Hindi makapiwala si Vekvek na sa muli nilang pagkikita ni Gladys ay malalaman niya rito ang tungkol sa lalaking naging dahilan ng kanyang mga paghihirap sa nakaraan. Ayon sa babae ay bumalik si Tongtong sa kanilang lugar at nangupahan sa magandang apartment. Wala raw ginawa ang lalaki kung hindi ang magpainom ng alak sa mga dating kakilala. Lagi rin daw ito sa sugalan at parang hindi nauubusan ng pera kahit pa araw-araw ay magwaldas sa mga walang kapapararakan na bagay. Kaya nga rin lumapit si Gladys kay Tongtong dahil nalaman niyang wala naman daw itong kasamang iba. Halos araw-araw na nakabantay si Gladys kay Tongtong dahil nga naging galante ito dahil nga sa dami ng mga pera. Hanggang sa nanghina na lang daw ang katawan ng lalaki na hindi nito ininda o pinagkaabalahan na ipatingan s

