaman,” ulit ko sa kanya. “'Di mo masasabi yan Ria,” sabi niya sa akin, tumingin kay Martin na ngayon ay kinakagat ang tenga niya. “Aray ano ba” “'Di mo alam kung kailan ka papanain ni kupido,” makahulugan niyang saad at hinalikan sa pisngi si Martin. Tumatak ang mga sinabi sa akin ni Isay habang nakatingin ako sa bintana ng bus na sinasakyan ko patungong sa Maynila. Bago ako umalis at walang katapusang habilin ang pinabaon ng mga magulang ko sa akin. I remember how Nanay told me na nakapagtapos din sana siya ng pag-aaral. Wala rin siyang balak magnobyo pero nakilala niya si Tatay. I don't know how love can change the belief and perspective of one person, but I hope, na sana bago ako ma in love o panain ni kupido, sana maibigay ko muna kay Nanay at Tatay ang pangarap kung buhay para sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD