Chapter 15 Nanatili lang nagmamasid sa labas ng bahay si Vekvek dahil hindi naman siya diretsang makapasok sa bahay ng amo dahil wala naman siyang pwedeng gawin sa loob. Mahirap na at baka makita siya ni Tongtong. Nararamdaman ni Vekvek na malapit ng malaman ni Jen ang katotohanan sa pagitan ng asawa nito at ng matalik na kaibigan gaya ng nalalapit na rin na pagbunyag kung sino ba talaga siya. Alam naman din kasi ni Vekvek na hindi magtatagal ang pananatili niya bilang kasambahay. “Sino ka?” Napatigil sa pagdidilig ng halaman si Vekvek ng may boses ng babae ang biglang nagtanong. Si Kena. Lagi namang nakasuot si Vekvek ng mahabang damit at laging nakapatong sa kanyang ulo ang balabal para nga maitago ang kanyang mukha. “Bingi ka ba? Ang sabi ko sino ka? Ngayon lang kasi napansin s

