“Maraming salamat, miss Jen at sumama ka sa feeding program ng kumbento,” pasasalamat ni Vekvek dahil sumama nga si Jen sa feeding program ng kumbento at marami rin itong dala-dalang food pack para sa mga kapus-palad na lalapit at pipila sa feeding program. “Matagal ko na rin kasing pangarap na sumama sa ganitong gawain, Vek. Noong nabubuhay ang mga poster parents ko nang bata pa ako ay ganito rin ang ginagawa nila bilang pasasalamat sa mga blessings na dumarating. Iyon nga lang at hindi ko na ipagpatuloy dahil sobrang na busy ako sa paghandle ng mga naiwan nilang negosyo,” kwento ni Jen. “Talagang may tamang panahon para sa lahat ng mga nais nating gawin sa buhay. Akalain din ba natin na darating tayo sa araw na ito na magkakasama pa tayo sa feeding program?” ang tanong pa ni Vekvek da

