“Sinong aalis? At bakit aalis?” ulit na pagtatanong ni Jen na lumapit na sa tatlong nagtatalo-talo. “Sino pa ba, Jen. E di iyang sinungaling at magnanakaw na hardinera mong yan. Kung narinig mo lang kung paano niya sagut-sagutin si Tongtong kanina. Napaka walang galang talaga niyan. Asawa ng amo niyang babae pero binastos bastos niya lanng,” sumbong ni Kena. Si Jen ay nanatiling matiim ang tingin kay Vekvek. “Totoo ba, Vek? Totoo ba na pinagsaagot at binastos mo ang asawa kong si Tongtong?” seryosong tanong ni Jen. “Jen, totoo nga ang mga sumbong ni Kena. Ibang klase talaga ang hardinera na nakuha mong yan. Napaka salbahe pa lang talaga. May sinasabi lang ako sa kanya ay bigla na siyang nagsisigaw at galit na galit. Kaya naman pinapaalis ko na siya bago pa magdilim ang paningin ko sa k

