Chapter 20 Matapos ang away sa pagitan ni Vekvek at Kena ay napansin ng una na hindi na masyadong naglalabas ng bahay ang matalik na kaibigan ng amo na wala na yatang balak umalis pa. Umaalis ng bahay sina Jen kasama ang asawang si Tongtong ngunit si Kena ay nasa loob lamang ng silid nito at lalabas lang daw kapag kukuha ng pagkain at inumin. “Vek, tama na muna yang ginagawa mo at baka masobrahan naman sa ganda ang garden ni ma'am Jen. Heto at kumain at magpalamig ka na muna,” sabay lapag ng pagkain at inumin ng mayordoma sa maliit na lamesang gawa sa kahot sa garden. “Salamat po, Manang.” Pasasalamat ni Vekvek at saka na nga naghugas ng kamay para kumain. “Vek, alam mo simula ng magkausap tayo tungkol diyan kay Ma'am Kena naging alisto na ako sa kanya. Bawat galaw niya kapag nasa pal

