Chapter 1

1035 Words
Chapter 1 “Ay! Ano ba yan?! Alis! Layas!” pagbugaw ng isang matabang babae sa isang pulubi na sobrang dumi ng itsura at napupuno pa ng mga sugat sa katawan na pinaliligiran pa ng maraming langaw. “Bakit ba pinapayagan na may mga gumagalang pulubi na may sakit yata sa balat ang lugar na ito? Dapat dito sa pulubi ay hinuhuli at kinukulong,” ani pa ng matabang babae na nagtakip pa ng kanyang bibig at ilong para huwag maamoy ang masangsang na amoy na nagmumula sa babaeng pulubi na napupuno ng mga sugat sa katawan. Yumuko na lang ang babaeng pulubi at saka naglakad palayo sa matabang babae na nagtataboy sa kanya. Wala ring sapin sa paa ang babaeng pulubi na maging ang mga paa ay may mga sugat. Umupo ang babaeng pulubi sa bakanteng upuan ng plaza at saka niyakap ng mahigpit ang sarili na para bang takot na takot. Balisa rin ang babae na parang may kinatatakutan. “Kalma ka lang, Vek. Kalma ka lang,” pang aalo ni Vekvek sa kanyang sarili. Tama. Ang babaeng napagkamalang pulubi dahil sa madungis na panlabas anyo ay si Vekvek. “Tong, nasaan ka? Kailangan ko ng tulong mo kaya pakiusap tulungan mo ako,” pagtawag ni Vekvek kay Tongtong sa pamamagitan ng kanyang isip. “Bakit Tong? Bakit mo ako iniwang mag-isa sa casa? Bakit hindi mo man lang ako iniligtas o kaya naman ay binalikan? Bakit?” mga tanong pa ni Vekvek habang inaalala ang lahat ng mga naging paghihirap niya sa casa. Pinagbintangan siyang traydor at ang siyang nagsumbong sa mga NBI ng tungkol sa mga ilegal na nangyayari sa casa gobernador na pag-aari ni Dimitri. Ikinulong siya sa madilim na piitan at halos araw-araw pinarurusahan sa kasalanan na hindi niya naman talaga ginawa. Hindi na mabilang ang hagupit ng latigo na lumatay sa kanyang pagod na pagod na katawan. Ginutom at ang pinapakain ng mas masahol pa sa kaning baboy at bigyan ng tubig ay gapatak lamang. Inaabangan na lang ng tagapagbantay ng piitan kung kailan siya mawawalan ng hininga upang ipalapa na sa mababangis na hayop na alaga ng malupit nilang amo na si Dimitri na walang awa siyang pinaparusahan kahit ilang beses niya ng itinanggi na wala siyang alam sa kung anong pagsusumbong sa NBI kaya sila na raid dahilan para mabawasan ang kaban ng kanyang amo at mawala ang mga vip client na nagpapasok ng milyon-milyong pera sa loob ng casa gobernador. Ngunit ganun pa man ay nananatiling buhay si Vekvek. Akala niya nga ay mamamatay na siya at hindi na masisilayan pa ang liwanag ng araw sapagkat ang kanyang piitan ay napaka dilim na maging ang kanyang sarili ay hindi niya talaga makita man lang. “Tong, nasaan ka na? Tulungan mo ako pakiusap. Wala akong mapuntahan,” hiling pa ni Vekvek dahil talagang hinang-hina ang kanyang katawan at hindi rin makapag isip ng tama dahil nga sa kalunos-lunos na kalagayan. Hindi rin siya makauwi sa kanyang tunay na pamilya dahil sa maraming kadahilanan kaya tanging si Tongtong lang talaga ang kanyang malalapitan at mahihingan ng tulong. Ngunit wala si Tongtong. Si Tongtong na binili na sa casa sa malaking halaga ng isabg mayamang vip client na si Miss Jen. Habang nakayakap sa sarili at tahimik na umiiyak sa kasawian nangyari sa kanyang sarili ay may naghagis ng barya sa harap ni Vekvek. Barya na noong una ay pinagmasdan lang ni Vekvek ngunit ng kumalam ang sikmura ay nanginginig niyang dinampot ang apat na piraso ng limampisong barya at saka umusal ng panalangin sapagkat may maipapambili siya ng kahit tubig man lang para sa kanyang nanunuyong lalamunan. Unti-unting tumayo si Vekvek para maghanap ng mabibilhan ngunit sa kanyang paglinga ay nahagip ng kanyang mga mata ang isang gripo sa sulok ng plaza. Sa paika-ikang paglalakad ay lumapit siya sa gripo at saka mabilis itong ipinihit upang makapaglinis man lang siya kahit mukha niya lang na nanlilimahid na sa dumi at alikabok. Nang maramdaman ni Vekvek ang malamig na tubig na ngayon ay nag aalis ng kanyang dungis ay nakaramdam siya ng kaginhawan. Hindi pa nasiyahan si Vekvek na ang kanyang ulo at mga buhok ay kanya ng binasa at dahil nga uhaw na uhaw na ay uminom na siya sa gripo na hindi na nag isip kong ligtas ba itong inumin ng tao. Ngunit para sa kanyang nalagay na ang buhay sa bingit ng kamatayan ay ngayon pa ba siya matatakot na mamamatay? Nagpakasawa sa tubig ng gripo si Vekvek. Wala na siyang pakialam kung nasa pampublikong lugar pa siya at nakikita ng mga tao dahil talagang uhaw siya sa tubig at kailangan niya ang lamig na dala nito upang kahit paano ay luminis man lang ang kanyang nanggigitata ng karumihan ng katawan. Ang pisikal na katawan ay madali lamang linisin at hugasan ngunit ang kanyang pagkatao na dinungisan at nilublob sa putikan ay kailanman ay hindi na lilinis kahit maligo pa man siya ng holy water. Matapos linisin ang sarili ay nagbilad sa arawan si Vekvek upang tuyuin ang katawan at ang damit na tumutulo sa basang tubig. Pinagmasdan ni Vekvek ang kanyang mga kamay at braso na napupuno ng mga sugat at latay. Ang kanyang mga paa at binti na mabuti na lang ay nailakad niya pa kahit siya ay hirap na hirap ng lumakad pa. “Nasaan ka, Tong? Nasaan ka? Saan kita makikita? Saan kita matatagpuan?” mga tanong na naman ni Vekvek habang ginagala ang mga mata sa kapaligiran. “Ipagpapasalamat ko pa bang hanggang ngayon ay buhay pa ako o dapat ay namatay na ako para matapos ang paghihirap ko?” ani pa ni Vekvek sa sarili habang nakamasid sa mga taong naglalakad at abala sa kanila kanilang mga buhay. “Anong nangyari? Bakit nagkaganito? Bakit umabot ako sa punto ng buhay kong naging ganito ako?” mga naninising tanong ni Vekvek habang tumutulo ang mga luha na akala niya ay wala ng natitira pa sa kanya sa dami niya ng iniluha. “Hahanapin kita, Tong. Kung hindi mo ako mahanap ay ako ang siyang hahanap sayo,” wika ni Vekvek sa sarili sabay tingala sa liwanag ng kalangitan na nagbibigay pag-asa na muli silang magkikita at magkakasama ni Tongtong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD