Chapter 16 Hawak na ni Jen ang resulta ng mga bote na kanyang pinasuri at nakausap niya na rin ang taong personal na sumuri sa naturang gamit. “Ma'am Jen, nariyan ka na pala,” pagbati ng mayordoma kay Jen ng mapansin ang amo na nasa loob na pala ng bahay ngunit walang nakapansin dahil walang tunog na o tumigil na sasakyan sa labas ng bahay. “Nasiraan ako ng sasakyan, Manang. Iniwan ko muna sa talyer kung saan ako nagpapagawa. Ano po bang ganap sa bahay sa maghapon?” sagot at tanong ni Jen na uminom muna ng malalmig na tubig at saka naupo sa isang monoblock. “Okay naman po, Ma'am. Wala namang pong nangyari dahil alam niyo naman mababait lang kami na naiiwan niyo dito sa bahay.” Tatango-tango at bahagyang napangiti si Jen sa narinig. “Bumaba ang sir nyo?” tanong mul Jen. “Opo, ma'am.

