Chapter 19

1144 Words

Chapter 19 “Napapano ka ba Kena? Bakit pati ang hardinera ko ay inaaway at sinasaktan mo?” mahinahon ngunit madiin na mga tanong ni Jen sa matalik na kaibigang si Kena na nagkulong sa silid nito pagkatapos ng nangyari na pang-aaway kay Vekvek. “Jen, ano bang meron sa muchacha na yon at bakit ka ganyan ka concern sa kanya? Hindi ka ba nag-iisip bago mo tanggapin ang babaeng yon na may dala pang kung anong sakit sa balat? Nakakadiri kaya siya! Nakakadiri ang mukha niya!” sagot ni Kena kay Jen. “Kena, hindi siya nakakadiri. Hindi naman sakit na nakakahawa ang nasa balat niya. Kung alam mo lang kung anong pinagdaanan ng babaeng pinandidirihan mo ay baka maawa ka pa sa kanya. Kaya ganun ang kanyang balat ay dahil sa pang-abuso sa kanya ng mga abusadong tao,” pagtatanggol ni Jen kay Vekvek.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD